The Story of Another Us chapter thirty-one: the concept of love Clueless. Madalas wala naman talaga tayong muang sa mundo. Honestly, I'm a little thankful for the internet kasi kahit papaano napapadaan ang mga balita sa mga cellphone kahit pa-scroll-scroll lang sa screen. Face it, not everyone watches the TV anymore. Ayan, kadalasan wala talaga tayong alam. Parang ako ngayon. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko kay Nicolo. Ni hindi ko nga maintindihan kung ano 'yung nararamdaman ko para sa kaniya. Teka, ang tanong pala ay kung may nararamdaman ba ko sa kaniya. I mean, sure, nararamdaman ko 'yung kilig pero pagkatapos no'n? Ano na? Parang wala. Empty. Nothing. Blangko. Pinigilan ko na lang ang sarili ko na hawakan ang aking ulo at baka itanong pa sa'kin ni Nicolo kung anong iniisip

