The Story of Another Us chapter thirty-seven: he’s nicolo, isn’t he? Let me tell you a thing or two about exes. Unang-una, sabihin mo mang hindi sila big deal, big deal pa rin sila. Ikalawa, at ang pinaka importante, hindi na dapat sila binabalikan. Bakit? Big deal sila eh. Kahit anong gawin mo big deal sila. Lalo na kapag ang tagal na ng naging relasyon niyo at malalim ang pinagsamahan—iyong tipong kilala niyo na pamilya at mga kaibigan ng isa’t isa. Mahirap kasing umalis sa isang relasyon na ang dami nang koneksyon. Parang sa mga corkboard lang ‘yan ng mga pulis. Iyong tipong ang daming yarn na nagkokonekta sa inyong dalawa ang hirap nang putulin isa-isa. Bakit hindi mo na sila kailangang balikan? I’m pretty sure bago kayo naghiwalay ginawa niyo na ang lahat ng magagawa niyo para m

