Tahimik kaming dalawa sa kusina.
Ako, nakatitig sa sinangag na may maraming bawang. Siya, nakatitig sa akin na parang ako yung sinangag na kakainin niya.
Nakaupo ako sa upuan na kahoy na hindi plastic na monoblock na tulad sa Project 8. Yung lamesa, may placemat. May baso ng tubig na may yelo. May kape na hindi 3-in-1. May adobo na may patatas at maraming bawang na tulad ng sinulat ko sa WHAT h***:://IF.docx.
Pero hindi ako makakain. Kasi yung lalaking nasa harap ko, asawa ko daw.
"Love, hindi ka ba kakain? Lumalamig na sinangag."
Si JC. Naka-white shirt pa rin, pero ngayon may suot nang salamin pag nagbabasa ng dyaryo. Dyaryo na totoo, hindi f*******: news.
"Sino ka ba talaga?" tanong ko. Direct. Wala nang paligoy.
Ngumiti siya. May dimple sa kanan. "JC Rivera. 30. Asawa mo. May-ari ng maliit na construction supply sa baba. Nag-aaral ng architecture dati pero mas gusto ko gumawa ng murang pabahay na hindi tinipid. Ikaw si Elija Reyes-Rivera, 27, freelance writer dati pero ngayon author ka na ng libro mong WHAT IF. Na-publish natin last year sa publishing natin."
Publishing natin?
"May publishing tayo?"
"Maliit lang," sabi niya, sinasakyan lang ako. "Sa second floor ng supply. Ikaw nag-manage. Sabi mo gusto mo tulungan mga writer na katulad mo dati na 1500 lang per article at seen lang bayad. Kaya ginawa natin 50-50 hati, patas."
Napalunok ako. Sinulat ko ba yun? Parang hindi. Pero parang sinulat ko sa isip ko nung umiiyak ako sa city hall.
"Okay, kung asawa talaga kita, kailan tayo kinasal?"
"December 12, 2024. Sa Tagaytay. Garden wedding. 30 lang bisita kasi sabi mo ayaw mo ng maraming tao, sayang pera. Si Mama lang at ilang kaibigan. Umuulan nung araw na yun pero sabi mo good luck daw."
December 12, 2024? Wala akong naaalalang kinasal ako. Nung December 12, 2024, nasa pila ako sa PhilHealth kasi offline din system.
"Anong favorite color ko?"
"Yellow. Sabi mo parang araw pagod ka."
Tama.
"Anong gamot ni Mama?"
Bigla siyang naging seryoso. Tumayo ito, kumuha ng maliit na paper bag sa ref.
"Love, ito. Kinuha ko kahapon sa barangay health center natin. Libre lahat."
Binuksan niya isa isa.
"Losartan para sa high blood. Metformin para sa sugar. Ito Celecoxib para sa tuhod niya, sabi mo dati 28 per piraso sa sinulat mo sa what if docx. , pero dito libre kasi may pondo barangay natin. At Betahistine para sa vertigo niya."
Napatulala ako. Kompleto. Lahat ng gamot na 3,200 per month sa totoong mundo ko, nandito sa paper bag na libre lang.
"Paano... paano libre?"
"Kasi dito sa Antipolo natin, yung 3.75 na VAT na sinasabi mo sa sulat mo, may resibo kung saan napunta. May app. Tingnan mo."
Pinakita niya phone niya. May app na "Saan Napunta Tax Mo?"
Pinindot niya. "Tingnan mo, yung 3.75 mo kahapon sa tinapay, napunta sa libreng maintenance ni Tita. May picture pa ni Tita na kumukuha siya."
Naiyak ako. Hindi dahil sa app. Kasi first time ko nakita na may balik yung 3.75.
"Eli, okay ka lang? Bakit ka umiiyak?"
Kasi pagod ako, JC. Pagod ako sa totoong mundo na walang ganito.
Pero hindi ko masabi. Kasi baka isipin niya baliw ako.
