"Primo anak, leave your other toys na lang para kapag dumalaw tayo rito sa bahay ay may laruan ka," utos ko kay Primo.
Lilipat na kami sa sarilli ko talagang bahay na niregalo rin sa akin nina Mommy at Daddy noong nakaraang birthday ko. Hindi ko pa nga sana ito tatanggapin pero pinagbantaan naman ako ng Kuya ko na hindi niya ako ibibili ng kotse kapag hindi ko tinanggap ang regalo ng aming mga magulang. Mas gusto ko kasing kay Kuya manghingi kesa sa mga magulang ko kasi it is my way of paglalambing sa kanya.
"Maybe the robots and planes na lang po," tugon niya.
"It's up to you, anak basta huwag magkalat ng toys sa house ha?" paalala ko pa sa kanya.
Nakakaligtaan na kasi nito minsan ligpitin ang mga laruan niya at kumakalat lang sa kung saan-saan. Kaya madalas ko itong mapagsabihan ayoko lang naman kasing maging burara siya dahil ang pangit tignan.
"Okay po," tugon niya habang abala sa pagpasok ng mga laruan sa bag niya.
Maya-maya lang ay tapos na rin ako sa pag-impaki ng mga gamit namin samantalang si Primo naman ay tapos na rin sa pagpasok ng kanyang mga laruan.
"Wala ka na bang nakalimutan? Can we go now?" magkakasunod kong tanong sa kanya.
"I'm done na po, Ma," tugon naman niya agad sa akin.
Kaagad ko ng binaba mula sa kama ang dalawang luggage at saka na kami tuluyang lumabas ng kwarto. Paglabas namin ay kaagad naman kaming sinalubong ni Kuya Gavin at kinuha nito sa akin ang dalawang luggage pati na ang backpack ni Primo saka kami bumaba.
"We're leaving, Mom, Dad," paalam ko sa mga magulang ng tuluyan na kami makababa.
"Mag-iingat kayo roon, Aisha huwag kang mag-aalala bibisitahin ko kayo kapag may oras ako," wika ni Mommy sabay haplos ng buhok ko.
"Bukas ko na lang pala ipapadala ang maid ninyo," wika naman ni Daddy.
"Dad, naman e, hindi naman na talaga kailangan iyan dahil dalawa lang naman kami ni Primo sa bahay," giit ko.
"Pero may trabaho ka, Sha you're a teacher at dapat si Primo lang ang aalagaan mo at ang sarilli mo kaya dapat lang talaga na may kasambahay kayo at para kahit papaano ay may makakasama kayo sa bahay," segunda naman ni Kuya, at tanging pagbuntong hininga na lamang ang nagawa ko.
"Fine," sumusukong tugon ko, dahil wala na rin naman akong iba pang choice.
"It's better, anak para naman makapagpahinga ka after work," suhestiyon naman ni Mommy, at tanging ngiti na lamang ang naitugon ko sa kanya.
Pagkuwa'y nagpasya na rin kaming umalis ni Primo dahil mag g-gabi na at baka ma traffic pa kami. fourty-five minutes pa kasi ang biyahe patungo sa Guerrero Village kung saan doon nakatayo ang bahay namin.
"Primo, are you hungry?" tanong ko sa anak, habang nasa biyahe na kaming dalawa.
"Yes po, Mama," tugon naman agad niya.
"Saan mo gustong kumain?" muling tanong ko.
"Doon na lang po ulit sa restaurant na kinainan natin nina Ninang Des," tugon niya.
Magaling ding pumili ang anak ko dahil masarap nga ang mga pagkain sa restuarant na iyon.
"Okay, du'n na lang din tayo kumain para pag-uwi natin magpapahinga na lang tayo, okay ba 'yun?"
Kaagad naman itong tumango bilang tugon sa akin at napangiti naman ako dahil sa murang edad niya ay ang bilis niyang makaintindi
Minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa restaurant pagkapark ko ng kotse ay bumaba na kami ni Primo at pumasok sa loob. Kaagad naman kaming inasisst ng isang waiter at hinatid kami nito sa isang bakanteng mesa. Umorder din kami agad at saka na kami iniwan ng waiter para ihanda ang aming pagkain.
"Mama, gusto ko po ng ice cream," wika ni Primo.
Napatingin muna ako sa relos ko bago ito sinagot at dahil maaga pa naman ay pinayagan ko itong kumain ng ice cream.
"Mamaya, anak but not too much baka ubohin ka at hindi makatulog," paalalang tugon ko. May mga pagkakataon kasi minsan na kapag kumakain ito ng ice cream sa gabi ay nahihirapan siyang matulog.
"Okay, Ma," turan niya.
Maya-maya lang ay dumating na rin ang order namin at kaagad na rin kaming kumain ni Primo.
