Vic's
"Vic can you run an errand for me?" tanong ni Mika.
Wala kaming pasok ngayon kaya naman nasa bahay lang kami. Himala nga at napirmi siya dito. Usually kasi pag walang pasok, gumagala at gumagala pa din siya.
"Makakahindi po ba ako?" sagot ko saka siya binigyan ng sarkastikong ngiti.
"I was asking you nicely diba?" sabay irap nito sa akin.
"Joke lang mam. Ano po ba yun?"
"Give this to Bea, tapos ipaalala mo yung ibibigay niya sa akin."
I nodded at kinuha na ang pinapabigay niya kay Bea at agad na akong nagpunta sa bar nito dahil dun ko daw makikita ngayon si mam Bea.
Pinapasok naman ako agad ng guard dahil nakikita naman niya ako palagi dito. Dumiretso ako sa VIP room at nakita si Bea.
"Good morning mam Bea." bati ko dito.
"C'mon Ara, drop the mam will you?" sabay tawa nito. "Bea na lang or Beatriz or Isabel or whatever you feel calling me just drop that mam."
"Ah eh Bea may pinapa--" naputol ang pagsasalita ko nang may dumating na babae at sinenyasan ako na lumabas. Pagkalingon ko ay parang nagtatalo sila kaya bumaba muna ako.
Young Lady
Ara: Mam, wait lang po. May
kausap si mam Bea eh.
Mika: Anong ginagawa?
A: Mukhang nagtatalo po?
M: Damn.
M: Umuwi ka na ngayon.
M: I mean, sunduin mo ako.
Ara: San po tayo pupunta?
M: Haaaay Vic.
M: Sunduin mo ako,
pupunta ako jan.
Ganun na nga ang ginawa ko kahit di ko maintindihan ang nangyayari. Nang makabalik ako sa bar kasama si Mika ay nandoon pa rin yung babae. Mika barge in at hinatak si Bea palabas.
"Stop crying for pete's sake!" sigaw nito kay Bea. "Paulit ulit mong sinasabi sa akin na hindi mo girlfriend tapos kung iyakan mo parang wala ng bukas. Atsaka ano yun ha? Why are you kneeling infront of her?!"
"Kasi she found a new 'boyfriend' and f**k! Ako nanaman ang talunan. Tangina! Lalandi pag walang boyfriend! Ako naman si gago, nagpapaloko and even ask her to stay! Damn." sagot ni Bea at sinaktan na din ang sarili kaya agad naman itong niyakap ni Mika.
Gusto ko nang umalis sa kinatatayuan ko kasi diba uhm... ang chismosa ng dating ko? Nakikinig ako sa usapan nila pero hindi ko naman maigalaw ang paa ko. Nakita ko namang lumabas yung kausap ni mam Bea at nakayuko din ito. Hindi niya matingnan si Mika sa mata. Bago pa tuluyan makasakay ng kotse yung babae ay tinawag ito ni Mika.
"Jhoanna, stop bugging Beatriz please lang. Stop taking her for granted. Also, stop making her fall over and over again dahil paulit ulit mo lang din naman hindi sinasalo. Sinasayang mo lang pagmamahal niya." kunot noong sabi ni Mika at lalong yumakap ng mahigpit si Bea sa kanya.
"Sorry." saad nung Jhoanna at umalis na din.
"Why am I so stupid?" tanong ni Bea kay Mika.
"We become stupid pag nagmamahal Bea. Stop crying na." Mika rubbed Bea's back at nang magkatinginan kami ay tinaasan lang ako nito ng kilay kaya napakamot na lang ako sa aking batok.
"Can you stay for a while?" sabi ni Bea kay Mika.
"Beauty rest ko talaga ngayon Beatriz, pasalamat ka malakas ka sakin." sabay hatak nito kay Bea pataas kaya sumunod na din ako.
Bea drunk herself to sleep. Does drinking really mend a broken heart? I saw people get drunk pero umiiyak pa din after, what's the sense? Diba sakit lang naman ng ulo dala nun? I can't really comprehend.
Napailing na lang si Mika at inutusan akong tulungan siya para ihatid si Bea sa bahay nito saka kami umuwi ng bahay nila.
Habang nagdadrive pauwi, sumulyap ako kay Mika at mukhang malalim ang iniisip niya kaya tinanong ko kung anong problema niya pero umiling lang ito. Nagbilang ako from 1 to 3 sa aking isipan ... and then ayun na she sighed... Ibig sabihin magkukwento na siya. Madaldal talaga siya.
"I hate it when my friends are being treated like a trash." kunot noo niyang sabi.
"Mam life is unpredictable, hindi naman natin malalaman na ganun tayo tatratuhin ng mga taong pinapapasok natin sa buhay natin eh." sagot ko.
"Oo sige nandun na tayo, pero para ulit ulitin niya, ugh! I hate her."
Hindi ko alam kung matatawa ako o makikisimpatya sa sitwasyon ni Bea dahil una sa lahat, ang cute ng reaksyon ni Mika as in parang gigil na gigil siya at anytime ready na ito makipagsabunutan.
