CHAPTER ONE: ANG PAGKATALO
Isang napakaganda at napakatalinong babae si Valerie. Bukod pa duon, isa ito sa mga miyembro ng pinakakilalang angkan sa batangas. 4th year high school student na ito at pumapasok sa isang private school. 1st year hanggang 3rd year ay sya ang first honor kaya naman kumpyansa sya na sya ang magiging valedictorian ngunit nagbago ang lahat ng naging kaklase nya si Jerry. Sa lahat ng exams nila pang second na lang sya, lagi syang natataasan ng isang lalaki na nanggaling sa isang public school.
Isang unit test ang ibinigay ng teacher nila sa physics, handang handa dito si valerie at siguradong sigurado sya na sya ang magiging highest.
Pagkatapos ng isang oras na pag eexam, ipinasa na nila ang kani kanilang papel upang matsikan na at ng masabi na sa kanila ang kanilang score. 75 items lahat lahat ang kanilang exam. Excited na excited si valerie habang binabanggit ang score ng bawat isa.
“Harry Montreal, 64”
“Monette Asis, 66”
“Valerie Santos, 72”
Masayang masaya si valerie dahil alam nya na wala ng makakataas sa kanya ng biglang...
“Jerry Morales, 74”
Hindi makapaniwala si valerie sa narinig, gusto nyang mag complain pero hindi nya magawa dahil alam nya talaga na hindi imposible para kay jerry ang score na iyon. Nawawalan na sya ng pag asang maging valedictorian.
Expected na ni valerie ang nakita nya sa bulletin board, pangalawa lang sya sa average na 92.75 at si jerry naman ay 93.5. Maliit lang ang lamang ni jerry kaya sobra ang panghihinayang ni valerie, gusto nyang maiyak ngunit pigil na pigil nya ito.
“valerie, congrats! Second honor ka. Oh? Bakit parang di ka masaya?”bati ni kylie
“eh kasi naman yang jerry na yan, inagaw sa’kin yung pwesto ko. Nakakainis.”
“ayos lang yun, may 2nd,3rd at 4th grading pa noh, bumawi ka na lang sa sunod”
“kailangang makaisip ako ng paraan para hindi makapag concentrate sa pag aaral yang si jerry na yan”
“sandali, meron akong isang bright idea! Kailangang magkaroon sya ng girlfriend ng sa ganon dun sya magfofocus. Ayos ba?”
“bongga yang plano mong yan, pero teka, sino naman ang magigi nyang girlfriend”
“edi sino pa, syempre ikaw. Alangan namang ako”
“hah? Wag na lang noh”
“hoy valerie, guwapo si jerry noh, mahirap nga lang”
“ang tanong magkakagusto ba sa’kin yung taong yun? Eh hindi nga ako pinapansin eh”
“valerie, maganda ka, bakit di mo sya akitin?”
“sa bagay, may punto ka!”
“basta pag kailangan mo ng tulong, tawagan mo lang ako hah!”
Pagkatapos ng klase, dumiretso si valerie sa park, nakita nya duon si jerry na nag titinda ng street foods. Puro kababaihan ang bumibili palibhasa nga ay guwapo si jerry. Nang maubos ang paninda, lumapit na si valerie rito. May fake na ngiti at parang walang galit na nararamdaman.
“hi jerry!”
“oh valerie, bakit narito ka?”
“ikaw nga ang dapat kong tanungin nyan eh, di ba dapat nag cecelebrate ka?”
“kahit gusto ko, di ko magagawa, syempre kailangan ng mga magulang ko ang tulong ko”
“ah muntik ko ng makalimutan, congratiulations nga pala. You deserved it”
“salamat! congrats din, ikaw ang 2nd honor di ba? Galingan pa natin sa susunod”
“sige, teka ubos na yang paninda mo di ba? Kung ganon samahan mo na lang ako dyan sa isang fast food chain. Ililibre kita”
“hah? Naku wag na, may gagawin pa din kasi ako eh”
“ano? Mag-aaral? Maaga pa hah, sige na para naman mai celebrate mo naman ang achievement mo”
“sige na nga. Libre mo hah!”
