Chapter 3

3639 Words
Skyler’s POV Akala ko tapos na ang lahat sa speech. Pero hindi pala. Biglang nagsalita ang principal: “Since marami ang interesado at parehong malakas ang supporters ng ating candidates, we will have a short debate. Each candidate will answer some questions about leadership and responsibility.” Saad ng principal Napasinghap ako. Debate? Jusko, parang bigla akong kinabahan ulit. Pero kailangan kong ipakita na hindi ako natitinag. At syempre, nakita ko si Lance na nakangiti—yung tipong good luck, loser. Unang tanong: “As a president, paano mo haharapin ang mga estudyanteng pasaway?” Nauna si Lance. “Simple lang. By setting strict rules and discipline. Kung hindi sila marunong sumunod, dapat may consequence. Because rules are rules. If we want order, kailangan may takot sila sa batas.” Palakpakan agad mga fans niya. Ako naman. “Rules are important, yes. Pero leadership is not about making people afraid—it’s about making them understand. Hindi lahat ng pasaway ay masama. Minsan kailangan lang nila ng leader na makikinig at gagabay. Respect is earned, not forced.” Tahimik sandali, tapos may mga nagsabi ng oo nga! at pumalakpak. Nakita ko ang tingin ni Lance—kumukulo na. Pangalawang tanong: “Why do you think you are more deserving than your opponent?” Napangisi si Lance. “I am more experienced. I have the influence, the connections, and the confidence to lead this school. My opponent?” sabay tingin niya sa akin, “He’s just trying too hard to prove himself.” Ramdam kong tinira niya ako. Pero ngumiti ako. “You know what? Tama siya. I’m not popular, I don’t have rich connections, and I’m not perfect. But that’s exactly why I’m more deserving. Kasi I represent the students who are usually ignored. Hindi ako leader para magpa-pogi. I want to be a leader who actually knows how it feels to be an ordinary student.” Biglang nag-cheer ang ilan. May mga tumayo pa at pumalakpak. Si Lance? Hindi na nakangiti. At doon ko narealize—hindi lang election ‘to. Ito na ang simula ng mas matinding laban namin. Fast forward At Nandito na kami sa pinakahihintay ang Voting day: Dumating na ang araw ng voting. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa buong campus. Lahat may bitbit na papel at kaba. Team Lance vs Team Skyler. “Beh, kinakabahan ako,” sabi ni Shine. “Kinakabahan? Ako nga gustong himatayin na,” sagot ko sabay tawa. Pagkatapos ng voting, binilang ang mga boto. Mabagal ang oras. Parang bawat segundo, maririnig mo yung t***k ng puso mo. At nang dumating na ang resulta, lahat kami nagtipon sa ground. “The winner for the position of PRESIDENT for the school year 2025–2026 is…” Tahimik. “…Lance Reyes !” Sumabog ang sigawan. May palakpakan, may cheer, may iyakan. Ako? Nakangiti lang. Hindi ko alam kung dahil tanggap ko na, o dahil masakit lang talaga. “Beh, ang daya! Mas deserving ka!” sabi ni Shine. Ngumiti lang ako. “Maybe he won because people believe in him. Or maybe dahil sikat siya. Either way, okay lang. I did my best.” Nakita ko si Lance nakatingin sa akin. Lumapit siya at inabot ang kamay. “Good fight,” sabi niya. “Good fight, Mr. President.” At doon, alam kong hindi pa tapos ang laban namin—lalo na’t may kakaibang naramdaman akong hindi ko maipaliwanag. Pagkatapos i-announce na si Lance Reyes ang nanalong president, lumapit ang principal sa stage. “Now, we’ll