CHAPTER 59 Sa kagustuhan ni Zeta na ipilit ang pagsama niya sa mga plano ni Craig na paglaban sa Fallen Angel ay siya na mismo ang unang lumabas ng kwarto para tawagin sina Wren, Cahil, at Dawin para hingin ang opinyon nila tungkol sa gusto niya. Pero wala ni isa sa kanila ang makasagot sa tanong ng dalaga dahil hindi nila alam kung ano ba ang dapat isagot. Pare-pareho nilang alam ang pinagdaanan ng dalaga at alam din nilang hindi talaga magandang ideya ang naiisip nito. Isa pa, wala sila sa posisyon para magdesisyon tungkol sa bagay na iyon... inaasahan nila na sina Zyx at Craig na lang ang magpapaliwanag sa kanya ng sagot sa gusto niya. "Basta, gusto ko kasali rin ako!" giit ni Zeta. Tila wala na siyang pakialam kung ano man ang opinyon ng iba pa niyang mga kaibigan, dahil pumayag man

