C-14: A new María?

1415 Words
Mabilis lumipas ang tatlong buwan pero hindi pa rin makapag-desisyon si Maria. Tinatalo pa rin siya ng kanyang galit at takot, pangamba at pag-aalinlangan. Kaya sa dami ng messages at tawag ni Heidi maski isa ay wala siyang reply. Marami ding photos na naka-send sa kanya, mula isang buwan hanggang tatlong buwan na pictures ni Angelo. Pero hindi niya magawang buksan iyon basta nilagay na lang niya sa saved photos. Hindi pa siya handa at mas lalong wala pa siyang lakas ng loob. Papaubos na din ang kanyang natitirang pera dahil ang malaking perang tinangay niya, binigay niya lahat kay Heidi. Ayaw niyang mamoblema ito sa pera para kay Angelo hindi bale sa kanya kaya niyang magtrabaho. Kinailangan niya lang palipasin ang pamamaga ng kanyang dalawang s**o dahil sa kanyang panganganak. Lumipat din siya ng kanyang apartment ng lumaki na ang kanyang tiyan. Ayaw niyang malaman ng mga bago niyang kakilala na nagbuntis siya at walang ama ang bata. "Mary?" Anang ng isang boses. Paglingon ni Maria ay si Gia pala iyon bumalik na kasi siya sa dati niyang apartment. Mas maganda kasi doon sa dati niyang apartment kaysa sa nalipatan nila ni Heidi noong buntis pa siya. Maliblib kasi iyon saka mas mura okay talaga kapag nagtatago ka samantalang sa dati mas malapit pero mas mahal naman. "Pumayat ka ah pero beauty pa rin! Saan ka ba nagsuot ng mahigit sampung buwan? Saka nasaan na 'yong masungit mong kaibigan?" Mga tanong ni Gia kay Maria. Napakurap-kurap naman si Maria at napilitan siyang ngumiti. "Umuwi kami kasi sa probinsiya nagkaroon lang ng konting problema doon. Pero ngayon okay na kaya bumalik ako dito naghahanap din ako ng trabaho ulit!" Paliwanag ni Maria. Ngumiti naman nang matamis si Gia na tumitig kay Maria. "May nahanap ka ba?" Tanong nito. "Eh..wala pa! May mga nakita ako pero masydong mataas ang qualifications nila hindi kagaya sa probinsiya." Totoo ang sinabi ni Maria. Nakailang apply na siya ng disenteng trabaho pati online pinatok niya. Kaso pagdating niya doon kung hindi scam ay hindi naman totoo iyong trabaho. Kalimitan kasinungalingan ang nasa ads nila o kaya karatula kaya nagkaroon tuloy si Maria nang trauma. "Naalala mo pa ba ang alok ko sa'yo dati? Hiring pa rin kami walang expired doon!" Sagot naman ni Gia. Mas lalong napilitang ngumiti si Maria sa sinabi ni Gia. "Ayaw mo pa rin? Alam mo dito sa Manila patibayan nang sikmura para mabuhay ka. Walang puwang dito ang mga katulad nating walang pinag-aralan Mary! Kaya huwag kang choosy girl lumaban ka sa hirap ng buhay oh!" Talak ni Gia. Naisip ni Maria na may punto din naman si Gia. Pero talagang hindi niya masisikmurang magtrabaho sa isang club lalo na kung magiging bayaran kang babae doon. Kahit papaano ay may delikadesa pa naman siya kahit ganoon ang nangyari sa kanyang buhay. "Wala na bang ibang trabaho doon kung hindi entertainer lang?" Tanong ni Maria kay Gia. "Meron namang iba kaya lang mababa ang sahod mo. Kung waiter o waitress lang bakla baka hindi ka makaipon," tugon ni Gia. "Okay lang sa akin. Ayoko kasing maging entertainer magsa-side line na lang ako ng iba pang trabaho." Turan ni Maria. Natitigan naman nang maigi ni Gia si Maria saka ito napatango-tango. "Sige sasabihin ko sa pogi naming boss saka kita aabisuhan kung ano ang pasya niya." Sabi ni Gia at nagpaalam na ito kay Maria. Nagpasalamat naman si Maria at tuluyan na din siyang pumasok sa loob ng kanyang apartment. Balak na naman niyang mag- iba ng number at account niya sa social media para tuluyan nang wala silang kontak ni Heidi. Subalit hinayaan na muna niya saka na lang niya iyon gagawin kapag talagang wala na siyang balak na kunin si Angelo sa kanya. Kinabukasan. Maaga na namang gumising si Maria kahit pa hindi siya nakatulog kagabi. Oo, gabi-gabi na lang siyang hindi makatulog at napapainom na din siya madalas nang sleeping pills. Naka- headset din siyang natutulog na may kantang pinakikinggan para lang hindi siya palaging nagigising. Palagi niya kasing naririnig ang iyak ni Angelo nang araw ba umalis sila ni Heidi. Napaiyak siya nang todo sa araw na iyon at hindi niya naiwasang hindi tanawin at ihatid nang tingin ang kanyang anak saka si Heidi. Sa hiya niyang makita siya nang kanyang kaibigan kaya patago niya silang ihatid nang kanyang tanaw sabay usal ng isang mataimtim na panalangin. Alam niyang safe na safe si Angelo sa mga kamay ni Heidi at alam niyang balang araw ay maintindihan siya ng bata kapag lumaki na ito. "Good morning Mary!" Masayang bati ni Gia kay Maria nang magkita sila sa labas. Ganoong oras kasi dumadaan ang truck nang basura kaya maaga iyong inilabas ni Maria. "Magandang umaga din," sagot ni Maria. "Alam mo good news! Sinabi ko na kay boss kagabi na may irerekomenda akong papasok na waitress." Saad ni Gia. Bigla tuloy nagka-interesado si Maria sa sinabi ni Gia. "Anong sabi ng boss niyo?" sabik na tanong ni Maria. "Puwede ka na daw magsimula mamayang gabi kasi dumarami ang mga kostumer talaga doon. Saka darating ang kapatid ni boss na matagal ding nanirahan sa malayong lugar!" Sabi ni Gia. "T-Talaga ba?! Salamat basta waitress lang ako ha?" masayang pagpayag ni Maria. "Oo naman! Mahirap naman kung pipilitin kita nasa sa'yo ang desisyon kapag nagbago ang isipan mo tapikin mo lang ako!" Tugon naman ni Gia. "Salamat talaga! Ano bang isusuot ko doon?" turan naman ni Maria nang maisip nito kung ano ba ang uniform ng waitress sa club na papasukan niya. "Simple lang iyon ako na ang bahala sa'yo mamayang gabi. Doon ka na lang magsusuot ng uniporme niyo," wika naman ni Gia. "Sige salamat ulit!" Tugon ni Maria kasunod niyon ang pagdating ng truck na kukuha ng kanilang mg basura. Hanggang doon na lamang ang pag- uusap nina Gia at Maria. Aaminin ni Maria na kinakabahan siyang pumasok sa isang club pero kailangan niyang magiging matapang. Nangako siyang iba ng Maria ang kanyang katauhan sa Manila na kanyang ginagalawan. Kakalimutan na niya ang dating Maria na mahina, takot at iyakin. Tutal ay wasak na rin lang ang kanyang mga pangarap sa buhay. Kinagabihan. Maagang gumayak si Maria at hinihintay na lamang niya ang sundo ni Gia sa kanya. Makalipas ng ilang sandali ay may kumatok na sa pinto ng apartment nito. Tumayo si Maria sabay kuha sa kanyang shoulder bag at kanya ng isinukbit iyon. Naglagay din si Maria ng konting lipstick sa kanyang labi at saka nagpulbo lang na may konting wisik ng pabango. Pagbukas ni Maria sa pinto ay si Gia na nga iyon. "Hi! Are you ready!" Sabi agad ni Gia kay Maria. Napagmasdan naman ni Maria si Gia. Makapal ang make up ng dalaga at maiksi ang suot nitong skirt na pula at back less nitong puting spaghetti. Malaki ang magkabilaang hikaw na suot nito at kagaya ng dati ay ngumunguya na naman ito ng bubblegum. "Iyan ang suot mo?" Hindi napigilang itanong ni Maria kay Gia. Naka- jeans kasi si Maria nang abuhin at puting T-Shirt lang. Walang anomang burloloy sa kanyang katawan maliban sa suot niyang hikaw. Narinig ni Maria na tumawa si Gia marahil ay sa tanong niya kanina sa dalaga. "May isuuot ako doon parang uniform din naming mga entertainer kagaya niyo din na mga waiter o waitress." Sabi naman ni Gia. Natawa din naman si Maria saka ito humingi nang pasensya kay Gia dahil sa kanyang ka-ignorantehan. "Ganyan talaga ang mga baguhan maraming mga katanungan. Tara na at bawat patak ng oras sa akin ay mahalaga!" Wika naman ni Gia at hinila na nito si Maria. Natatawang sumama na lamang si Maria pagkatapos nitong mai-locked ang kanyang apartment. Subalit lihim na humanga si Maria kay Gia dahil sa sinabi nitong bawat patak ng oras sa kanya ay mahalaga. Patunay talaga na hindi sukatan ang panandaliang pagkilala mo sa isang tao upang iyong husgahan agad. Kagaya ni Gia ang aaminin ni Maria na hinusgahan niya ang dalaga base sa nakita nitong pag- uugali meron ito noong bagong kilala pa niya ang dalaga. Pero sa mga sandaling iyon ay medyo napagtanto ni Maria na si Gia ay kumakayod lamang upang mabuhay at hindi sapat ang trabaho nito upang siya ay husgahan ng hindi maganda. Kagaya din ni Maria disente siyang tingnan subalit walang mag- aakalang may madilim pala siyang kahapon sa kabila ng magandang nakikita sa kanya at sa panlabas niyang kaanyuan. Wika nga nila don't deceive by the outside appearance, who knows at the back there's darkness.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD