Naabutan ng mga pulis ang ama ni Lucas at mga tauhan nito. Agad silang isinakay sa kotse ng mga ito at dinala sa presinto. Samantalang si Tyler ay nagitla ng makitang duguan si Clarisse na nakahandusay sa sahig. May tama ito sa dibdib.. Hinanap naman niya Lucas at nang makitang hawak hawak na nito si Zeth at akay akay ang kawawang lolo nito at Tinulungan niya ito. " Lucas si Clarisse bakit siya nandito?" tanong nito " nabigla nga din ako Tyler bigla na lang siyang sumulpot sa likuran ko. At nang kinalabit na ni papa ang baril na itinutok nito kay Zeth ay iniharang nito ang katawan niya" pagsasalaysay nito " Dalhin natin siya sa hospital" wika ni Tyler " kinuha ni Tyler Si Zeth at binuhat naman ni Lucas Si Clarisse. Wala na itong malay. Agad silang umalis papunta sa pinakamalapit na h

