Deanna Point of View Sinundo namin si ate Kat at si Jaja sa ateneo, ginamit na rin ni Ponggay at ate Maddie yung kotse nila. Si ate Kat ay sumabay kay ate Maddie, wala siyang dalang kotse eh. Sakin naman sumabay si Jaja. Nang makarating kami doon, nagwa-warm up na ang paymaya at creamline. Napatingin si Jema sa gawi namin kaya naman nag-wave ako, ngiti lang ang sinukli nito at magfocus na ulit sa pagwa-warm up. "Ang hot ni mareng Jema." Rinig kong sabi ni Ponggay kaya napatingin ako dito. "Anong sabi mo, Pongs?" Taas kilay kong tanong. "Joke lang. Ito naman, protective masyado teh? Hindi ko aagawin si Jema sayo, may Kobe na ko." Sabay irap nito. "Guys bili muna kaya tayo ng pagkain, tutal hindi pa naman nagsisimula." Sabi ni ate Kat. "Nagugutom na ko eh, hindi ako naglunch." Dagdag