Napakahinhin kumain ni valerie, yun ang unang napansin ni jerry ng magsimula na silang kumain. Hindi ito tulad ng ibang babae na napakagaslaw kung kumilos. Wala miski isa sa kanila ang nag uumpisang magsalita at para bang hindi sila magkakilala. Kain lang sila ng kain hanggang sa sila ay natapos.
“ahh valerie, salamat nga pala dito sa libre mo”
“ano ka ba? Wala yun noh”
“alam mo, napakaswerte mo! Hindi mo na kailangan magtrabaho para kumita, sa madaling salita, napakaganda ng estado mo sa buhay”
“lahat ng bagay na nangyayari dito sa mundo, sa buhay natin, may dahilan”
“alam ko, ano nga bang dahilan ng pagiging mahirap ko?”
CHAPTER TWO: CONFESSION
"ahh valerie, uuwi ka na ba?"
"oo, bakit? may pasok pa tayo bukas di ba?" valerie
"balak ko sanang ihatid ka sa inyo, pasasalamat ko na din"
"sure, no problem. hindi ka na naman iba sa'kin"
"sige, tara na?"
"let's go"
Pigil na pigil ni valerie ang tawa nya. pano ba naman kasi, niyaya sya ni jerry tapos bike lang pala ang meron sya.
[VALERIE'S POV]
gagong lalaki to! pinilit akong sumakay sa bike. walangya. pano kung sumemplang to? baka magasgasan ang skin ko. hay naku! buti na lang at malapit na kami sa bahay. humanda kang jerry ka dahil malapit ka ng mahulog sa patibong ko. hahaha
"ahh jerry, dito na lang. baka kasi may makakita pa sa'kin na may kasama kong lalaki at maisumbong pa ko sa parents ko"
"oh sige, sabi mo eh"
"sige mauna na ko" sabay talikod at naglakad pero wala pang 5 steps ng tawagin nya ako
"valerie"
"why?"
"i like you. i like you very much, matagal na pero di ko lang sinasabi, natatakot kasi akong ireject ng isang kagaya mo"
SPEECHLESS... pagksabi nya, aba lumakad na ko. wala pang isang araw tapos, nagustuhan nya agad ako. ganun ba talaga ko kaganda???. but in the same time naaawa rin ako sa kanya, nakita ko kasi sa pagkatao nya ang modelo na dapat tularan ng kabataan ngayon. ay ano ba to? itutuloy ko pa ba tong balak ko? kainis naman. pero hindi. kailangan kong gawin to para ako ang sunod na maging valedictorian.
CHAPTER THREE: THE GIRLFRIEND OF MY EX BOYFRIEND
“what? Matagal na sayong may gusto si jerry? OMG”gulat na tanong ni kylie
“Shhh. Wag kang maingay, baka may makarinig sa’tin, pihadong aasarin ako ng mga classmate natin pag nagkataon”
“unbelievable! Kayong dalawa yung nagcocompete sa rankings tapos may gusto sya sa’yo. But wait, eh di dapat hinayaan nya na lang na ikaw yung mag number one”
“yan din ang gusto kong malaman, kung bakit di nya pa sa’kin pinaubaya yung posisyon”
“hmmm. Anong plano mo ngayon? Itutuloy mo pa ba yung plano mo”
“of course yes, hanggat hindi ako ang top 1, hindi ko sya lulubayan”
“MS. INSECURE, inggitera ka sis. At sya naman si MR. GENIUS. Take this dare, pag natalo mo sya, ilalakad kita sa ex mong si steven pero kung matatalo ka, kailangan mong ligawan yung nerd nating clasmate”
“deal. Kung ako naman ang mananalo, kailangan mong sagutin ang pinsan kong si denver”
“what? Bakit yun pa? Iba na lang”
“may narinig ka ba sa’king reklamo? Wala naman di ba?”
“sige na nga. But i will make sure na ako ang mananalo sa’ting dalawa”
“whatever? Youre such a looser!!!”
