Sumunod na pinuntahan nila ang reception area. Hindi naman ito kalayuan sa pagdadausan ng kasal maglalakad lamang ang mga bisita. Nauna itong bumaba sa kabayo at siya naman ang sunod na inalalayan siya nito " Dito ang reception pwede mong libutin ang buong lugar pero wag kang managinip habang naglalakad kanina ka pa tulog habang nasa tabing dagat.!" matigas ang tono nito. itinuro sa kanya ang pintuan binuksan nito iyon at pumasok sila. Habang nag iikot sila ito lamang ang nasa isip niya at ang lalaking nagdala sa kanya sa hospital. "pwede ba akong magtanong? Ano ang trabaho mo dati?" tahimik lamang ito kaya hindi na siya nagtangka pa muling kausapin ito." "kailangan ba yon sa pagpunta mo dito? !" balik tanong nito sa kanya " hi-hindi naman kalimutan mo na lamang iyon"
" mag aalas dos na nang hapon bumalik na tayo makulimlim din ang langit baka abutan tayo nang ulan." "sige." pag sang ayon niya rito umalis na nga sila habang binabaybay nila ang daan pauwi ay unti unti nang umaambon " bibilisan ko pa ang pagpapatakbo sa kabayo kumapit ka ng mabuti sa akin. " hinawakan niya ang damit nito pero pinahinto nito ang kabayo at hinagilap ang mga kamay niya at pinayakap sa baywang nito." yakap ka nang maigi sa akin para hindi ka mahulog." pagkasabi niyon ay mabilis ngang tumakbo ang kabayo. Siya naman ay mas hinigpitan pa ang pagkakayakap doon. Nang malapit na nga sila sa bahay na pinatuluan nito sa kanya hindi paman sila nakakaabot ay bumuhos na ang malakas na ulan kaya nabasa sila pareho. una nitong itinali ang kabayo pagtingin nito sa kanya ay nagsalpukan ang mga kilay nito. " bakit hindi ka pa pumasok? basang basa ka na nga sa ulan" " ei wala akong susi na sayo!" " oo nga pala. " sabay dukot nito sa bulsa niya.Nang mahanap na iyon ay agad nitong pinihit ang siradura ng pinto pagkapasok nila ay agad itong naghanap ng tuwalya " mauna ka nang maligo" utos nito sa kanya Agad naman siyang tumalima dito. Naligo siya agad at pumasok ng kwarto pakapasok niya doon ay ini-lock niya ang pinto baka biglang pumasok dito ang kuwago na iyo. Tinanggal niya sa pagkakatakip sa katawan niya ang tuwalya at ibinuhol sa buhok niya para kumuha nang damit laking gulat niya nag tumikhim ito at nagsalita " May tao po dito baka pwde mong balutin ang katawan mo baka makita ko nang buo yan!" sa gulat niya ang kinuha niya ang kumot na nasa kama. " bakit ka nasa kwarto?"
" kumuha ng damit ko kwarto ko to diba?" "oo nga pala pero pwede namang sa labas ka muna!" " ikaw ang bigla na LNG pumasok sana nagtanong ka man lang sana kung nasaan ako diba?" " o edi sorry lalabas na muna ako" lumabas na siya habang balot ng kumot ang katawan niya inayos pa niya ito " binalot pa i nakita ko na lahat" huminto siya at inirapan pa sana niya ito pgkalingin niya harap na pala niya ito kay nabangga siya sa katawan nito. " aw! " sige niya " bumalik pa!" nanigas siya sa kinatayuan niya. "naging estatwa," bumulong ito sa kanya." wag ka lumapit sa akin lalaki ako baka hindi ako makapagpigil kapag ng umpisa na akong mag init " at dumiretso na ito ng banyo. May dala dala na itong damit. Nahawakan naman niya ang mukha niya. Naramdaman niyang nag iinit iyon marahil namumula siya.