hear a short message from our newly elected Student President, Mr. Lance Vergara.” Palakpakan. Sigawan. May nagchi-cheer pa ng “Lance! Lance! Lance!” Umakyat siya sa stage, confident as always. Hawak ang mic, ngumiti ng malawak, parang sanay na sanay na sa spotlight. Lance’s Speech “First of all, I want to thank everyone who voted for me. I wouldn’t be standing here without your support and trust. Leadership, for me, is about discipline and vision. I promise to guide this school with strength, order, and unity. I will make sure that every student has a voice — a voice that will be heard and respected. To my fellow candidates, especially to Skyler,” sabay lingon niya sa akin, “thank you for the challenge. You made this election exciting. I respect your courage and your determination.” Ngumiti siya ulit. “Together, let’s make this school a better place for everyone. Thank you.” Palakpakan. Malakas. Pero sa totoo lang, parang speech ng isang leader na perfect sa papel, hindi sa puso. Biglang tinawag ng principal, “Before we end, let’s also hear a few words from the runner-up, Skyler Cruz.” Tahimik ang crowd. Kahit ako, hindi alam kung dapat pa ba akong magsalita. Pero nang makita kong may mga estudyanteng nakatingin sa akin at nakangiti — alam kong kailangan kong magsalita. My words “Hi, everyone. First of all, congratulations to our new president, Lance. You deserve the win.” (Sabay palakpakan ng ilan.) “But to everyone here, thank you for believing — not just in me, but in change. This election isn’t really about who’s more popular or who’s louder. It’s about realizing that every voice matters — even the quiet ones, even those who feel invisible.” Tahimik ang crowd, nakikinig. “I may have lost the title, but I gained something more important — the courage to stand in front of you and be heard. And maybe, someday, I’ll prove that leadership isn’t measured by votes… but by heart.” Huminga ako nang malalim. “So to everyone who feels small, ignored, or left behind — this is for you. You don’t need a crown to make a difference. Sometimes, all it takes is a voice that refuses to stay silent.” Tahimik. Tapos unti-unting nagpalakpakan ang buong crowd — hindi kasing lakas ng kay Lance, pero mas totoo, mas mula sa puso. Pagbaba ko ng stage, nakita kong nakatingin si Lance sa akin. Hindi siya nakangiti — pero sa tingin niya, parang may halong respeto. At sa loob ko, kahit natalo ako sa boto, alam kong ako ang tumama sa puso ng mga tao. Skyler’s POV Lumipas ang ilang araw matapos ang election. Oo, natalo ako — pero sabi nga nila, winning isn’t everything. Marami pa rin ang lumapit sa akin, nagsasabing mas maganda raw ang speech ko kaysa kay Lance. Hindi ko na lang pinansin, kasi to be honest, ayokong magmukhang bitter. Pero deep inside... parang may kirot pa rin. Ngayon, bagong araw, bagong simula. Habang papunta ako sa Section A classroom, naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante. > “May transferee daw from Manila.” “Girl raw, ang ganda pa.” Hindi ko masyadong pinansin hanggang sa— BOGSH! “Ah! I’m so sorry!” Pagtingin ko, may babaeng nakayuko habang pinupulot ang mga gamit niya. Agad akong yumuko para tulungan siya. “Hey, okay ka lang?” “Yeah, sorry! Medyo naligaw kasi ako, first day ko today.” Pag-angat ng ulo niya, parang biglang bumagal ang paligid. Ang ganda niya — may