Francis' Pov Sa halos isang linggo na pag suspend saamin. Nakabalik na din kami sa school. Welcome back to us! Pero syempre, minsan kahit hindi naman ako masyadong lumalabas sa eksena, napapaisip din ako kung paano at bakit. Paano napapatay ng mga multo ang mga kaklase namin? Dahil ang multo, kahit anong gawin nito. Matatakot lang tayo. Nakakatakot lang sila. Pero hindi, parang masyadong malakas ang espirito nito at kaya niyang pumatay. "Okay ka lang Francis?" Tanong ni Wayne saakin. Tumango naman ako. Nawalan din ako ng kaibigan eh. Nawala si Nelson. "Alam kong hindi mo parin tanggap ang pagkawala ni Nelson. Pero kailangan nating tanggapin lahat eh." Sabi naman ni Rei. Tanggap ko naman eh pero hindi ko lang maiwasan masaktan at mapaisip. Bakit kung sino pa ang inosente, sila pa ang na

