Hindi ako humihinga.
Nakatayo ako sa gitna ng kwarto na hindi akin, hawak yung kumot na hindi akin, amoy adobo na hindi ko naman niluto, at may boses sa baba na tinatawag akong "love" na hindi ko naman kilala.
"Eli, love? Baba ka na, lumalamig na yung sinangag."
Yung boses na yun. Parang pamilyar at magaan sa pakiramdam. Parang narinig ko na ito dati siguro sa pila sa may city hall o kaya baka siya yung nag-abot ng panyo sa akin nung umiiyak ako kasi offline yung system. Pero hindi ko matandaan yung mukha niya.
Pero nasaan nga ba talaga Ako?
Dahan-dahan akong bumaba. Yung hagdan, kahoy at hindi bakal na kinakalawang. Yung dingding, puti at walang mantsa ng tulo. Walang poster ni Mama Mary na may tape. Walang kalendaryo ng barangay na may mukha ng kapitan.
Pagbaba ko, nandun siya sa kusina. Nakatalikod. White shirt, gray na shorts, nakapaa. Matangkad. Malapad likod. Nagluluto.
Nung lumingon siya, I swear, parang gusto kong tumakbo pabalik sa taas at magtago sa ilalim ng kama.
Kasi siya yung nasa sinulat ko kagabi. Yung sa WHAT h***:://IF.docx ko.
JC Rivera. 30 years old. Dimple sa kanan pag ngumiti. Buhok na medyo magulo pero mabango. Mata na pagod pero kind.
"Oh, bakit ka nakatayo lang dyan? Halika na." Ngumiti siya. May dimple nga. "Kanina ka pa tulog. Sabi mo kasi 3AM ka na natapos sa article mo. Sabi ko wag ka magpuyat."
Hindi ako makagalaw. "Hindi... hindi kita kilala. Sino ka? Nasaan ako? Nasaan si Mama?"
Kumunot noo niya. Lumapit siya pero huminto nung umatras ako.
"Eli? Anong nangyari sayo? Ako to, si JC. Asawa mo. Dito tayo nakatira sa bahay natin sa Antipolo. Two years na tayo dito."
Asawa? Antipolo? Two years?
"Hindi! Hindi ako taga-Antipolo! Taga Project 8 ako! Yung apartment na may tulo! Yung may timba pag umuulan! Nasaan yung timba? Nasaan yung tok tok tok?"
Nalilito na siya. "Love, wala tayong tulo dito. Maayos bubong natin. Ako nag-ayos last month, remember? Yung pinagawa natin sa construction supply natin, yung hindi tinipid sa yero."
Construction supply. Sinulat ko yun sa WHAT h***:://IF.docx kagabi. May maliit siyang construction supply na maayos magpasahod.
"And si Mama..." Sabi niya, "Nasa garden siya. Maaga siya nagising, sabi niya gusto niya magtanim ng kamatis."
Garden? Si Mama hindi makatayo pag walang Celecoxib na 28 pesos per piraso. Paano siya magga-garden?
Tumakbo ako sa bintana. At doon, nakita ko si Mama.
Si Mama Teresa. Suot niya yung duster na bulaklakin pero bago. Hindi punit. Nakayuko siya sa garden, nagtatanim. Nakangiti. Walang tungkod. Walang hawak sa tuhod. Tumayo siya nang mag-isa, walang hirap, para kumuha ng timba na may tubig.
"Mama!" Sigaw ko.
Lumingon si Mama. Ngumiti nang malaki. "Ay anak gising ka na! Halika tingnan mo kamatis natin, ang ganda na! Si JC bumili ng bagong buto!"
Hindi. Hindi to totoo. Si Mama kahapon gumagapang papuntang CR kasi walang Celecoxib. Ngayon nagtatanim?
Nanginginig ako. Tumakbo ako pabalik sa kwarto kung saan iniwan ko laptop ko.
Bukas pa rin. Nasa screen pa rin WHAT h***:://IF.docx. Lahat ng sinulat ko nandun.
_What if may bahay na hindi tumutulo... What if may garden si Mama na hindi masakit tuhod niya... What if may JC Rivera na may dimple..._
At sa baba ng screen, may nagbi-blink na line na hindi ako ang nag-type. Kulay pula.