maamong mukha, maputing balat, at mga matang parang kalmado pero nakaka-magnet. “Ah, transfer ka pala?” tanong ko. “Yup. I’m Arielle Santos, from Manila.” Ngumiti siya. “You are?” “Skyler. Skyler Fernandez.” Nagkamayan kami, at doon ko naramdaman ‘yung kakaibang kuryente sa kamay ko. Ngumiti siya. “Nice meeting you, Skyler. Pwede mo ba akong samahan? Hindi ko pa kabisado ‘tong school.” “Sige, tara. Same section naman tayo — Section A.” Habang naglalakad kami papunta sa room, hindi ko mapigilang mapangiti. Ang gaan ng pakiramdam. Pero biglang huminto si Arielle at tumingin sa hallway. “Uhm… kilala mo ba ‘yung guy na ‘yon?” Sinundan ko ang tingin niya. At doon ko nakita si Lance, nakasandal sa pader, nakatitig sa amin. Nakangiti siya — pero hindi ‘yung tipong friendly. ‘Yung ngiting may halong hamon. --- Lance’s POV Ngayon ko lang ulit nakita si Skyler na ganyan kasaya. Kanina, kasama niya ‘yung bagong transfer na si Arielle. Bagong mukha. Bagong dahilan para mapansin siya. Pero ako? Hindi ko hahayaang siya lang ang mapansin ni Arielle. Kung plano niyang magpakabait sa harap ng transferee, ako naman — gagamitin ko lahat ng charm ko. Ayoko lang makita na mas pinipili si Skyler. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong makita niyang ako pa rin ang mas lamang. Ngumiti ako nang makita kong pinapasok ni Skyler si Arielle sa room. “Interesting…” bulong ko sa sarili. “Tingnan natin, Skyler, kung hanggang saan ang tapang mo.” --- Skyler’s POV Pagpasok namin sa room, ipinakilala si Ma’am. “Class, meet our new student — Arielle Santos, from Manila. Please make her feel welcome.” Nagpalakpakan ang buong klase, lalo na ang mga lalaki. Pero bago pa siya makahanap ng upuan, agad nagsalita si Lance. “Ma’am, may bakanteng upuan po dito sa tabi ko.” Ngumiti si Arielle. “Ah, thank you,” sabi niya, at naupo sa tabi ni Lance. Napatingin ako. Bakit parang… hindi ako komportable? Habang nagkaklase, rinig ko pa rin ‘yung boses ni Lance at Arielle, nagtatawanan. Parang sinasadya talaga ni Lance. Pero bago matapos ang klase, nagsalita si Ma’am. “Okay, class! Starting today, we’ll begin your major project for this quarter. You’ll be working in groups of three — I’ll be the one to assign members.” Tahimik ang buong klase. “First group…” Tumingin si Ma’am sa listahan. “Lance Reyes, Skyler Fernandez ,and Arielle Santos.” What?! sabay naming nasabi ni Lance. Napatawa naman si Ma’am. “No objections, okay? Cooperation is the key.” Lumapit si Arielle sa amin, bitbit ang ngiti. “Well, looks like we’re teammates now!” sabi niya, sabay abot ng kamay niya ulit. Napilitan akong ngumiti. “Yeah… teammates.” Pero sa loob ko, may halong kaba at inis. Kaba — kasi gusto kong makasama si Arielle. Inis — kasi kasama rin si Lance. At habang nagtatama ang tingin namin ni Lance, pareho kaming tahimik, pero alam ko na pareho naming iniisip: Samin kanalang gagawa" Saad nitong si Lance papansin talaga. Sunduin kita'dugtong pa nito sabay tingin sakin at nag smirk. Sure- sagot ni Arielle at nag smile putaa naman oh Skyler’s POV Nag-bell na, hudyat na recess na. Ayon, inaya ko na si Arielle. “Sabay na tayo?” tanong ko habang inaayos ang gamit ko. Ngunit lumingon lang siya at umiling. “Sorry, nauna na kasing mag-aya si Lance,” sabi niya sabay turo sa likod ko. Paglingon ko, ayun — si Lance, nakatayo at nakangisi. Puta talaga ‘tong lalaki na ‘to. “Sige,” sabi ko nang pilit ang ngiti. Umalis na silang dalawa, kasama sina Christian, Khai, at Lander. Kasabay si Arielle na masayang nakangiti. Naiwan akong nakatayo, parang tanga. “Hoy!” kalabit ni Dave. “Bakit?” tanong ko. “Sabay na tayo. Parang na-reject ka dun ah,” sabi niya sabay tawa. Napairap ako. “Chee. Tara na nga.” Lumakad na kami palabas, pero itong mga mokong, tawa pa rin nang tawa. Amputa talaga. Sa Cafeteria Habang kumakain kami ni Dave, hindi ko maiwasang mapatingin sa mesa kung saan nakaupo sina Lance. Nandoon siya — katabi si Arielle. Tawa sila nang tawa, parang silang bida sa pelikula. “Grabe, Lance,” sabi ni Arielle habang hawak ang juice box. “Ang corny mo.” “Corny pero napatawa kita,” sagot ni Lance sabay kindat. Napapikit ako sa inis. Ano ‘to, romcom live version? “Hoy, bro,” sabi ni Dave. “Kanina pa titig mo diyan ah.” “Hindi ah. Gutom lang ako,” sagot ko sabay subo ng tinapay. “Sure ka? Hindi si Arielle ‘yung tinitingnan mo?” pang-aasar ni Clark. Napailing na lang ako. “Kung gusto niyo, kayo na kumain ng pride ko.” Habang nagkakatuwaan sila, ako naman tahimik lang. Pero nang magtama ang tingin namin ni Arielle, ngumiti siya sa akin — simpleng ngiti lang pero parang biglang gumaan ang loob ko. Pagbalik sa Room Pagkatapos ng recess, bumalik na kaming lahat sa classroom. Tahimik lang ang paligid, medyo inaantok na lahat. “Okay, class,” sabi ni Ma’am habang nasa harap. “Let’s continue our discussion about the next activity for your project.” Nagtinginan kaming tatlo — ako, si Arielle, at si Lance. Medyo awkward kasi kanina lang, parang nagkakahiyaan pa kami. Habang nagdidiscuss si Ma’am, napapansin kong panay ang tingin ni Lance kay Arielle. At si Arielle naman, panay sulat at tango, parang seryoso sa pakikinig. “Arielle, ikaw mag-lead sa research part, ha?” sabi ni Ma’am. “Yes po!” sagot niya. “Skyler, sa visuals ka, at Lance sa presentation.” “Copy po,” sabay naming sagot ni Lance. Maya-maya, tumingin si Arielle sa akin. “Skyler, baka pwede ka magdesign ng layout for our report?” “Sure,” sagot ko sabay ngiti. Pero napansin kong parang napangiwi si Lance. Hmm. Galit ka ba, Mr. President? Lunch Time Pagdating ng lunch break, ako naman ang nauna ngayon sa cafeteria. Maaga ako kasi ayokong maabutan sila ni Lance. Habang nakapila ako sa food counter, biglang may boses sa likod ko. “Skyler!” Paglingon ko — si Arielle pala. “Oh, Arielle! Maaga ka rin ah,” sabi ko. “Yeah, nag-CR lang si Lance, sabi niya susunod daw, pero nakita kita kaya…” Natigilan siya saglit, sabay tawa. “...kaya naisip ko, sabay na rin ako sa’yo.” Ngumiti ako. “Sure, let’s eat together.” Habang kumakain kami, ang gaan ng kwentuhan namin. Tawa siya nang tawa sa mga simpleng jokes ko. At doon ko naisip, bakit parang mas totoo ‘yung tawa niya ngayon? Pagdating ni Lance, nakita niya kaming magkasama. Tahimik lang siyang nakatingin habang hawak ang tray niya. Hindi siya lumapit — pero halata sa mukha niya ang inis. Ngumiti lang ako, parang sinasabi sa tingin ko: > “Akin muna siya ngayon.” “Uy, Skyler,” sabi ni Arielle. “Thanks ah. Ang saya ng kwentuhan natin.” “No problem,” sagot ko. “Next time ulit.” At doon ko naramdaman — Kanina ako ‘yung nagseselos, pero ngayon, siya naman ang pinipiga ng selos. Game on, Lance. Ngayon, ako naman Skyler’s POV Lumipas ang ilang araw mula