Jema Point of View "Laro na tayo ng truth or dare." Sabi ni Dori na may medyo tama na. Lahat naman kami may tama na, si Deanna na nga lang ata ang maayos tsaka si Cy. "Game." Sabi ni Pangs Jovi. Inikot ni Celine ang bote, akala ko kay Cy tatapat, yun pala kay Dori. "Yun oh! Truth or Dare?" Celine asked. "Truth nalang baka ano pa ipagawa mo sakin." Sabi ni Dori. "Sino jowa mo?" "Ikaw. Charot!" "Sino nga?" Celine asked again. "Wala. May nakita ka ba?" Taas kilay na tanong ni Dori. "Malay ko ba kung tinatago mo." Sabi ni Celine at pinaikot na muli ang bote. Sinandal ko ang aking ulo sa balikat ni Deanna. "Inaantok na ko, love." "Nagsisimula palang yung game." She said. "Uy Jema ikaw na." Nagulat ako ng makitang tumapat yung bote sakin. "Truth or dare?" Dori asked. "Dare." "Uhm

