The Story of Another Us chapter thirty nine: did i say something about falling in love? Madaming magandang relasyon ang dapat tularan. Pero madaming relasyon na hindi dapat iniidolo. Minsan kasi ginagawa na lang ng media na tanga lahat ng tao. I ought to know. I do it. I’m part of the media. Hell, I’m working for the media. I’m earning money because I trick people. I trick people into making them believe me. Pero sa panahon ngayon, ano nga ba ang depinisyon ng isang magandang relasyon na dapat mong tularan? Mayroon ba? Surely, walang relasyong perpekto. Lahat naman may problema. Kung mapapansin, hindi ba’t mas problematic pa ‘yung mga relasyon na sobrang ma-post sa social media? Bakit mo nga naman kasi kailangan pang hingin ang validation ng ibang tao na okay ang relasyon niyo tapos s