Pagkatapos niyang magbihis pumunta siya ng kusina para mag init ng tubig. pero nakapagtimpla na pala ito nang kape nilang dalawa. Hinintay na lamang niya itong matapos maligo. Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na ito ng banyo.Nakabihis na ito at pinapatuyo na lamang ang buhok. Naramdaman ni Sab sa sarili niya na May iba siyang nararamdaman pero pinilit niyang maging pormal. " anong oras ka pala uuwi sa mansion?" tanong niya dito makikitaan mo naman sa isang naiirita na. " bahay ko din naman to ah! bakit mo ba ako pinapaalis? buti nga pumayag ako sa kuya mo na dito ka muna magstay. edi sana mahihirapan kang pumunta parito kung nangupahan ka sa labas ng hacienda!" galit na ito " hindi ko naman po alam na dito ka din pala mag iistay no" tumayo siya at pumunta sa maliit na sala nito at umupo sa sofa " akala ko ipapasolo mo sakin itong bahay mo " " sumunod din ito sa kanya at uupo din sana sa sofa. bigla siyang tumayo at lumipat sa kabilang pwesto nakatingin ito sa kanya na May pagtataka " bakit ka lumipat?" " wala lang, ayaw kitang katabi sa upuan!" tinitigan niya uli ito kamukha niya talaga ang nagdala sakanya sa hospital noon. Mukhang tumanda lang ng kaunti. " ilang taon ka na pala dito nakatira. I mean nag e stay?" tahimik lang ito mukhang ayaw magsalita. "6 years na" sagot nito. Aba sumasagot na ito kapag tinatanong. "ah. mag isa ka lang talaga dito?" " oo" " hindi ka ba nababagot? Anong pinagkakaabalahan mo?" tanong niya. "mas gusto kong mag isa, business dito at sa labas ng hacienda ganun! bakit ba ang dami mong tanong? bilisan mo Jan at pupunta tayo sa mansion para makita ka ni lola.Ngayon lang siya pumayag na may pumasok dito sa mansion at Hacienda kaya bilisan mo." " parang nataranta naman siya. Pagkatapos niyang magkape ay nagbihis siya nang pang alis niya, sakto tumila na ang ulan sa labas. " magkokotse na ba ako? " " hindi" "ang sakit naman sa tenga! dalawang kabayo gagamitin natin? hindi ako marunong sumakay ng kabayo?" "wala akong sinabi na magkakabayo ka. halata namang hindi ka marunong! ang alam mo lang yata humikayat!" pabulong bulong pa ito" "hays talaga" nasambit na lamang niya. "kapag kuwago talaga masama ugali, hay nako talaga!" at nauna na siyang lumabas. Sumunod na din ito sa kanya. Nang makasakay na sila pareho sa kabayo nito ay dumiretso na sila sa mansion. Pagkarating nila doon ay hinarap kaagad sila ng señora. Tuwang tuwa ito nang makita siya." iha, tuloy ka nako ang ganda pala nitong bisita namin." niyakap siya nito at hinalikan sa pisngi. " tuloy ka iha buti na lang at ikakasal na si Jerick at nakilala din kita ngayon iha" tuwang tuwa sa kanya ang matanda. Habang naglalakad sila ay may batang biglang sumulpot sa harap nila pagkakita sa kanya ay nagtago ito sa likod ng papa niyang si Tyler, para silang biniyak na bunga. baby version ito ng ama ngunit kulot ng kunti ng buhok nito. Ipinakilala naman siya nito sa bata " Zeth ito pala si tita Sab, wag ka maging makulit sa kanya ha
magbabakasyon siya dito nang hanggang isang buwan. pwde bang maging mabait ka sa kanya? " tumingin naman sa kanya ang bata. Lumapit ito at nagmano sa kanya. " ikaw ba ang magiging mommy ko?" napakalambinh ng boses nito "No she is just our visitor.!"