“hmp. Sige mauna na ko, may meeting pa yung club ko eh”
[VALERIE’S POV]
“ano bang dare tong pinasok ko? Pano pag ako ang natalo, liligawan ko pa yung nerd kong classmate. I need a bright idea, (ting!) aha! Magpapatulong ako kay denver, sigurado kong di nun aayawan ang irerequest ko sa kanya”
“VALERIE!”tawag ni jerry
“ay kamoteng palaka!, bakit ka ba nanggugulat?”
“nagulat ba kita? Sorry” sabay upo sa tabi ko
“ano bang kailangan mo?”
“galit ka ba sa’kin dahil sa inamin ko sa’yo kagabi?”
“hindi. Madami na sa’kin ang nagsabi ng I LIKE YOU”
“may itatanong sana ko sa’yo”
“ano yun? May problema ka ba sa’kin?”
“ahh hindi, itatanong ko lang kung pwede akong manligaw”
“ikaw ang bahala, di naman ako nagrereject ng suitors”
“thanks. Titiyakin kong magiging gf kita, ay mali, ASAWA pala”
“ano? Ulitin mo nga yung sinabi mo”
“wala, mag cotton buds ka kasi para madinig mo lahat ng sinasabi ko sa’yo”
“ahh ganun, eh kung sabihin ko kayang wag ka ng manligaw dahil wala kang pag-asa”
“yan ang wag mong sasabihin dahil kung hindi...”
“dahil kung hindi, ano?”
“hahalikan kita”
Buti na lang at umalis na yung jerry na yun. Grabe! Pulang pula ko sa kahihiyan. Napakamanyak pala ng genius na yun. Gusto nya ng ganung laro hah. Madali akong kausap, ibibigay ko yun sa kanya. Humanda sya sa gagawin ko. Hahaha!
End of class. Dumiretso ako sa CR ng boys dahil nakita kong pumasok dun si jerry. Tingnan ko kung gano kapula ang magiging mukha nya. Bwahahaha. Sigurado kong mas mapula pa kesa sa kin kanina.
Pagpasok ko ng banyo, nakita kong umiihi si jerry at ng matapos nyang isara ang zipper nya, naghugas sya ng kamay, tumalikod at nakita ako. Pero bakit ganun? Di man lang sya namula kahit konti dahil sa hiya.
“di ko expected na ganto mo kaagang makita ang ‘ano’ ko” sabi ni jerry
Lumabas ako ng banyo at ako pa yung napahiya sa halip na sya. Nakakainis. Grrrr. Nakakainis, pulang pula na naman ako. Hay, tatakbo na ko at baka maabutan pa ako ng ungas na yon. Nakakahiya talaga. Bakit ba di ko muna naisip yung mangyayari. (BOOM).
“aray” sino ba tong epal na nabunggo ko?
“ikaw pala valerie, sorry. Ayos ka lang ba?” inangat ko ang mukha ko at nakita lang naman ang ex bf ko na si steven
“ayos lang ako”. Sabay tayo. “kamusta ka na? Balita ko gf mo na si jessica”
“ahh oo, 2 months na kami, eh ikaw hindi ka nag syosyota, hindi ka pa ba rin makapag move on sa’kin?”
“anong sinabi mo?”
“hehe joke. Musta ang lovelife?”
“ZERO”
“bakit? Di ba marami ka namang manliligaw?”
“madami nga pero ayoko sa kanila”
“bakit? Gusto mo ako lang?”
“ang kapal mo ahh, isa na lang at mauupakan na kita”
“hehe. Sige alis na ko. May date pa kami ni jessica eh”
“ok. Enjoy”
Bwisit na ex yun, sa lahat sya yung pinaka kaiba. Di man lang nakakaramdam ng awkwardness. Sa totoo lang kasi, di pa ako nakakapag move on sa kanya. Nasa kanya na kasi lahat ng type ko sa isang lalaki, gwapo, mayaman, kahit papano matalino (nasa second section sya ng 4th year at malayo ang room namin sa kanila kaya di ko na sya masyadong nakikita), matipuno rin sya, maputi at makulit. Hahaha.
“hatid na kita!” sabi ni jerry sabay akbay pa sa’kin
“di ba may trabaho ka?” yuck ayoko ng manganib ang buhay ko, bike? Iwww
“wala, yung kapatid ko kasi natanggap na sa trabaho kaya gusto nya magfocus na lang ako sa pag-aaral”
“ahh ganun ba?” kainis. Mas marami na sya ngayong time mag-aral. Mas mahihirapan ako nito
“yup, tara na! O mag date muna kaya tayo”
“grabe ka, nung di pa tayo close akala ko super bait ka, super kulit pala”
“ahahaha, di naman tayo close dati kaya di mo alam attitude ko”
“excuse me? Hindi pa tayo close noh”
“hah? Gusto mo bang halikan kita dyan?”
“ok fine, close na tayo” ayokong ikaw ang maging first kiss ko noh. Feeler
Grabe nakakahiya. Lahat ng nadadaanan namin humihiyaw ng ‘bagay kayo’, yung iba namang girls, ang sama ng tingin. Mamatay kayo sa inggit. Hindi ba nangangalay ang kamay nito sa kakaakbay?
Nagulat na lang ako sa nakita ko, si STEVEN hinahalikan si jessica. OMG, hindi to pwede. Huhuhu. Natulala lang ako sa kanila. Pano ba naman halos isang minuto silang naghahalikan. Kung hindi lang ata nila kami napansin ni jerry eh baka nangyari na ang hindi dapat mangyari. Gusto kong sugurin yung jessica na yun at sampalin ng sunod sunod pero ang kaso lang, wala akong KARAPATAN.
Lumapit samin yung ex ko at gf nya. Hmp, nakakainis. I want to die! Nadudurog na ang puso ko.
“valerie, i want you to meet my gf, JESSICA and jessica my FRIEND, VALERIE” pagpapakilala ni steven
“nice to meet you valerie. I hope we can be friends”
“sure! No problem” grabe ang plastik ko, bwahahaha
“hindi mo sa’kin sinabi na nililigawan ka ng soon to be valedictorian ng batch natin”
“ahh yun ba, yung ganun kasing bagay hindi mo naman dapat problemahin eh”
“kung magsalita ka naman parang wala tayong pinagsamahan, ex kita di ba?”
“oh ano naman ngayon?” wahhh kakahiya sa gf nya, pinamuka nya talaga na ex nya ko
“wala wala. Sige mauna na kami, magde date pa kami at parang ganun din naman kayo”
Walangyang jerry to, di man lang ako sinalo. NAPAKALAKI NYANG BWISET. Magsama sila ni jessica, tapos akin si steven. Naalala ko tuloy yung dare sa kin ni kylie na kapag natalo ko tong si jerry, ilalakad nya uli ako kay steven. Hahaha.
“HOY! Tara na. Gabihin pa tayo dahil dyan sa iniisip mo”
“panira ka rin eh noh?”
“di naman masyado, slight lang”
“HEH!”
“ano ba kasing iniisip mo? Yung kiss nung ex mo at nung gf nya?”
“hindi noh”
“kung naiinggit ka, sabihin mo lang, ki kiss din kita para masaya”
“KAPAL MO!”
“hindi naman. Tama lang. Ang gwapo ko kaya”
“kainis...”
Kainis talaga ang jessica na yun. THE GIRLFRIEND OF MY EX BOYFRIEND
CHAPTER 4: ADMIRER OR STALKER?
[JERRY’S POV]
Kahit di sabihin ni valerie, alam ko na nagseselos sya kay jessica. Kitang kita naman kasi sa kilos nya. Habang naglalakad nga kami pauwi, bigla na lang maninipa ng kung ano ano. Nakakahiya nga sa ibang dumadaan eh, yung iba nangaasar pa, may LQ daw kaming dalawa. Pero ayos lang sa’kin yun, eh kay valerie? Syempre hindi, di naman ako type nun eh.
