Vic's Nang magising ako ay agad kong kinuha ang phone ko, at agad nagcompose ng message for Mika. Para akong tanga na napapangiti habang nagtatype. Mi Lady ❤️ Ara: Good morning dear ❤️ Just want you to know na ikaw ang una kong naiisip, first thing in the morning ❤️ A: Sorry ang korni ko ata. Hahahaha! Anyways, I'll be waiting outside your village. I love you ☺️ Agad ko naman ding ginawa ang morning rituals ko and agad na din nagpunta sa village nila para sunduin siya. Ofcourse I was wearing a hoodie, can't let anyone see me entering Mika's car and when I did, agad ko naman siyang binati. "Good morning mi lady." saad ko at inabot ang gumamela na pinitas ko. It's the thought that counts naman diba? "Thank you." magiliw niyang sagot at isinukbit ang gumamela sa may tenga niya.