"Nakakain na rin po ba rito sina Mamay at Papay?" tanong niya habang kumakain.
"Hindi pa siguro, anak, bakit?" patanong kong tugon sa kanya.
"Let's bring them here soon, Mama para matikman din nila ang food dito."
Natuwa naman agad ako sa sinabi niya naalala ko tuloy sa kanya ang kabataan namin ni Kuya Gavin, kasi sa tuwing kumakain sa labas noon ay naalala din namin sina Lola at ang iba pa naming kamag-anak at gusto rin naming matikman nila ang mga pagkain na, natikman na namin.
"Sige sa susunod yayain mo sila rito," nakangiting tugon ko sa kanya, at tumango naman agad siya bilang tugon.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na rin kami agad ni Primo dahil kailangan ko pang mag-ayos sa bahay. Pagpasok pa lang namin sa village ay namangha na agad ako sa lugar dahil napakalinis at napakalawak hindi rin magkakadikit ang mga bahay at sa palagay ko ang presko rin ang hangin.
"You like the place, Primo?" tanong ko sa anak nakita ko kasi ito mula sa rearview mirror na nakatanaw siya bintana.
"Yes, Mama pwede po akong makapag bike rito kasi ang lawak ng space," tugon naman niya.
"Yes, anak pwedeng-pwede but of course you need to keep your promise to Mama first," paalalang tugon ko sa kanya.
Pinangakuan ko kasi itong bibilhan ko siya ng bike pero dapat mag top muna siya sa klase nila sa darating na pasukan. Primo is a smart kid kaya alam kong kayang-kaya niyang maging top sa klase nila.
"Okay, Mama," tugon naman agad niya sa akin.
"Very good, Dude!" At sakto namang nakarating na kami sa aming bahay.
Pagkapark ko ng kotse ay agad na rin kaming bumaba ni Primo at tinungo ko ang likod ng kotse para kunin ang mga luggage namin.
"You need help, Mama?" tanong sa akin ni Primo nang makita niyang magkabilaan ang dala kong luggage.
"Paki open na lang ang door please," tugon ko, at kaagad naman ako nitong sinunod.
Pagbukas ni Primo ng pintuan ay kusang umandar ang ilaw sa sala at kusina dahil automatic ang mga ito.
"Ang galing, Mama!" manghang saad sa akin ni Primo, dahil bago lang iyon sa paningin niya.
"It's automatic, anak kaya masanay ka na okay?" paliwanag ko sa anak, at kaagad naman itong tumango bilang tugon sa akin.
Kaagad na rin naming tinungo ang second floor upang maayos na namin ang aming mga gamit. Merong tatlong kwarto rito sa second floor at malawak din ang espasyo kung kaya't masyado ng malaki ang bahay para sa amin ni Primo.
Una munang inasikaso si Primo pagkatapos ay sinunod ko na ang mga gamit ko sa sarilli kong kwarto at iniwan ko muna Primo sa kwarto dahil nanunuod naman siya ng palabas sa TV.
Inabot ako ng halos dalawang oras dahil nag half bath na lang din muna ako pagkatapos ko ngang gumayak ay tinungo ko na ang kwarto ni Primo.
Pagpasok ko sa kwarto niya ay hindi na ito nanunuod ng TV, at nakahiga na rin ito sa kanyang kama.
"Are you sleepy na?" tanong ko sa kanya, at kaagad naman itong bumangon mula sa kanyang kama.
"Not yet, Mama kwentuhan mo po muna ako," tugon niya kaya tinabihan ko na agad siya.
"Anong story ba ang gusto mo?" tanong ko.
"About my Papa," tugon naman agad niya.
Primo never had a chance to meet Daniel, dahil nga limang buwan pa lang ito nu'ng mamatay ang kanyang ama kaya marami siyang walang alam tungkol kay Daniel.
"Okay, lay down ka na ulit at kwentuhan kita," sabi ko at kaagad naman ako nitong sinunod.
"Mama is my Papa kind and good boy?" he ask.
"Yes, anak he's very kind and very gentleman," nakangiting tugon ko sa anak.
"Paano po kayo nagkakilala, Mama?" tanong ulit niya sa akin.
"Sa isang charity event," tugon ko naman agad sa kaniya.
"And?" muling tanong niya. Naku mukhang mahaba-habang usapan yata ito.
Kaya umayos muna ako ng pwesto sa tabi niya bago ako nagkwento hindi ko tuloy mapigilang magbalik tanaw sa masayang nakaraan namin ng kanyang butihing ama.
(Flashback)
I was a fresh graduate that time when Ninang Elvie offered me a job as a teacher at sa Cagayan iyon.
"Aisha, talaga bang mag t-teacher ka? Anak you can work at TLC," nakikiusap na turan noon sa akin ni Mommy.