nung lunch namin ni Arielle. Hindi ko alam kung bakit, pero simula noon, palagi ko na siyang hinahanap. Ang ngiti niya, ‘yung boses niya, at kung paano siya tumawa — parang naging paborito kong tunog. Kaya isang gabi, habang nakatingin ako sa cellphone ko, napangiti ako sa sarili ko. “Siguro... panahon na.” Panahon na para ligawan ko siya. Hindi ko na kayang itago ‘to. The Next Day Habang nasa hallway, nag-uusap kami ng mga kaibigan ko. “Bro, seryoso ka bang liligawan si Arielle?” tanong ni Dave. Ngumiti ako. “Oo. Hindi ko na palalampasin ‘to.” Pero hindi ko alam, nasa likod ko pala si Lance. Narinig niya lahat. Paglingon ko, naroon siya — nakatayo, seryosong nakatingin. “Si Arielle?” tanong niya. “Gusto mong ligawan?” “Bakit, may problema ba?” balik kong sagot. Ngumiti siya nang mapanlinlang. “Wala naman. Pero mukhang kailangan kong makisali sa laro mo.” At doon nagsimula ang tahimik na giyera naming dalawa. Skyler’s POV Lumipas ang ilang araw, weekend na. Ito na ang araw ng paggawa namin ng group project. At dahil bahay ni Lance ang napiling venue — oo, ‘yung malaking mansion na madalas pagpulutan ng tsismis — doon na rin kami agad nagtambay. Pagdating ko sa living room, halos kumpleto na lahat. Si Arielle, nakaupo sa sofa, busy sa laptop. Habang si Lance naman, kalmado lang sa gilid, nakahilig pa sa upuan na parang hari ng bahay. “Uy, Skyler! Dito ka na,” bati ni Arielle. Ngumiti ako at umupo sa tabi niya. “Nagsimula na ba kayo?” “Medyo,” sagot ni Arielle. “Inaayos pa namin ‘yung format.” “Good,” sabat ni Lance. “At least may ambag ka rin ngayon.” Napatingin ako sa kanya, sabay irap. “Sige, ako na gagawa ng layout para may ambag ako. Happy?” Ngumisi siya, ‘yung pilyong ngiti na gusto kong sapakin. “Very.” Habang tumatagal, mas nagiging komportable kami ni Arielle sa isa’t isa. Nagkakatuwaan, nagtutulungan sa design, at paminsan-minsan nagbibigayan ng jokes. Pero napansin ko — tuwing magtatawanan kami, napapatingin si Lance. Tahimik lang, pero halata sa mata niya na may halong inis. Ilang minuto pa, bigla siyang nagsalita. “Skyler,” sabi niya. “Paki kuha nga ng meryenda sa kusina.” Napairap ako. “Bakit ako?” “Eh dito ka nakatira ngayon, di ba? Alam mo kung nasaan lahat.” Padabog akong tumayo. “Fine.” Pagbalik ko, dala ko ang juice at sandwich. “Thanks, Sky,” sabi ni Arielle sabay ngiti. Napangiti rin ako. “No problem.” Pero ramdam ko ‘yung tingin ni Lance — ‘yung parang gusto niya akong durugin sa titig. Pagkatapos naming matapos ang kalahati ng project, tumingin si Arielle sa relo niya. “Guys, I’m sorry ha. Kailangan ko nang umalis. May lakad kasi ako with my sister.” “Ako na maghahatid—” alok agad ni Lance, pero pinigilan siya ni Arielle. “No need, Lance. Susunduin na ako. Salamat na lang ha!” At umalis na siya, bitbit ang bag niya at ‘yung matamis niyang ngiti. Ngumiti rin ako, pero sa loob-loob ko, may kung anong kumurot. Tahimik. Kami na lang dalawa ni Lance sa sala. Parehong abala, pero ramdam mong mabigat ‘yung hangin. Maya-maya, nahulog ang ballpen ko sa sahig. Agad akong yumuko para pulutin — pero sabay din si Lance. At doon, nagtagpo ang mga kamay namin. Mainit. Mabilis. Pero parang biglang tumigil ang mundo. Nagkatinginan kami. Walang salita. Walang galaw.l Parang ilang segundo pero ang tagal ng sandali na ‘yon. Skyler’s POV Lumipas ang ilang araw mula nung lunch namin