Matapos ang ilang araw na pananatili sa ospital, nagpasya si Roger na bumalik sa safehouse para magpagaling. Hindi pa siya handang harapin silang lahat, ngunit iyon lang ang kailangan niya- a bit of peace and quiet. Malabo pa ang isip niya, kumukuha pa ito ng masyadong space sa utak niya, kaya ang nahihirapan siyang mag-isip ng maayos. Nang makarating siya sa kanyang silid, umupo si Roger malapit sa pintuan at tumingin sa labas ng bintana. Maya-maya ay lamang ay pumikit na ang mga mata niya at bago pa niya mamalayan ay nakatulog na siya sa upuan. Pagkagising niya ay may humila bigla sa braso niya. Luminga-linga siya sa paligid, sinusubukan alamin kung sino ang tumatawag sa kanyang pangalan, ngunit blurry pa rin ang kanyang paningin. "May lakad pa ako, 'wag mo na akong gisingin maliban n