*WELCOME TO YOUR PERFECT WORLD, ELIJA. 30 DAYS LEFT. ENJOY YOUR WHAT IF.*
30 days left?
"What is this?" bulong ko. Pinindot ko keyboard. Hindi mabura yung line. Kahit anong pindot ko ng delete, nandun pa rin.
Bumaba si JC. May dalang kape. Hindi 3-in-1 na 12 pesos. Totoong kape na amoy Starbucks pero hindi Starbucks.
"Eli, okay ka lang ba talaga? Namumutla ka. Inatake ka na naman ba ng anxiety mo?"
Anxiety? Hindi ako sinabihan ng doctor na may anxiety ako kasi wala kaming pera pang-check up. Pero dito, alam niya?
"Gusto mo dalhin kita sa clinic? , Sabi ko naman kasi sayo Love, wag kang masyadong mag puyat, di'ba nga pinagleave kita sa work mo, tapos eto, trabaho pa din nasa isip mo." masuyo Niya akong hinaplos sa balikat, at hinawakan ang kamay ko na nanginginig sa takot at gulo.
Work? , Asawa?, Antipolo at Two years na kami na nandito?,
Anu ba talaga Ang nangyayari sa akin?
Lumuhod si JC para magpantay kami. Hindi siya mayabang. Hindi siya yung CEO sa mga Dreame stories na "You're mine, woman." Hindi. Lumuhod siya kasi nanginginig ako.
"Eli, look at me. Ako to, si JC. Hindi kita iiwan. Kahit anong mangyari. Kahit sabihin mong hindi mo ako kilala, okay lang. Dito lang ako."
Gusto kong maniwala. Kasi pagod na ako. Gusto ko ng taong luluhod para pantayan ako, hindi yung taong titingnan ako from top.
Pero natatakot ako. Paano kung panaginip lang to? Paano kung pag gising ko bukas, nasa Project 8 na ulit ako, may tulo, 446 pesos pa rin, at wala pa ring Celecoxib si Mama?
Tumingin ako sa laptop ulit. 30 DAYS LEFT. Naging 29 DAYS 23 HOURS LEFT na.
May timer pala.
Ibig sabihin may hangganan to.
"JC..." sabi ko, mahina. First time ko sinabi pangalan niya nang hindi sa sulat lang.
"Yes, love?"
"Paano kung... paano kung hindi ako taga-dito? Paano kung napadpad lang ako dito?"
Ngumiti siya, pero nag tataka pa Rin sa kinikilos ko. "Edi mas okay. At least napadpad ka sa akin. Tara, kain muna tayo. Kwento mo sa akin lahat mamaya. Hindi kita mamadaliin."
Hinawakan niya kamay ko. Magaspang kamay niya, totoo, parang kamay ng taong nagbubuhat ng semento, hindi kamay ng bilyonaryo na malambot.
At sa unang pagkakataon sa loob ng ilang buwan, hindi ko kinwenta kung magkano pamasahe papuntang center. Hindi ko kinwenta kung 28 pesos ba per piraso ng Celecoxib.
Kasi nandito si Mama sa garden, nakatayo nang mag-isa.
At nandito si JC, hawak kamay ko, naghihintay.
" JC makinig ka sa akin, Hindi Ako taga-dito, Taga Project 8 Ako," Sabi niya rito.
Tumingin Si JC sa mata Niya,
" Love Anu na Naman ba Yung sinusulat mong story? Multi-universe ba Yan? , Love story o nag ka amnesia si girl?," natatawang hinimas niya at ginulo ang buhok at inakbayan niya ako, bumilis ang t***k ng puso ko.
"Pero---"
"No buts,Eli , Let's eat na." Sabi nito
Pero habang bumababa kami papuntang kusina, sumulyap ako sa laptop na naiwan sa taas.
*29 DAYS 22 HOURS LEFT.*
At bigla kong naalala - paano si Mama sa totoong mundo? Paano kung habang nandito ako sa perfect world na to, gumagapang pa rin siya papuntang CR doon sa Project 8 kasi wala siyang gamot?
Masaya ba dapat ako o ma-guilty?
---