ni Arielle. Hindi ko alam kung bakit, pero simula noon, palagi ko na siyang hinahanap. Ang ngiti niya, ‘yung boses niya, at kung paano siya tumawa — parang naging paborito kong tunog. Kaya isang gabi, habang nakatingin ako sa cellphone ko, napangiti ako sa sarili ko. “Siguro... panahon na.” Panahon na para ligawan ko siya. Hindi ko na kayang itago ‘to. The Next Day Habang nasa hallway, nag-uusap kami ng mga kaibigan ko. “Bro, seryoso ka bang liligawan si Arielle?” tanong ni Dave. Ngumiti ako. “Oo. Hindi ko na palalampasin ‘to.” Pero hindi ko alam, nasa likod ko pala si Lance. Narinig niya lahat. Paglingon ko, naroon siya — nakatayo, seryosong nakatingin. “Si Arielle?” tanong niya. “Gusto mong ligawan?” “Bakit, may problema ba?” balik kong sagot. Ngumiti siya nang mapanlinlang. “Wala naman. Pero mukhang kailangan kong makisali sa laro mo.” At doon nagsimula ang tahimik na giyera naming dalawa. Skyler’s POV Lumipas ang ilang araw, weekend na. Ito na ang araw ng paggawa namin ng group project. At dahil bahay ni Lance ang napiling venue — oo, ‘yung malaking mansion na madalas pagpulutan ng tsismis — doon na rin kami agad nagtambay. Pagdating ko sa living room, halos kumpleto na lahat. Si Arielle, nakaupo sa sofa, busy sa laptop. Habang si Lance naman, kalmado lang sa gilid, nakahilig pa sa upuan na parang hari ng bahay. “Uy, Skyler! Dito ka na,” bati ni Arielle. Ngumiti ako at umupo sa tabi niya. “Nagsimula na ba kayo?” “Medyo,” sagot ni Arielle. “Inaayos pa namin ‘yung format.” “Good,” sabat ni Lance. “At least may ambag ka rin ngayon.” Napatingin ako sa kanya, sabay irap. “Sige, ako na gagawa ng layout para may ambag ako. Happy?” Ngumisi siya, ‘yung pilyong ngiti na gusto kong sapakin. “Very.” Habang tumatagal, mas nagiging komportable kami ni Arielle sa isa’t isa. Nagkakatuwaan, nagtutulungan sa design, at paminsan-minsan nagbibigayan ng jokes. Pero napansin ko — tuwing magtatawanan kami, napapatingin si Lance. Tahimik lang, pero halata sa mata niya na may halong inis. Ilang minuto pa, bigla siyang nagsalita. “Skyler,” sabi niya. “Paki kuha nga ng meryenda sa kusina.” Napairap ako. “Bakit ako?” “Eh dito ka nakatira ngayon, di ba? Alam mo kung nasaan lahat.” Padabog akong tumayo. “Fine.” Pagbalik ko, dala ko ang juice at sandwich. “Thanks, Sky,” sabi ni Arielle sabay ngiti. Napangiti rin ako. “No problem.” Pero ramdam ko ‘yung tingin ni Lance — ‘yung parang gusto niya akong durugin sa titig. Pagkatapos naming matapos ang kalahati ng project, tumingin si Arielle sa relo niya. “Guys, I’m sorry ha. Kailangan ko nang umalis. May lakad kasi ako with my sister.” “Ako na maghahatid—” alok agad ni Lance, pero pinigilan siya ni Arielle. “No need, Lance. Susunduin na ako. Salamat na lang ha!” At umalis na siya, bitbit ang bag niya at ‘yung matamis niyang ngiti. Ngumiti rin ako, pero sa loob-loob ko, may kung anong kumurot. Tahimik. Kami na lang dalawa ni Lance sa sala. Parehong abala, pero ramdam mong mabigat ‘yung hangin. Maya-maya, nahulog ang ballpen ko sa sahig. Agad akong yumuko para pulutin — pero sabay din si Lance. At doon, nagtagpo ang mga kamay namin. Mainit. Mabilis. Pero parang biglang tumigil ang mundo. Nagkatinginan kami. Walang salita. Walang galaw.l Parang ilang segundo pero ang tagal ng sandali na ‘yon. __to be. continue
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD