15

1048 Words
Vic's Since I answered Mika's call lagi niya akong kinukulit na sumama na sa hangout nila pero puro palusot pa rin ako. Mika Reyes calling... Heto nanaman siya para mangulit. Hindi talaga ata ako titigilan nito hangga't di ako sumasama sa kanila eh. "Viccccc!" sigaw niya agad nang sagutin ko ang tawag niya. "Lumabas na ata lahat ng dumi sa tenga ko Mika. Bakit ba?" "Ang sungit mo! Mas masungit ka pa sa akin! Tara naaaaa!" "Pass ako! May quiz ako bukas." wala sa hulas kong palusot. "Oh talaga ba?" "Oo nga." "Kahit linggo bukas?" At s**t. Cornered na ako. Wrong palusot. "Kung ayaw mo, sabihin mo. Hindi yung ganyan ka na puro palusot. Maiintindihan ko naman eh. Di bale, di na kita guguluhin!" Saka niya pinatay ang tawag. Napakamot na lamang ako sa aking ulo at nagbihis dahil ayoko naman na magalit sa akin si Mika. Nagtungo ako sa bar ni Bea, agad naman akong sinalubong ni Carol at Kim. "Long time no see Ara." saad ni Kim. "Oo nga eh, medyo busy lang." nakangiti kong sagot dito at inilibot saglit ang mata ko. "Si Mika ba? Umuwi na at naiinis daw siya, hinatid ni Bea." nakaramdam nanaman ako ng sakit sa aking dibdib sa narinig. Stupid Ara. "Ah hindi, tinignan ko lang kung may pulutan dito. Nagugutom na ako eh." pagpapalusot ko at naupo na malapit sa may foods. Hindi naman kasi ako pwedeng umuwi agad diba. Baka makaramdam sila kaya I need to stay kahit isang oras lang. Hindi pa man nag-iinit ang pwet ko sa pagkakaupo ay dumating si Bea. Kinabahan ako nang tingnan niya ako from head to toe at sinenyasan na pumunta sa roof top. "Long time no see ah." she said. "Oo nga eh." "Didiretsuhin na kita, may gusto ka ba kay Mika?" nakacrossed arms siya while wearing her serious face. "Wala." pagsisinungaling ko. "Okay. Tara na." biglang shift maman ito sa jolly mode. Yun na yun? Feeling ko pa naman bibitayin na ako kanina. Nagkantahan na sila, ang boring pag wala si Mika hays. Bea's I was eating happily when someone tugged my shirt so I looked back. "Uwi na ako." kunot noo na sinabi ni Mika. "What?" I immediately looked at my watch. 7:30 pa lang. Masyado pang maaga para umuwi. Isa pa wala naman na siyang curfew ah. "Maaga pa princess and why are your forehead creased?" "I just want to go home." I sighed and get my car keys. I just can't say no to her kahit gusto ko. Baka bigla niya na lang kasi akong bigwasan haha. "What's your problem ba?" I asked because she really looks like she's about to punch something. "Puro palusot! Hindi na lang magsabi ng totoo." she nagged. "Oww. I see..." natawa naman ako bigla kahit hindi dapat kaya she pinched my leg. "Bakit ka tumatawa? Anong nakakatawa?" masungit niyang sabi. "Nothing. May naalala lang ako." I kissed her goodbye, syempre sa cheeks lang nang maihatid ko na siya and I immediately drove my way back dahil sabi ni Kim ay nandoon na si Ara. I asked her kung may gusto siya kay Mika. She answered no, but the way she looks at her contradicts it. So ano ba talaga ha? Vic's Nakaupo lang ako sa gilid at nakikipag kwentuhan kay Cienne nang biglang maupo si Carol at Kim malapit sa amin. "Sino kausap ni Bea?" tanong ni Cienne. Nasa labas si Bea at tawa lang nang tawa. "Ah si Mika." plain na sagot ni Kim. "May something ba sa kanila?" pag-usisa ni Carol na agad ikinatawa ni Cienne at Kim. "Ewan ko. Only the two of them knows what the real score sa kanila. Feeling ko nga malapit na ligawan yan ni Bea." sabi ni Kim dahilan para makaramdam nanaman ako nang kirot sa puso. "Mukha namang magkapatid lang sila ni Mika." pangungumbinsi ko sa chismisan nila. "Mika never said na she's not into girls diba? Sabi niya she's open to everything. Bagay naman sila." sabi ni Cienne. "Ilang hangout na ba hinahatid sundo ni Bea si Mika?" tanong ni Carol. "Since nagresign si Ara." Ohhh. Ngayon na lang kasi ako ulit nakasama sa hangout nila kaya hindi ko na alam ang nangyayari. I never thought of Mika and Bea in a romantic relationship, mukha lang talaga silang magkapatid but the kiss changed everything and now I'm starting to feel jealous. Akala ko super clingy lang talaga si Bea. "Dad texted me na. Uwi na daw ako. Dahil ako ay mabuting anak uuwi na ako." sabi ni Carol. "Sabay na ako." sabi ko at nagpaalam na din kami sa kanila. Hinatid naman ako ni Carol sa dorm. Hindi ko alam kung papasok na ba ako or pupuntahan si Mika. Naupo na lang muna ako sa may gutter at tinawagan si Mika. She's not answering the phone, ganito ba nararamdaman niya everytime na hindi ko sinasagot yung tawag niya nung feeling niya galit ako sa kanya? Nakailang subok pa ako bago niya sagutin ang tawag. "What?" cold niyang bungad. "Galit ka sa akin?" "Why would I?" "Kasi nagpalusot ako?" "Dapat ba akong magalit? May Karapatan ba akong magalit? Wala naman diba?" "Sorry na. Wag ka na ganyan." "You could have been honest to me Vic. Di na kita pipilitin para hindi mo na kailangan magpalusot." "Hindi naman sa---" Pinatayan niya na ako ng tawag kaya hindi ko na naituloy ang sasabihin ko. "Tanga!" sambit ko patungkol sa sarili ko at pumasok na sa dorm. ***** I was texting her buong maghapon ng Sunday saying I'm really sorry pero hindi siya nagrereply. Hindi ko magawang mafrustrate, naguguilty ako lalo pag hindi siya nagrereply. Since kabisado ko naman ang sched niya, I decided na pupuntahan ko na lang siya sa room niya. There she is, nakikipagchikahan sa katabi niya. I knocked at binuksan na din ang pinto dahil wala pa naman silang prof. "Mika." pagtawag ko sa pansin niya dahilan para mapataas ang isang kilay niya. Tumayo naman ito at lumabas ng room niya.  "What are you doing here?" plain niyang tanong. "May nagpapabigay." sabay abot ko ng isang pulang rosas sa kanya. Binuklat naman niya yung card na kasama ng rose. Sorry na :( ~ Pink Ranger Nilunok ko na yung pride ko dun sa pink ranger and it was worth it dahil napangiti siya bago tumawa ng bahagya. "Bwisit. Oo na." sabi nito at nagpout. "Bati na tayo ha?" tanong ko. "Oo na nga. Ingat ka and thank you." saka siya humalik sa pisngi ko at bumalik na din sa room niya. Naiwan akong nakatayo at nakatanga. Did she really just kiss me? Kasi ghaaaaaad! Ako na yung may mali, pero ako pa may premyo. Napahawak na lang ako sa pisngi kong hinalikan niya at naglakad papunta sa room ko. I really am in love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD