Chapter 1

1318 Words
Alas tres singkwenta y dos ng madaling araw. Gising pa rin ako. Nasa harap ko yung lumang laptop na may crack sa baba ng screen, yung tipong pag pinindot mo yung letter A, kailangan mo pa pindutin ng dalawang beses. Yung laptop na binili ko nung 2nd year college pa ko sa halagang 8,000 na second hand, na hanggang ngayon gamit ko pa rin kasi wala akong 30,000 pambili ng bago. Katabi ko si Mama. Tulog siya pero kahit tulog siya, kita mo yung hirap sa mukha niya. 58 years old pa lang pero mukha nang 70 sa kakaisip. Dating mananahi sa Sangandaan, yung magaling manahi ng uniform, pero ngayon hindi na makatahi kasi malabo na ang mata niya at masakit na rin ang tuhod niya. Ako si Elija Reyes. 27 years old. c*m laude nung college, sabi ng mga kapitbahay "may mararating yan." May mararating nga - mararating yung dulo ng pasensya. Freelance writer ako. Maganda pakinggan di ba? Work from home, hawak mo oras mo. Pero ang totoo, hawak mo rin ang lahat ng kaba. Tumingin ako sa phone ko. GCash: 237 pesos. Maya: 89 pesos. Cash sa wallet kong punit na: 120 pesos. Lahat lahat, 446 pesos. Hanggang Friday pa dapat to. Lunes pa lang ngayon. Apat na araw pa. Tapos binuksan ko yung Notes ko kung saan nakalista lahat ng gastos na hindi ko na alam kung paano babayaran. *BIGAS.* Dati 45 pesos per kilo. Ngayon 58 pesos na. Isang kilo per day kami ni Mama kasi dun lang kami nabubusog. 1,740 per month sa bigas pa lang. *KURYENTE.* Last month 1,800 lang. Ngayon 2,420 na bill namin. Isang electric fan lang gamit namin at laptop at isang ilaw. Bakit 2,420? Sabi ni Meralco tumaas daw rate. Wala kaming aircon, wala kaming ref na malaki, maliit lang na second hand, pero 2,420. *TUBIG.* Dati 280, ngayon 450 na. *LOAD.* Kailangan ko ng 150 per week para sa internet para makapag-work ako, pang-Zoom sa client, pang-send ng article. 600 per month. *PAMASAHE.* 40 pesos papunta, 40 pabalik. 80 per day pag kailangan pumunta ng city hall o makipag-meet. Minsan nilalakad ko na lang mula Project 8 hanggang Muñoz para makatipid ng 40, pero pag uwi, maga ang paa ko at gutom. At pinakamasakit sa lahat, yung *GAMOT NI MAMA.* Yung plastic na may apat na reseta na nakadikit sa ref gamit ang magnet na galing sa kandidato nung eleksyon na hindi na bumalik. Kinuha ko isa isa, binasa ko ang presyo na sinulat ko sa likod gamit yung pentel pen na paubos na Ang laman, kasi nakakalimutan ko. At para ma budget den. Una, *Losartan 50mg para sa high blood.* Dati nung high school ako, 120 pesos lang per banig. Ngayon 283.50 na. Kailangan dalawang banig per month kasi araw araw niya iniinom. 567 pesos. Pangalawa, *Metformin 500mg para sa diabetes.* 345 pesos per banig. Sabi ni Doc sa center, pag tumaas pa sugar ni Mama, insulin na. Magkano insulin? 1800 per vial. Saan ako kukuha ng 1800? Pangatlo, *Celecoxib 200mg para sa tuhod.* Ito pinakamasakit. 28 pesos ISANG PIRASO lang. Hindi per banig, per piraso. Kailangan ni Mama dalawa per day pag sinusumpong yung arthritis niya sa tuhod na namana niya sa pananahi ng matagal na nakaupo. 56 pesos per day. Pag masakit ng isang linggo straight, 392 pesos. Pag isang buwan masakit, 1,680 pesos. Kahapon, nakita ko si Mama gumagapang papuntang CR kasi hindi siya makatayo. "Mama ano nangyari?" "Okay lang anak, nangalay lang ang tuhod ko." Hindi nangalay, walang gamot. Kasi kahapon, pagpunta ko sa botika, 1,200 lang ang dala ko. Sabi ni ate, "Miss 1,800 lahat to, kulang pa ng 600." Kaya Ang nasabi ko.nalang, "Losartan na lang po muna." Iniwan ko yung Celecoxib. Pang-apat, *Betahistine 24mg para sa vertigo.* 18 pesos isa. Pag sinusumpong si Mama, sabi niya umiikot daw buong kwarto, nasusuka siya, hindi siya makabangon maghapon. Kailangan niya to. Pero 18 pesos isa, dalawa per day pag sinusumpong, 36 per day. Kwinenta ko lahat. Gamot pa lang, halos 3,200 per month. Upa 6,000. Bigas 1,740. Kuryente 2,420. Tubig 450. Load 600. Wala pa pagkain na ulam, wala pa sabon, wala pa pamasahe. Kailangan ko ng 14,000 per month para lang mabuhay kami ng hindi umiiyak si Mama sa tuhod niya. Magkano kinikita ko? 1,500 per article. Pero may bawas pa sa PayPal fee 150, may bawas pang-load 100. 1,250 na lang matitira. Kailangan ko ng 12 articles per month. 12 articles na tig-1,000 words, tig-tatlong revision, may client na "parang kulang sa hugot, pa-revise." May client na 3 weeks na hindi nagbabayad, seen lang. Kanina, nag-message client ko: "Elija, baka pwede 800 words pero same rate? At baka pwede gawin mong masaya? Salamat!" Masaya? Paano ako magsusulat ng masaya kung yung Nanay ko gumagapang papuntang CR kasi wala akong 28 pesos na pambili ng Celecoxib? At kahapon, pumila ako sa city hall. 5AM gumising ako para mauna sa pila. Naglakad kasi walang 80 pesos na pamasahe. Anim na oras akong nakatayo. Pila sa cedula, pila sa Xerox, pila sa clearance. Mainit, walang upuan, walang tubig. Pagdating sa counter, ngumiti si ate at sinabing "Offline po ang system, balik nalang po kayo bukas ." Anim na oras, pagod, pawis, gutom, para lang sa salitang offline. Umuwi ako na walang clearance, walang 150 pesos na pinila, pero may resibong 3.75 na VAT sa tinapay na binili ko sa 7-11 para may makain ako. Tinitigan ko yung resibo. 3.75. Saan napunta yung 3.75? Sa gamot ba ni Mama? Sa maayos na hospital? Sa maayos na kalsada? Hindi ko alam. Doon na ako bumigay. Hindi na ako umiyak na malakas. Tahimik lang. Yung iyak na walang tunog pero tuloy-tuloy luha sa keyboard. Binuksan ko yung bagong Word document. Hindi para sa client. Para sa sarili ko. Pinangalanan ko: WHAT h***:://IF.docx At doon, sinulat ko lahat ng hindi ko masabi kahit kanino. What if hindi 58 ang bigas? What if 35 lang ulit? What if 120 pa rin Losartan at hindi 283.50? What if may libreng Celecoxib sa barangay na hindi ka tatanungin kung botante ka? What if may libreng Betahistine para hindi umiikot mundo ni Mama? What if may trabaho na 20k per month lang pero sapat na, may day off, at hindi ako kailangang magmakaawa ng bayad? What if may bahay na maliit pero hindi tumutulo pag umuulan? Yung walang tok tok tok ng timba sa sahig tuwing bagyo? At what if may kasama ako? Hindi bilyonaryo na may helicopter. Hindi CEO na masungit at sasabihing "You're mine." Ayoko nun. Gusto ko si JC Rivera. 30 years old. May maliit na construction supply at gumagawa ng murang pabahay na hindi tinipid sa bakal. May lumang Ford Ranger na maingay pero umaandar at hindi nang-iiwan sa daan. May dimple sa kanan pag ngumiti. Mabango kahit pawisan kasi malinis sa katawan. Marunong magluto ng adobo na maraming bawang at may patatas. Yung uuwi ng 6PM at sasabihing "Eli, tama na kaka-type, masisira mata mo. Ako na ang magbabantay kay Tita. Nabili ko na yung gamot niya, kompleto, pati yung sa tuhod at vertigo niya. Kain ka na." Isang oras at kalahati akong nagsulat. Lahat ng sakit, lahat ng reklamo, lahat ng what if. Sa dulo, sinulat ko: "Gusto ko lang ng 30 days na hindi ko kailangang kwentahin kung Losartan ba o Celecoxib ang bibilhin ko. 30 days lang na hindi ako takot kung paano ako mag-su-survive bukas." 3:47 AM nung natapos ako. Nakatulog ako sa keyboard, basa ang pisngi ng luha. Akala ko pag gising ko, same pa rin - amoy kulob, tok tok tok ng timba, at 446 pesos pa rin sa bulsa. Pero pag gising ko, tahimik. Walang tok. Amoy bagong laba at amoy adobo na maraming bawang. At may boses sa baba na kumakanta nang mahina. "Eli, love, gising ka na? Luto na Yung food. Nakuha ko na lahat ng gamot ni Tita sa center. Tara kain na." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD