Chapter 4

2009 Words
Tyler POV Maaga pa akong nagising para maghanda ng agahan.Bakit kasi pumayag pa si Lola sa pakiusap ni Jerick pwede naman magpakasal ang isang yon sa ibang simbahan at lugar. Dito pa napiling gawing reception at kasal nila Juniza. Oo kilala ko pati si Juniza dahil college pa lang kami ay patay na patay na sa kanya si Jerick pinili lang nung isa na makapag tapos at may maayos na trabaho bago lumagay sa tahimik.. Limang taon din ang itinagal ng relasyon nila bago napagkasunduan na magpakasal na..Ako kasi maagang nagkaanak kung hindi lang sana kami pinagkasundo ni papa sa kumpare niya. sana ngayon hindi ako mahirapan deskartehan ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. " 20 palang ako ng ipagkasundo kami ni Maybelline. Nalaman kasi ng daddy niya na nakikipag-date na ito. Para hindi mapunta sa kung kaninong lalaki lamang ang bunso nito. Naisipan nitong i open topic sa papa ko. Dahil pareho silang businessman ng usap ang dalawa na magbigay o bumili ng share sa mga kompanya nila.Si papa ang May malaking porsyento dito sa Hacienda at maging sa syudad ng Bataan May planta sila ng Casoy kung saan inaangkat sa ibang malalaking pamilihan lalo na sa Manila. Ang papa naman ni Maybelline ay namamahala ng isang contruction company. Gumagawa ito ng project gaya ng mga mall at mga kalsada. Ang dalawa ang halos nagpaunlad ng lugar nila at May isa pa nagpatayo ng mga resorts dito. Masasabing malaki na ang ikinaunlad ng buong Bataan marami din ang mga turistang nagsipagbakasyon dito lalo na sa panahon ng tag init. Balikan natin ang kwento namin ni Maybelline. Labis ang galit nito ng ihayag na nang dalawang magulang namin ang petsa ng aming kasal. Naging karibal ko din ang manliligaw nito kahit wala akong nagustuhan sa kanya ay pinili kong sundin si papa. Pagkatapos ng aming kasal ay dumeretso kami sa Cebu para doon maghoney moon..Nagstay kami doon ng dalawang Linggo walang araw na hindi kami nagtatalo Hanggang sa napagod ako kakaintindi sa kanya. Naglasing ako noon at sinisisi ang sarili sana hindi ako pumayag na ipakasal kami. Sa sobrang kalasingan at mag aalala onse na non nang umuwi ako sa hotel pagkapasok ko ng kwarto ay nandilim ang paningin ko nang makita ko si Maybelline na May kahalikang ibang lalaki. Hindi ko man siya gusto ay nanaig ang galit ko dahil natamaan na din ng p*********i ko. Kinaladkad ko ang lalaki palabas ng hotel at isinara ang pinto. Dahil sa galit ko ay sapilitan ko siyang ginalaw. Kahit nag iiyak na siya at pinapahinto ako sa ginagawa ko ay hindi ko siya pinakinggan hanggang sa matapos ako. Pagkatapos nun ay nagligpit na ako ng gamit at naunang umuwi mag isa sa Bataan. Hindi na din ako ng abala pa na tawagan o kausapin man siya. Kahit si papa ay hindi ko kinakausap. Hindi din ako naglalabas ng kwarto kapag hindi kailangan.Papasok lang ako sa school pagkauwi at magkukulong na naman sa kwarto .Hanggang sumapit ang graduation namin. 3 months pagkatapos ng kasal namin ni Maybeline. Pagkatapos ng Graduation ay niyaya ako ng mga kaklase ko na mag celebrate. Doon ko nakilala ang kapatid ni Jerick . Oo, si Sab, Tantsa ko ay nasa 17 o 18 pa lamang siya noon. Kasa kasama siya naming mag celebrate sa bar sa Maynila. Wala naman itong ginawa kundi mag-cellphone kapag tatanungin saka lamang ito makikipag usap. Isa sa ka klase namin doon ang nakipagkamay dito. Si Lance na napaka babaero.Pagkaangat ni Sab nang mukha niya kay Lance ay makikita sa mukha nito ang pamumula. Natataranta din ito pinagmasdan ko lang silang dalawa habang nagkukwentuhan Napakasaya nila habang nag uusap simula noon bawat ngiti ni Sab ay hindi na mawala sa isip ko at lagi ko itong kinakamusta sa kuya niya. Hanggang sa tapulan na ako lagi ng tukso nito. Lumipas ang anim na buwan Tumawag si papa sa akin. Galit na