The Story of Another Us chapter thirty-three: why not? There are just things we cannot change. Katulad na lang kung sinong nagiging mga magulang natin. Hindi ka naman pwedeng mamili kung sinong magiging nanay at tatay mo. May pagka-unfair din eh 'no? Paano na lang pala kung ayaw kong mapanganak sa mundong 'to pero niluwal ako ng nanay ko? Edi unfair. Parents may not always be in our favor, but most of the things they do mean well for us. Minsan, hindi lang natin nakikita. Most parents are like that. I can talk about different kinds of parents and we would never finish until tomorrow. Something most parents have in common, at least once in their life, they are hated by their kids. Kahit naman gaano tayo maging buntot nila noong mga bata pa tayo, dadating 'yung panahon na mabubwisit na l