lumapit uli ito sa kanya " your beautiful!" papuri nito sa kanya "can you be my mom?" nagulat ang lahat sa tanong ni Zeth napaka-cute nito. aalis na sana ito ngunit May ibinulong sa kanya " be careful with my dada, He is a handsome monster! hehehe" humagikhik pa ito. Pagkatapos niyon ay umalis na ulit ito at pumunta sa nag aalaga dito. Napatingin siya kay Tyler at nagtanong " nasaan ang mama niya?" nang wala ni isa sa kanila ang sumagot sa tanong niya ay minabuti na lang niyang huwag kumibo.,tiningnan niya ang oras sa pambisig niyang relo. mag aalala singko na.Sakto naman iyon para pumunta na ang lahat sa kusina. Pagkadating doon ay isa isa na silang nag si upo. Ang batang si Zeth ay nakaupo malapit sa ama nitong si Tyler Katabi naman niya ang senyora. Nag umpisa na silang kumain. Dito nagsalita ang Senyora " iha kamusta naman ang kuya mo? Alam mo bang matalik na magkaibigan silang dalawa nitong Apo kong si Tyler? Nasa high school pa lang sila noon napakamasayahing niyang bata noon. Sayang at wala siyang nakuwento noon na may kapatid pala siyang babae na kasing ganda mo!" " maraming salamat po sa papuri Senyora." ngumiti siya at tumingin kay Tyler. Bigla itong mapaubo kay inabutan niya ito ng tubig kinuha naman nito ang baso at ininom. "oh iho, what happened?" " wala po lola nakain ko lang po ang sili" nakangiti naman sa kanya ang anak nitong si Zeth " dad you like spicy food diba?" tanong nito " yup, pero nabigla lang ako ngayon!" " continue eating your food"
utos nito sa bata sumunod naman ito sa kanya. " Apo, naitour mo na ba si Sab sa pagdadausan ng kasal? mainam nag maaga pa lang maayos na niya ang lahat ng kailangan niyang gawin para May pahinga siya bago ang kasal ng kuya niya." saad nito kay Tyler siya naman ang sunod na kinausap nito. " iha pwede kang magswimming i enjoy mo ang stay mo dito. " huwag mo na lang pansinin yang apo kong si Tyler masungit lang yan sa bagong kakilala." ngiti lamang ang isinukli niya dito hindi na siya nag abala pang tingnan nito. Sa pakiramdam niya kasi ay nag iinit ang mukha niya kaya yumuko na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagkain. " tsaka iha maraming bakanteng kwarto dito sabi ko kay Tyler ay dito Kana patuluyin para naman May nakakausap itong si Zeth pero gusto mo lang daw makapag isa. "Hayaan mo papasasahan kita Jan kay Tyler para May kasama ka doon!" dito na siya tumingin kay Tyler hindi man lang ito nagtapon ng tingin sa kanya! " sa susunod na lang po, mas maganda po kasi kong mag isa lang po ako doon wala po sanang istorbo." sagot niya sa senyora" nang matapos na silang kumain ay nagpaalam na ang ang matanda na magpapahinga na sa kwarto. May katandaan na din ito. Kaya sila na lamang ang naiwan sa sala. Para hindi siya mailang ay nagpaalam na siya ditong babalik na sa tinutuluyan niyang bahay nito! nakakaluka ibig sabihin? hindi alam ng lola niya na doon din ito natutulog? talaga naman ang lalaking ito. tiningnan niya ito taas baba. Hindi naman nito iyon napansin kaya ng paalam na lang siya dito " uuwi na ko mag isa, nakakahiya naman kung doon ka matulog kasama ko diba?" diniinan niya talaga ang pagbigkas ng bawat katagang binitawan niya dito. Tumango naman ito sa kanya " okay, leave!" sigaw nito pero mahina lang