galit ito habang kausap ako. " Tyler, nasaan ka ba? at ano ang pinaggagagawa mo ha? Aatakihin ako sa nito sa puso sa kalokohan mo!" sigaw nito sa akin sa telepono. " ano bang ginawa ko Pa?" tinigasan ko na din ang pagkakasabi ko" " Ang asawa mo nasa hospital at manganganak na! dapat ikaw ang kasama niya doon sa Hospital hindi ang magulang niya! talaga naman hindi ko alam kung anong gagawin ko sa iyo" pero nagulat si papa sa binanggit ko " hindi ko anak yon pa! naabutan kong May kahalikang lalaki si Maybelline doon mismo sa hotel na tinutuluyan namin! hindi ka man lang ba nagtaka kung bakit hindi na kami nag uusap na dalawa?Tandaan mo hindi mo yon apo! anak niya yon sa ibang lalaki!" pagkasabi niyon ay ibinagsak niya ang telepono. Naghanap siya nang hotel na matutuluyan ng ilang gabi ayaw niyang May makausap ni isa sa pamilya niya. Naaalala niya mag aalas singko noon ng umaga nang May makita siyang babaeng naglalakad malapit ang entrance ng hotel. Umiiyak ito at halos hindi makalakad. Pagkaraan nito sa harap niya ang bigla itong nawalan ng malay. nagtataka man ay ginising niya ito ngunit hindi ito magising. " miss,miss gising anong nangyari sayo? dito niya namukhaan ang babae "Sab, Sabrina anong nangyari sayo gumising ka!.Sab." inaayos niya ang pagkakabuhat sana dito ng maramdaman niyang May basa sa suot nitong pantalon. Hinawakan niya ito at nakapa niyang dugo pala iyon kaya nagmadali siyang itakbo ito sa hospital .Habang nasa daan ay naalala niyang tawagan sana si Jerick ngunit nabigo sa gagawin sana dahil wala ng pala siyang dalang cellphone. Iniwan niya ito sa unit niya. " hays naman talaga oh kapag minamalas ka nga naman!" hinahanap niya ang bag nag dalaga. Nang makita ay agad nitong kinalikot ang cellphone nito at idinial ang numero ni Jerick my ilang tawag siya bago nito iyon nasagot. " Hello Sab? buti naman tumawag ka alam mo bang pinakaba mo kami? pinag alala mo kami!" singhal ng nasa kabilang linya. " hello Sab? hindi ka ba mag sasalita? kay kuya mo nalang sabihin kung nasaan ka, sorry na at sinigawan kita." dito na siya sumagot " aham Jerick si Tyler to ano kasi" " Tyler? bakit kasama mo si Sab? Akala ko si Lance ang kasama niya, pare alam mo bang-" hindi na nito natuloy ang sasabihin pa sana " pare, Jerick ganito wag ka muna magalit sa akin okay pakinggan mo muna ako ha? on the way kami ngayon sa Hospital nakasalubong ko kasi si Sabrina. Nahimatay ito sa tapat ko. hindi ko alam kung bakit pero nang bubuhayin ko na sana siya pero pare dinudugo siya ei. Kaya dadalhin ko siya hospital itetext ko na lang sayo ang saktong address nito." mahabang litanya niya " pero pare hindi ko alam na si Lance ang kasama niya?Ang babaerong yon!" " yon na nga pre sana wala g mangyaring masama Jan.Pare pakiingatam naman si Sab at buntis yan pare!" Pagmamakaawa nito sa kanya.ano yon pare? buntis siya?" "Oo pare!" pagkarinig niyon ay para siyang nabingi. Bumalik lamang siya sa realidad ng huminto na ang ambulansiya pagkabukas ng pinto ay agad niyang binuhat na lamang si Sab papasok sa hospital " dalian niyo kumuha kayo ng stretcher? tawagin niyo agad si Kuya Jerome! " dali an niyo" nagtakbuhan naman ang mga nurses doon. " nang mailapg niya si Sab ay ganun din ang pagdating ng kuya Jerome niya " Oh Tyler, si Sab yan ah. anong nangyari sa kanya? " " kuya naman diba ikaw ang doctor ikaw kaya ang tumingin sa kanya Diba?" " Oo nga pala, ako nga pala ang doctor dito." " papunta na din dito si Jerick. " pagkalipas ng dalawang oras ay may tumawag sa telepono ni Sab pagkakita niyang si Jerome iyon ay agad niyang sinagot. " pare pacenisya May emergency lang kay mommy isinugod din namin siya sa hospital dito sa Manila. inatake siya sa puso nag masabi ko sa kanya ang kalagayan ni Sab." " pare pasuyo na lang muna ako kay Sab." binaba