Ayaw kasi ni Mommy na malayo ako sa kanila noon and all she thought I'm going to take business course pero hindi dahil education ang kinuha ko.
"Yes, Mom alam mo naman na gustong-gusto kong magturo 'di ba?" tugon ko noon sa ina.
Bata pa lang kasi ako ay pagtuturo na ang napusuan ko kaya pagdating ko sa kolehiyo ay Bachelor of Elementary Education (BEED) Ang kinuha ko.
"Love, let Sha do what she really wants," pangungumbinsi pa sa kanya noon ni Dad.
"Pero, Gael malalayo siya sa atin," potesta naman ng ina ko.
"We can visit her anytime sa Cagayan or if you want doon na lang din tayo," suhestiyon naman ng ama ko.
"Relax, Mom and Dad I can handle myself na hindi na po ako bata," sabat ko noon sa diskusyon nila.
"That's enough. Mom, Dad let Aisha live on her own she's old enough to take care of herself," segunda naman noon ni Kuya Gavin na kakasulpot lang noon.
"Gavin has a point, love." Tanging buntong hininga na lang noon ang naitugon ng aking Ina.
Ilang araw ko pa noong sinuyo si Mommy para lang payagan ako and with the help of Daddy and Kuya Gavin ay napapayag ko rin siya.
At sa pagpunta ko nga ng Cagayan noon ay doon ko nakilala si Daniel sa isang charity event na dinaluhan namin. Dahil nga sundalo siya ay nagsilbi siyang bantay sa charity upang maiwasan ang anumang gulo at kinagabihan nu'n ay naglakas loob siyang lumapit sa akin at nagpakilala.
Daniel was a very gentleman from the very beginning hanggang sa nagtagal ang relasyon namin ng isang taon. Tunay na mabait at maalagang tao si Daniel minsan may mga hindi talaga kami pinagkakaunawaa lalo na kung nasa trabaho siya. Ngunit hindi natatapos ang isang araw na hindi kami nagkakaayos at dahil nga sa pagmamahal niya ay hindi ako nagsising binigay ko sa kanya ang aking sarilli. At nu'ng nalaman niya ngang ipinagbubuntis ko noon si Primo ay walang mapagsidlan ang saya nito.
"Sha, ingatan mo ang sarilli mo ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom at matulog ka ng maaga," punong-puno ng pagmamahal niyang bilin noon sa akin, sabay halik sa labi ko.
"Ikaw din alagaan mo rin ang sarilli mo para sa amin ni Baby Primo hihintayin ka namin," naluluhang tugon ko noon sa kanya, dahil kinabukasan ay aalis na siya.
"Huwag ka ng umiyak makakasama iyan sa anak natin babalik ako, babalikan ko kayo at sa pagbalik ko ay susuko na rin ako." Kumunot noon ang noo ko sa sinabi niya.
"Susuko saan?" tanong ko habang lukot pa rin ang aking noo.
"Sa'yo po, Ma'am Lagdameo dahil sa pagbalik ko magpapatali na ako sa'yo," buong puso niyang sabi noon at sa ako.
"Talaga? Hindi nga?" pabirong tanong ko pa sa kanya noon at kusang pumaikot ang mga bisig ko sa leeg niya.
"Oo nga papakasalan kita dahil ang katulad mo ay hindi ay hindi na dapat sinasayang pa." Nagdiwang ng wala sa oras ang puso ko noon dahil sa mga katagang lumabas sa bibig niya.
"Kaya konting tiis pa, Sha ha? Hintayin mo lang ang pagbabalik ko pangako ibibigay ko ang kasal na gusto mo," nangangakong turan pa niya.
"Pangako hihintayin ka namin ng Prinsipe mo," pangako ko rin sa kanya noon.
At nung gabing 'yun ay muli naming pinaramdam ni Daniel sa isa't-isa ang aming pagmamahal. Pero hanggang doon na lang din pala ang kwento naming dalawa dahil hindi kami hinayaan ng tadhana na magsama ng pang habambuhay.
Ngunit habang buhay ko ring ipagpapasalamat dahil kahit papaano ay binigyan pa rin kami ng Diyos na magsama at biniyayaan pa niya kami ng isang anak.
(End of flashback)
"I wish Papa was still alive."
Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi ni Primo pagkatapos ko siyang kwentuhan. Bilang isang ina ay gusto kong bigyan siya ng masayang pamilya ngunit hindi nakiayon ang tadhana.
"But I promise, Mama mamahalin din po kita tulad ng pagmamahal ni Papa sa'yo," malambing na saad niya sa akin.
"Thank you, Primo at promise rin sa'yo ni Mama na mamahalin din kita forever," tugon ko rin sa kanya.
Hindi man kompleto ang pamilya namin ni Primo pero pangako hinding-hindi ko hahayaang maging malungkot siya.