Dumiretso na siya sa pinto ng lumabas si Zeth at tumakbo sa kanya " hi, tita Sab. Pwede bang dito ka na lang matulog. tabihan mo po ako. Si yaya kasi malakas maghilik ei please," panunuyo nito sa kanya natawa naman siya para sa yaya nito. " hindi pwde baby eh, May ginagawa si tita na importante ngayon" nalungkot ito sa narinig mula sa kanya kaya pinagaan niya ng loob nito. " pero kapag natapos na iyon ni tita pwede mo na akong makatabi sayo matulog pwde ba yon?" "hhmm, promise?" ang cute nito Hindi kagaya ng daddy niya na napakakuwago! " promise" at itinaas pa niya ang kanang kamay niya. Niyakap siya nito at hinalik halikan sa pisngi. " "tama na iyan Zeth, Gabi na. matulog ka na at gagabihin sa daan ang tita Sab mo!" naglakad na rin ito palapit sa kanila. Binuhat nito ng bata " antayin mo ko dito ihahatid kita half hour" pagkasabi niyon ay naglakad na ito papunta sa kwarto ng bata. Binilinan nito ang yaya na patulugin ng maaga ang alaga niya at lalabas sila bukas. Ipapasyal daw nito ang bata.Tuwang tuwa naman ang taga pag alaga nito makakapahinga ito sa kakulitan ni Zeth. Siya naman ay nakaupo lamang sa sofa habang nagbabasa basa sa mga magazine doon. May nakita siya doon na magazine ng luma na May nakita siya na picture Si Tyler iyon at May katabi itong magandang
babae sa tantiya niya ay nasa mid 20's ito katabi nito sa magkabilang panig ang dalawang May edad nang mga lalaki. habang tinititigan niya iyon ay ganun naman ang pagbaba ni Tyler kaya ibinalik niya ito sa puwesto. " Let's go!" napatingin siya dito nakabihis ito ng puting damit at naka-short na kulay light blue, nakapambahay ito sa isip isip niya.Tumayo na siya at naglakad palapit sa pinto narinig niya itong magsalita " hintayin mo ako Jan sa May pinto kukunin ko lang ang motorsiklo ko!" May motor pala ito. kaya hindi pinadala sa akin ang kotse mainam na din yon at makakatipid siya sa gasolina! Tuwang tuwa naman siya kung ganto ba lagi ei ok lang kahit napakasungit nito pagdating sa kanya. Napitik pa siya ng daliri sa hangin at lumabas na nang pinto. Nakita niya ito pero nakasimangot pa din ang pagmumukha. "Ano na naman kaya ang nilunok nito at nakasimangot na naman" sa isip niya. Huminto ito sa tapat niya " Isuot mo ito" kinuha niya ang helmet na inabot nito sa kanya! " anong gagawin ko dito?" "isusuot mo!" " paano? d ko alam" " ipapasok mo LNG sa ulo mo yan. Hindi ka pa ba nakakapag sout niyan?!" bulalas nito sarkastiko naman niya itong sinagot " hello? wala Pong helmet ang kotse at ano kaya itsura ko kung my sout ako nitong helmet mo habang nagmamaneho ng kotse ko diba?" napangiti ito ng lihim sa tinuran niya Ngunit hindi iyon nakita ni Sab dahil busy siya sa pagkakapwesto ng helmet sa ulo niya. Tinulungan naman siya nito at ini-lock ang nasa bandang baba niya. Ganito ang pagsusuot niyang.Inilapit pa nito ang mukha sa kanya kaya amoy na amoy niya ang hininga nito. hindi na iyon amoy pagkain. hindi kagaya nang sa kanya na hindi pa nagtutoothbrush. Inilayo niya ang mukha dito at hindi napigilang amuyin ang hininga sa kamay niya.? tinititigan lamang siya. " okay lang yan mabubusog ako pag amoy na amoy ko ang hininga mo!" Napahinto naman siya habang unti unting nararamdaman ang pag iinit ng mukha niya. " Bolero!" giit niya at nag reklamo " tara na nga gusto ko nang matulog!" pina andar naman na niyo ang motorsiklo at pinasakay na siya. " humawak ka sa bewang ko baka mahulog ka!" kahit ayaw man niya ay sinunod na lamang niya ito "Opo!" at pinaharurot na nito ang Motor.