“class, napili ko na kung sino ang sasali sa math quiz bee na gaganapin after 2 weeks” sabi ng adviser namin sa math
“sino kaya yun?”, “swerte ng napili, laki ng makukuha nung extra corricular”, “si jerry na yun!” OVER REACT TONG MGA KAKLASE KO! GRABE!
“at ang dalawa akong napili ay sina... JERRY AND VALERIE”
Palakpakan at hiyawan lang naman ang pumaibabaw sa classroom namin. Syempre ineexpect nila na kami na talagang dalawa ang mananalo. Pero sa mukha ni valerie ngayon, parang disappointed pa sya na ako ang kasama nya. Akala ko pa naman friends na kami, di pa pala.
“valerie, galingan natin” sabi ko kay valerie
“ok” tinaas ang kamay at nag aprub
“masaya ako at tayong dalawa ang napili”
“ako rin, let’s do our best para sa section natin”
“ok, sabi mo eh!”
Biglang dumating si kylie, napaka wrong timing.
“sis, hindi mo expected tong sasabihin ko sa’yo”
“ano ba yun?, bakit parang excite na excite ka?”
“si steven at jessica, sila ang representative ng math quiz bee ng section 2”
“HAH? DI NGA”
“oo, wag kang magpapa apekto, panira ng image pag kayo ang natalo ni jerry. Lilipat ako ng section pag nangyari yun. Sige bye! Ah, oo nga pala! Don’t forget y dare to you”
“CHE! STUPID”
[VALERIE’S POV]
Bakit sa dinami dami pa ng magiging partner ko? SYA PA. Kainis naman. Pag nanalo kami, may pareho kaming extra na makukuha kaya mas maganda kung mawawala sya sa time ng quiz bee. Anong kayang magawa? Tama! Kakausapin ko mamaya ang pinsan kong si denver. Hahaha!
AFTER CLASS...
“pinsan” tawag ko kay denver
“oh bakit insan?” Sagot nya
“hindi ka pa rin pinapansin ni kylie noh?”
“oo nga eh, sobrang arte. Sa lahat ba namang ng babaeng nagustuhan ko, sya yung pinaka pa hard to get”
“may sasabihin ako sa’yo pero atin atin lang to hah”
“ano ba yun?”
“nagkaroon kami ng dare ni kylie, pag natalo ko si jerry, sasagutin ka na nya”
“so, what do you mean?”
“tulungan mo akong matalo si jerry”
“bad girl” biglang pinitik ang tenga ko
“ARAY! So? Tutulungan mo ba ko o hindi?”
“ alam mo? Sa lahat ng estudyante sa school natin, ikaw lang ang humingi ng tulong ko para magpa tutor sa’kin”
“TUNGE! Hindi yun. Kailangang pagtulungan natin na ma destruct sya sa studies nya. Next week, may math quiz bee at kung sya ang partner ko, paraho kaming makakakuha ng extra corricular pag nagkataon”
“sige! Para kay kylie, pag iisipan ko ang pinaka the best na solusyon dyan”
YES! Buti na lang at pumayag si insan. Hihihi. Makauwi na nga at baka maabutan pa ko ni jerry. Lakad. Lakad. Lakad. Si jerry ba yun? Sino yung kasama nyang babae? Kung di ako nagkakamali, si Mia yun, yung classmate ko na patay na patay sa kanya. Aba’t kung maka pulupot pa kay jerry, daig pa ang sawa. Ito namang si jerry, parang tuwang tuwa pa, hindi na nahiya. YUCKZ! Magsama sila ng malanding babae na yun. Makapagpatuloy na lang maglakas.
“VALERIE! WAIT!”
Oh god! Ito na naman sya. Nakakasawa na yung mukha nya hah
“oh jerry, ikaw pala”
“uuwi ka na ba?”
“hindi pa, pupunta pa ko sa mall, bibili ako ng bagong gamit”
“gusto mo samahan kita?”
“no thanks. Hindi na ako bata para alalayan pa sa mall”
“sunget! Meron ka ba ngayon?”
“hindi ka na nahiya” hinampas ko sya sa braso, aba! Ikaw ba naman tanungin ng ganun sa harap ng madaming tao, at lalaki pa sya hah. Nakakahiya.
Tumakbo ako palabas ng school at pumara ng taxi.
Sa mall, pansin na pansin ko na kanina pang may sumusunod sa’kin. 9:30 na din, natatakot na ko. Ayaw ko pang mamatay noh. Kabwisit tong sumusunod sa’kin. Makauwi na nga.
Habang naglalakad ako, grabe! Nangangatog na ang dalawa kong tuhod. Malapit na malapit na talaga akong umiyak at humiyaw. Di ko na kaya! Ayoko pang ma r**e. Huhuhu.
Hala, ramdam kong bumibilis na ang lakad nung mama at ako naman dinoble ko yung bilis ng lakad ko. Nang hawakan nya ang braso ko, wala ng poise poise, humiyaw na ko ng pagkalakas lakas. “HELP”. Pero tinakpan nya ang bibig ko, dahilan para mas lalong matakot ako, pero nung humarap ako sa kanya, nasampal ko sya ng mag asawang sampal. Hayop na JERRY toh, sya pala yung sunod ng sunod sa’kin.
“hoy! Ano bang problema mo at naging stalker kita!”
“stalker? Sa gwapo kong toh? Stalker? Baka ADMIRER. Masakit yung sampal mo hah”
“kasalanan mo yan, bakit mo ba kasi ako sinusundan”
“ayokong mapahamak ka noh, gusto ko pang magkaroon ng maraming anak”
“CHE! Bwisit” Ano ko ba talaga sya? ADMIRER OR STALKER
CHAPTER 5: MANYAK
[KYLIE’S POV]
Matagal na sa king nanliligaw si denver. Gwapo naman sya at mayaman, matyaga at marunong maghintay pero di ko talaga sya magustuhan. Ewan ko! Ako na ata ang may problema sa ulo.
Habulin din ng mga babae si denver, pero di ito isang playboy. Isa pa nga lang daw ang nagiging girlfriend nito at umabot sila ng 1 year and 2 months. Matagal tagal na rin yun. Pero ang hindi ko maintindihan, wala miski isa ang nakakaalam kung sino ang babaeng yun. Ang g**o noh? Nalaman nung mga tsismosa kung gaano katagal si denver at ex nya pero di naman nila kilala kung sino yung babaeng yun.
“ako ba ang iniisip mo?” biglang sulpot ni denver
“asa ka pa! NEVER kitang iisipin”
“weh? Bibigay ka din sa’kin sa ayaw mo’t sa gusto”
“wag ka ngang makulet, hindi ako magkakagusto sa’yo kaya tantanan mo na ko”
“wag kang magsalita ng tapos, baka mamaya nyan, TAYO na”
“diyos ko! Ilayo nyo ko sa malignong toh, ayoko pang masiraan ng ulo” sabay tayo sa upuan
“oh? San ka pupunta?” biglang hinawakan ang kamay ni kylie
“wala ka nang pakialam dun, LIGAWAN MO NA LANG ULIT YUNG EX MO”
“what did you say?”
“bingi ka ba? Balikan mo na sya, sya ang totoong mahal mo at hindi ako”
“nagseselos ka ba?” waaahhh!!!
“hindi ako abnormal para pagselosan ang isang tao na di ko naman kilala”
“sigurado ka? Eh bakit ganyan ang tono ng pananalita mo?”
“you’re so pathetic”
Pagkatapos na pagkatapos kong sabihin yun, hinila nya ko at hinalikan. Mga labin limang segundo rin ata yun. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko grabe. He’s my FIRST KISS. BWISIT... nasayang ang virginity ng lips ko.
“ikaw ang first kiss ko, wag ka ng magseselos hah?”
“[PAK! Sinampal ko sya] ang kapal ng mukha mo para gawin yun ah”
“wag ka na ngang magreklamo, nasarapan ka naman di ba?”
“ano?”
“kung hindi mo talaga gusto yung ginawa ko, itunulak mo man lang dapat ako. Eh ang kinalabasan, ako pa yung nagtigil”
“MANYAAA....”
After nun, hinalikan na naman nya ko. Nakakainis, nakakadalawa na sya hah. But this time mas passionate na ang kiss nya. Wahh! Kailangan kong itigil toh at baka mahalata nya na nasasarapan nga ako sa halik nya.
Itinulak ko sya...
“hoy! A-ano bang p-problema mo? Ganyan ka ba talaga?”
“nope, sa’yo lang ako ganito”
“u-umalis ka na, pls.?”
“ok, pero kung mamimiss mo yung kiss ko, just call me na lang hah!”
“OK, este ba-bye”
[DENVER’S POV]
Hahaha, pulang pula sya sa ginawa kong paghalik sa kanya. Pero ngayon iisipin ko muna kung pano ko maaalis yang si jerry sa contest. Ilibing ko kaya ng buhay?, wag yun. Masyadong masaklap. Ahhhhhhh, AHA! Alam ko na. Sorry na lang jerry, but i want kylie to be my new girlfriend.
“my looooooooooooooooooooove” putsa! Si mia ata tong parating. Napakalandi, lahat ng lalaki eh, nung isang araw nakapulupot kay jerry tapos ngayon tatawagin ako ng my love?
“ahh mia, di tayo magsyota so don’t even try to call me my love. Understood?”
“ikaw naman, masyado kang pakipot. Tara sa condo ko! Siguradong mag eenjoy ka dun”
“ikaw na lang. Wala akong time”
“sigurado ka? Tayong dalawa lang dun, wala ng iba pa”
“bakit ba ang kulet mo? Talaga bang ganyan ka? Narurumi na ako sayo mia”
“i don’t care kung magalit ka, basta kailangan mo akong samahan sa condo ko”
“mag isa ka. Manigas ka run”
Lumakad na ako palayo sa babaeng yun. Grabe! Sobrang wild nya. Nang nasa daan na ako, bigla na lang humarang sina billy at ang ka tropa nito. Si billy ay isang gangster kaya naman kinabahan agad ako, kung sya lang kaya ko syang labanan pero may siyam syang kasama eh. Kainis! Siguradong madudungisan tong napakaganda kong mukha pag nalaman nya na kinausap ko kanina ang nililigawan nya. Si mia. Billy likes WILDGIRLS at ako ang opposite nya, i like the girls who are beautiful, kind, smart and MATARAY.
“anong pinagusapan nyo ni mia?” tanong ni billy
“hindi ko naintindihan ang sinabi nya eh, ikaw na lang magtanong sa kanya”
“eh tarantado ka pala eh, kinausap ka ng matagal tapos di mo alam kung anong sinabi sa’yo”
“niyaya nya ako sa condo nya. Are you satisfied now?”
“not yet! Kailangan mo munang magka pasa at bukol bago ako maging satisfied”
“TAKBOOOOOOOOOOOO”
Sigurado akong di nila ako maabutan dahil ako ata ang panlaban ng school namin sa track and field. Nang makalayo na ako sa kanila, i saw kylie waiting on a bench. Hindi sya mapakali dahil siguro sa ginawa kong paghalik sa kanya. Natatawa ako sa expression ng mukha nya kanina. Lapitan ko kaya sya ngayon? Wag na lang, baka di yun makapag pigil at halikan ako. Haha. Joke lang!
Teka, asan na ba yung pinsan ko? Nakaisip na ko ng idea tapos wala pa sya. Hay buhay. Nakakakunsensya tong ginagawa namin, ASA! Wala ata akong kunsensya. Bwahahaha!!! Matawagan nga.
“hello insan”
(oh? Napatawag ka, may naiisip ka na bang paraan?)
“ako pa! This is my plan, wait mas maganda siguro kung sa quiz bee mo malalaman yung plano ko. Sige, bye”