"Why are you smiling like an asshole?" tanong nito, grabe naman.
"Ang cute mo kasi mam." wala sa loob kong bulalas. Finacepalm ko na lang ang sarili ko sa utak ko. Kahiya! "I mean ano mam... ang cute kako ng reaksyon niyo."
"Whatever." masungit niyang sagot.
"Ganyan ba kayo sa lahat ng friends niyo?"
"Ofcourse, kahit sino sa kanila makatanggap ng ganung trato aba! Huh! Dadampi ang palad ko sa mukha nila."
"You mean nasampal mo na yung kanina?"
"Muntik lang. Pinigilan ako ni Bea eh. That's how much she love that girl. Nakakapanggigil din, minsan ang sarap tuktukan."
"Parang ikaw. Aray!" kinurot kasi niya ang tagiliran ko.
"Pakyu ka." natawa na lang ako at tumahimik na.
Tinulungan ko na rin siya sa pag akyat ng binigay ni mam Bea. Isang box na mabigat, I wonder kung anong laman nito.
Nang makapasok ako sa kwarto niya ay may kausap na ito agad sa phone.
"Yes tita, tawagan niyo na lang po ako pag gising ni Bea. Salamat po." saka niya pinatay ang tawag.
Lumabas na din ako at namangha na lang din kung gaano siya kabuting kaibigan. Mabuting kaibigan pero hindi masyadong mabuting anak, magaling din talaga si young lady.
*****
Patulog na sana ako nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko ng pagkalakas lakas. Hindi niya ata namalayang nabuksan ko na yung pinto kaya pati noo ko nakatok niya kaya agad akong napahawak dito. Masakit.
"Mam? Bakit po?"
"I'm out of pad. Meron ka bang extra dyan?" tanong nito.
"Meron po." kinuha ko naman yung yellow pad sa bag ko at nang iabot ko to sa kanya ay tumawa siya.
"Gago. Napkin kasi. Ano ba yan Vic." at wala pa din siyang humpay sa pagtawa.
"Ayyyy, wala po. Maglampin ka na lang." sagot ko at binatukan niya ako.
"Kadiri. Buti sana kung ikaw maglalaba diba. Samahan mo ako bumili." sabay hatak nito kaya wala na akong nagawa.
Parehas kaming nakapajama nagpunta sa 711 pero syempre nakahood siya. Ayaw niya daw makita sa newspaper ang sarili niya. Medyo malayo sa bahay nila pero nagcommute lang kami.
Kumuha na siya ng dapat bilhin at binayaran ito. Umorder pa siya ng dalawang kape, bakit di na lang nagtimpla sa bahay?
"Dito muna tayo saglit. Try mo coffee nila, French Vanilla. Masarap yan."
"Ah eh, thank you po."
"Vic tanggalin mo na yung mam at po. Naririndi na ako dahil lagi mo akong kinakausap na ganyan. Seriously, para akong lola pag kasama ka."
"Sorry hehe."
"Have you ever tried going to an amusement park?"
"Fieldtrip lang. Never naman ako sumakay ng rides."
"Ha? Bakit?" para naman siyang takang taka sa tanong niya.
"Hehe." I paused. "Takot po ako." nahihiya kong sagot kaya natawa siya ng mahina.
"YOLO Vic. YOLO."
"Lolo?" napairap naman siya.
"Yolo bingi. You only live once kaya you should enjoy life to the fullest and try the extremes." nakangiti nitong sabi.
"I'm fine, I don't need extremes hehe." sagot ko saka niya pinatong ang kamay niya sa kamay ko.
"Nope. We're going sa amusement park and wether you like it or not, you're joining me in every rides."
"Every ... rides?" napalunok na lang ako ng laway. Iniisip ko pa lang kinakabahan na ako.
Tumango tango siya at nang maubos namin ang kape ay lumabas na din kami.
"Hey, wanna try something new?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko.
"Alin?"
"When I say run, we run okay?"
"Ha? Teka ano ba balak mo?"
Pumwesto naman ito at hinapas yung mga kotseng nakapark, ofcourse nag alarm ang kotse saka siya sumigaw ng 'takbooooooo'. Madapa dapa pa ako sa pagkukumahog dahil lumabas yung may-ari ng kotse at sumigaw ng 'hoy' at bakas sa mukha nito ang galit.
This is no laughing matter pero I found myself laughing. Nang masigurado namin na malayo na kami ay tumigil kami para habulin ang hininga namin.
"We only live once kaya minsan it's okay to break the rules." nakangiti niyang sabi.
"Ikaw nga lagi mong binibreak." sagot ko at tinampal niya ang noo ko.
"Buhatin mo ako." utos niya.
"Ayoko. Diba okay lang din paminsan tumanggi sa utos?" natatawa kong tanong.
"Ulul mo Victonara. Pasanin mo ako, napagod ako."
Napailing na lang ako at pinasan na nga siya. Di ako makaramdam ng pagod dahil daldal siya ng daldal.
Napangiti na lang din ako. Kakaiba pala talaga si young lady.