The Story of Another Us chapter twenty-eight: who are you, sleeping beauty? Dahil nga't konti na lang ang natitirang araw para sa pagkampanya, sinusulit na nila ang bayad nila sa'kin. Gumamit naman ng kung anong powers ang team ni Senator Monreal para ma-excuse kami ni Nicolo ng tatlong araw ng aming mga klase para sumama sa pangangampanya. Kaya heto na naman kami sa initan at kapawisan sa isang gymnasium. Usually gym naman talaga ang pinupuntahan ni Senator Monreal, tapos maglalakad-lakad siya matapos ang kaniyang speech papunta sa bahay-bahay ng mga tao. Iniisip ko nga kung hindi ba siya napapapagod sa kakangiti at kakakakamay sa mga tao. Hindi naman niya naaalala ang bawat taong nakikilala niya. Pero para sa mga taong iyon hindi nila makakalimutan buong buhay nila na nakilala nila a

