Beatrice Lim " Mam, may i take your order? " " Mam, may i take your order? " " Mam, may i take your order? " Yung boses na yon, yung malamig na boses na yon na nagsasalita sa harap ko. Si Flores ang nag mamay ari non! Ang bilis naman niyang makalapit sa harap ko! Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon, para akong nauutal. Hanggang ngayon takip takip ko padin sa mukha ung menu nila. Hindi ko mapakita sakanya dahil baka magulat ito na makita ako dito after ng ilang taon na pag iwan niya sa akin. " Miss Lim, huwag ka ng magtago. Kanina pa kita nakikitang sinusundan ako. " maawtoridad na sagot nito dahilan nadin para maibaba ko itong hawak ko. Mukang kanina pa pala niya alam na nakasunod sakanya, agad nagtama ang mga mata namin. Ibig kong umiyak, pero pinigilan ko ang sarili kong

