#TMNFABKabanata32 Necktie MARIA “You can come with me tomorrow but not today, Marie. Kota na ako kay Kuya sa pagpapainom ko sa ‘yo kagabi. Nagbilin iyong pagpahingahin ka ngayong araw. Saka masakit pa nga ang ulo mo di ba?” Napatango na lang ako kay Portia na hindi talaga ako pinayagang pagtrabahuhin ngayon. “Sige na, you should sleep more. I’ll be going. Wala din sila daddy, mommy, at Ellie. They’re in korea, nag-crave ang bata ng bingsu.” Awang ang labi ko hindi malaman kung nagbibiro lang si Portia sa sinabi niya. May mga tao ba talagang lilipad ng ibang bansa para sa cravings ng pagkain? Tumaawa siya. “Basta, kapag may kailangan ka, mag-utos ka lang sa maid. Huwag ka ring magpapagutom.” Bago siya umalis ay hinawakan ko ang kamay niya. “Basta bukas papasok na ako ng trabaho sa

