Naalimpungatan si Henrick. Nagulat siya ng imulat ang mga mata at nagtaka sa lugar na kinaroroonan. Hindi ito ang kaniyang silid. Nasaan ako? Tanong niya sa isip at ipinilig ang ulo. Masakit ito at wari niya ay napahaba ang kaniyang pagtulog. At unti-unting naalala niya ang mga pangyayari ng nakaraang gabi. Agad na tumingin sa smart watch na nasa bisig. It's been 8:30 AM already. Marahan siyang bumangon at binuksan ang silid. Sumilip muna siya sa labas nito at nakita niyang maraming kalat sa library. Halatang hinalughog ang silid at wari ay may hinahanap. Siya marahil ang pakay ng mga ito. Marahan niyang isinara ang lihim na silid at sinikap na walang ingay na malilikha ang pagkilos niya dito. Nang marating niya ang pinto ay sumilip siya sa labas nito. May ilang katawan na nakahandusay sa labas na tauhan nila sa bahay na iyon. May narinig siyang sirena ng ambulansiya at police car kaya napaatras siya pabalik sa library. Nagtago siya si likod ng malaking ilalim ng study table at pumuwestong nakasilip sa pinto sakaling may pumasok dito. May ilang yabag ang naririnig niyang tumatakbo sa labas ng silid. Marahil ay may pulis, nurse, at doctor sa labas. Alam niyang dumating ang mga ito para alamin kung may maililigtas sa sa bahay na iyon. Pero natatakot siya dahil sa kabila ng pangyayari ng nakarang gabi ay hindi niya alam kung sino ang kaaway sa paligid. At bumukas ang pinto ng marahan. Nagtataka siya kung bakit marahan ito.