"Kwento mo sa akin," sabi niya, umupo sa tabi ko, sinasakyan lang lahat ng kulit ko. "Ano ba yung Project 8 na sinasabi mo? Ano ba yung tok tok tok? parte pa rin ba ito Ng part 2 na what if book mo?"
umiling-iling Ako.
At doon, kinwento ko. Lahat.
Kinwento ko yung apartment na may tulo na kailangan ng tatlong timba. Yung tok tok tok na tunog ng tulo sa timba tuwing umuulan na siyang alarm clock namin. Yung 446 pesos na pera ko hanggang Friday. Yung 6 na oras na pila sa city hall para lang sabihin na offline. Yung client na 1500 per article tapos seen lang ang bayad. Yung reseta na 283.50 na Losartan, 345 na Metformin, 28 per piraso na Celecoxib na hindi ko mabili kaya gumagapang si Mama papuntang CR. Yung 18 pesos na Betahistine na pag walang stock, umiikot mundo ni Mama.
Habang kinukwento ko, hindi siya tumatawa. Hindi niya sinasabing "ang drama mo naman." Nakikinig lang siya. Hawak niya lang ang kamay ko. Magaspang ang kamay niya, totoo.
"Tapos nagsulat ako ng WHAT h***:://IF.docx," sabi ko.
"Sinulat kita dun. Sinulat ko na gusto ko ng JC na mabango kahit pawisan, may dimple, marunong magluto ng adobo na maraming bawang, at uuwi ng 6PM para sabihing kumain na ako."
Ngumiti siya. "So ako yung what if mo?"
"Oo. Ikaw yung what if ko."
"Edi buti na lang sinulat mo ako," bulong niya. "Kasi kung hindi, hindi kita makikilala."
Bumilis yung t***k ng puso ko. Slow burn nga gaya Ng pag sulat ko sa kwento ko.
"JC, makinig ka. Hindi ako taga-dito. May timer sa laptop ko. 30 days lang daw ako dito. 29 days na lang ngayon."
"Sige," sabi niya, sinasakyan pa rin niya ako.
"Anong gusto mong gawin sa 29 days mo dito?"
Tumingin ako sa kanya.
Sa garden kung saan si Mama nagtatanim nang nakatayo nang walang tungkod. Sa sinangag na hindi ko na kailangang kwentahin kung magkano ang bigas. Sa kape na hindi 3-in-1 kundi brewed coffee na may creamer na.
"Gusto ko... gusto ko makasama si Mama na hindi siya umiiyak sa tuhod niya. Gusto ko makakain nang hindi ko kinukwenta yung 3.75 na VAT. Gusto ko..."
"Gusto mo ano?"
"Gusto ko makilala ka. Yung totoong JC. Hindi lang yung sinulat ko, Hindi lang yung pinangangarap."
Tumayo siya, kinuha yung plato ko at yung plato niya. Hinugasan niya. Sa totoong mundo, ako lagi ang naghuhugas habang si Mama nakahiga kasi masakit ang tuhod.
Dito, siya ang naghuhugas.
"Edi simulan natin ngayon," sabi niya habang naghuhugas.
"Ako si JC Rivera, 30, mahilig sa adobo na maraming bawang, ayaw sa corruption pa, gusto ko maayos na bubong ng mga bahay na ginagawa namin. Ikaw?"
"Ako si Elija Reyes, 27, pagod pero lumalaban pa rin. Mahilig sa yellow, sa sinangag na maraming bawang, at sa lalaking marunong maghugas ng plato."
Ngumiti siya. "Nice to meet you, Elija Reyes."
"Nice to meet you too, JC Rivera."
At habang naghuhugas siya, at ako ay nanonood lang, naisip ko.
Paano kung hindi ko na gustong bumalik sa Project 8?
Paano kung dito na lang ako?
Pero pagtingin ko sa hagdan, kita ko pa rin yung laptop ko na bukas.
*29 DAYS 8 HOURS LEFT.*
May hangganan pala talaga ang mga what if ko.
---