na agad nito ang telepono. " hay, naman talaga oh. tinamaan ka nga naman ng malas! galit niyang saad. Ngunit nakadama naman siya ng lungkot ng maalala si Sab. "Lance ano bang ginawa mo kay Sab? " Sambit niya na puno ng pag aalala. Sakto naman tinawag siya ng kuya Jerome niya " Tyler, nasaan na si Jerick? kailangan niyang malaman ang kalagayan ni Sab," " kuya hindi siya makakapunta isinugod din sa hospital ang mama nila, subrang nag alala ito kay Sab." " kung ganun sayo ko na lang sasabihin " " nakunan si Sab, tinanggal na namin ng lubusan ang baby niya, sorry for the baby, but good for her napakabata pa niya para magbuntis" " totoo ba yan kuya? " " oo at ikaw bakit kayo magkasama nito? huwag mong sabihing?" pinandilata. siya nito ng mata " hindi ako ang Ama, ano ka ba kuya hindi ako papatol sa mas bata sa akin no!" binuntis siya ni Lance Yong kaklase naming napakababaero! bunutin mo kahit bata pinatos! walang hiya ang **gong yon!" galit niyang sabi " ei paano kayo ngkasama niyan dalawa?" at pinaliwanag niya dito. " nagulat naman sila pareho ng tumunog ang celphone ng kuya niya " hello? dad?" nang marinig iyon ni Tyler ang sinenyas itong huwag ipaalam na magkasama sila " Pa, hindi ko po alam kung nasaan siya! " " sige anak hindi ko Kac siya matawagan ini off niya yata ang Cellphone niya," "okay po,Pa" " kapag tumawag sayo ang kapatid mo tawagan mo agad ako ha. sumasakit ang ulo ko sa kapatid mo, pero hindi ko siya masisisi, kasalanan ko din naman! Sige anak Mahal ko kayo pareho" at nawala ito sa linya. "teka, Tyler paano ngayon yan?" " ipapaDNA ko ang bata " "magandang choice kapatid dito lang ako anytime" " since ako ang nandito ilipat mo na lang siya sa private room kuya. Ako na ang bahala." " ilang buwan na pala yon pinagbuntis niya sana kuya?9 weeks na. mahina ang kapit nag bata siguro dahil nade-depress siya sa sitwasyon niya, hindi natin alam ang kwento niya kaya mainam hintayin natin siyang magising." "buti pa nga siguro kuya" Samantala hindi niya alam si Maybeline pala ay na CS dahil hindi nito kayang ipalabas ang anak niya.Iyak din ito nang iyak dahil nga pinaalam nito ng papa ni Tyler ang pagtanggi nito sa iniluwal niya ng bleed ito ng nag bleed at lumala ang sitwasyon. mula pa kagabi ng bi bleed ang hiwa nito sa tiyan. Ayaw din nitong hawakan ayaw daw nito g makita ang bata dahil tinanggihan daw ito ng huli. Kinabukasan ay nag salita ito " kung ayaw po ni Tyler sa bata mas mabuti pang mamatay na lang ako at sana hindi ko na din binuhay ang batang yan! " nag iiyak m sigaw nito. " iha huminahon ka, pag aalo ng Ama nito.Kinausap naman ito ng Ama ni Tyler at isinalaysay ang dahilan ni Tyler. Nagalit man ang Ama ni Maybeline ay naintindihan din naman nito ang part ni Tyler sa huli napagkasunduan ang dalawa na ipa DNA na lang ang Bata. Si Tyler naman ay di pa rin magawang makontak ng ama nito sa labis na pag aalala at sa nahihiya na din ay siya na ang nagkusang mag asikaso sa pagpapa DNA ng bata umuwi ito sa bahay nila at naghanap ng possibleng madala para makapagpapatunay sa katauhan ng iniluwal ni Maybeline. Nagkasundo din ng dalawa na kong ano man ang resulta ng DNA test ay paghiwalayin na lang ang dalawa mabuhay ang mga ito at magkasakitan. Dahil hindi pa makakalabas si Maybeline sa hospital at kailangan pang magpagaling dinala ng ama nito ang sanggol sa poder niya sa Mansiyon nila para paalagaan ito sa anak ng Yaya ni Maybeline noon na nagtatrabaho din doon. Matagal nang wala ang mommy ni Maybeline kaya lumaki itong matigas ang ulo at hindi na naiwasto hanggang lumaki. Inayos na din ng magkabilang panig ang annulment ng dalawa para maihain na sa korte. Labis ang kalungkutan ng dalawang ama at kapwa nito pinagsisihan ang sapilitang pagpapakasal sa dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD