1

2726 Words
POV- Izabelle "Nakakainis talaga!!!! Akala mo kung sino siya." Para akong tanga nagsasalitang mag-isa habang naglalakad patungo sa class room pero wala akong pakialam. Eh sa naiinis ako anong pake ng iba. Tanga na kung tanga, eh sa mainit na mainit ang ulo ko eh! Urrrgh nakakabanas lang tsk tsk. Paano ba naman isang napaka arrogante, mayabang at higit sa lahat feeling gwapo at feeling magaling sa lahat pero sa totoo gwapo naman talaga siya at matalino pero wala akong pakialam, eh ano naman! Hoy ikaw Iza wag kang mag-isip na hot ang lalaking iyon dahil bwisit ka sa kanya dapat mukhang pusit siya sa isip mo. Kastigo ko sa sarili ko. Ang lalaking pinupuutok ng buchi ko ay walang iba kundi si Van Xander Manzanar. Na nag-iisang President ng SSG club, English, Science , Math, Music and Delegate Club, member ng swimming team, at marami pang iba. Ay peste siya na talaga. Ang lalaking ito na talaga! Nakakainis mang aminin ay totoo lahat ng sinabi ko. Naglalakad pa rin ako. Naiisip ko pa rin si Mr. Sungit, dapat hindi ko ito iniisip dahil nakakasira ng utak. Naiisip ko pa rin yung ginawa niya na nagpapausok ng ilong ko. Urgh. FLASHBACK: "AHHHHHHHHHHHHH!!!!!" Sumigaw ako yung bonggang-bonggang sigaw, nasa rooftop ako ngayon. Since wala naman akong kasama rito kaya ok lang. Ibubuhos ko na ang lahat ng inis ko. INHALE! EXHALE! INHALE! EXHALE! Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nakapag-aral sa isang subject ko, ayun nagquiz. Ang score lang naman ay bukya!!! Wala akong nasagutan ni isang tanong. Nakakainis talaga pakiramdam ko tuloy sobrang bobo ko na kahit slight lang naman. Hindi naman ako bobo, sadyang di lang ako nakapag-aral sa subject na iyon. Hindi ako defensive ah. Dito sa rooftop nilalabas ko lahat ng nararamdan ko. Napakarefreshing talaga dito, buti na lang at walang mahilig magpunta rito at masosolo ko ang pagsesenti ko sa bukya kong score sa bwiset na quiz na yan. Napahiya talaga ako sa score ko kanina sa room. Kasi naman sino ba ang makakatanggap ng ganoon? Sino? Magdala kayo dito sa akin ng isang matutuwa kung magkazero siya sa quiz niya at ibibitin ko patiwarik. Relax lang Iza at isigaw mo lang lahat iyan, pagkokonsola ko sa sarili ko. "Nakakainis talaga --- balhblahblahblah!" kahit ano na lang ang pinagsisigaw ko ngayon dito. Ngayon naiilabas ko ang inis ko sa nangyari sa akin. Tumatawa na ako kasi naiimagine ko ang sarili kong parang baliw dito, sigaw ng sigaw tapos maya-maya naman tatawa. Ang adik lang ng dating ko. Buti na lang talaga at walang tao rito kundi nayari na talaga ako. Mas mapapahiya ako pag may tao rito. Relax muna sandali at tumingin sa kalangitan. Ang ganda talaga rito sa rooftop, dito ma-aappreciate ng todo ang kagandahan ng kalangitan. Siguro ang sarap humiga sa mga ulap, pag nandoon siguro ako ay wala akong iisipin na ganito. Sumigaw ulit ako ng sobrang lakas ng biglang may nagsalita. "Ang ingay mo." Teka may tao rito?! Napatakip ako ng mukha. Ang buong akala ko pa naman mag-isa ako. Paano na iyan? Ano ng gagawin ko? Paano na? Oh lupa kong minamahal, pwede bang bumukas ka at kainin na akong ngayon na. Please ngayon na agad. Patay kang bata ka! Ano ng mukha ang meron ka Iza? POV - Xander Ang ingay naman! Naiistorbo na ako sa pagtulog ko. May magpapakamatay ba? Magpapakamatay na nga lang ang ingay ingay pa! hindi ba pwedeng tahimik siyang magpapakamatay? Oo mainit ang ulo ko kaya ayan imbis na tulungan kong wag magpakamatay yung babae, eh gusto ko pa siyang hindi na lang mag-ingay at tahimik na tumalon dito sa rooftop. Kakainis naman itong babaeng ito, pagod na nga ako dahil sa kakatakbo kanina dahil sa mga babaeng studyante na humahabol sa akin dumagdag pa ito na sobrang ingay. Kailan ba ako makakapagpahinga ng mabuti? Pumunta nga ako dito para matulog at hindi mag-isip ng mga problema. Tapos ito pa? Ito pa ang madadatnan ko sa rooftop. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na lang ako sa pagtulog. Maya-maya tumigil sa pagtili at pagsigaw ang babae, napagod ata at nagpahinga. Mabuti naman at wala ng sagabal sa pagtulog ko. Pinagpatuloy ko ang pagtulog ko ngunit naisip ko kung tumalon na nga ba ang babaeng iyon. Wala na talagang maingay? Ano kaya yung nangyari sa babae? Akala ko nagpakamatay na siya pero ng tinignan ko ayon nakatingin lang pala sa kawalan. Napatampal ako sa ulo ko, nagpakamatay na siya dahil lang sa mga ganitong problema. Narinig ko lahat ng sinabi niya tungkol sa problema niya sa mga subjects niya. Ayaw niya ng Physics at Math, nahihirapan pala siya sa mga subjects na yon, eh bakit hindi siya mag-aral? ano ang silbi ng utak? Tumili na naman yung babae. Ang sakit pa naman sa tenga yung boses niya. Dito pala niya nilalabas ang mga problema niya, ano ang lugar na iyo, stress reliever niya? Hindi ko na nakayanan kaya nagsalita na ako. Nakahiga parin ako sa may semento. "Ang ingay mo!" sita ko sa kanya, nainis na rin ako syempre ngunit hindi ko yun masyadong pinahalata. Lumingon siya sa akin, biglang nanlaki yung mga mata niya. Hindi niya ba expected na may kasama siya sa rooftop habang sumisigaw o nabigla siya dahil ako ang nakita niya? Parang matatawa ako ng malakas sa reaksyon nung babae nung makita niya ako iyong mga mata niya naalalaki at pinapawisan ang bumbunan niya. Hindi niya ba alam na may nakikinig sa mga sinasabi at sinigaw niya kanina pa? Parang nahiya yung babae sa akin at hindi na makatingin na tuwid. Tumingin ulit siya sa akin at nagsalita ito. "Sino ka?" Hindi pala niya ako nakikilala, akala ko lahat ng babae sa school na ito ay kilala ako. Hindi naman sa pagyayabang, lahat yata ng students dito sa St. Peter Academy kilala na yata ako pero wala ako pakialam kung hindi niya ako kilala. Mas maganda nga eh, bago sa tenga niya. It was kinda refreshing hearing that this girl don't know him. Hindi ako sumagot sa tanong niya kundi ay tumingin lang ako sa kanya. Ilang minuto din kaming nagkatinginan sa isa't-isa. Isang mahabang katahimikan dahil walang nagsalita sa amin. Parang nag-iisip iyung babae ng sasabihin sa akin. Napatingin ako sa name plate niya, Izabelle Samara Ramirez ang nakalagay sa name plate niya. She has a nice name bagay sa kanya, napabuntong hinga ako. Nasira na ang tulog ko kaya mabuti ng umalis dito. Bumalik agad sa utak ko ang mga gagawin ko sa office. Biglang nagsalita yung girl at nakahuma na ata sa pagkabigla. "K-kanina ka pa ba dito?" "Oo kanina pa ako rito" sabi ko sa kanya. "Narinig ko lang naman lahat ng sinabi mo, ang ingay mo, hindi tuloy ako makatulog ng maayos salamat sayo." Sarkastiko kong sambit rito. Hindi kumibo yung babae na nagngangalang Izabelle. Kaya nagsalita ulit ako sa kanya. "Alam mo kung nahihirapan ka sa mga subjects mo edi sa mag-aral ka ng mga lessons in advance para di mo makalimutan hindi yung isisigaw mo dito sa rooftop, napakaingay mo pa tss. Hindi ka matutulungan ng pagsigaw na iyan."Tiningnan niya ako masama na nakataas ang kilay. "Ah sorry po ha kasi hindi ko kayo nakita tapos natutulog po pala kayo dyan!"sarkastikong saad nito sa akin. Inirapan ako nito at sinuot na neto ang bag na nasa lapag kanina. Aba ang babaeng ito pa ang galit, sa kanilang dalawa siya dapat ang may karapatang magalit. Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at dumiretso akong tumayo at naglakad na parang walang nangyari. Nagsalita ito ng mahina pero hindi iyon nakalusot sa tenga ko. "Kala mo kung sino parang nagmamayari ng rooftop. tsss" bubulong na lang tapos rinig na rinig pa rin. Ano ang bunganga ng babaeng ito speaker? Sound system? Dahil doon ay lumingon ako sa kanya."May sinabi ka?" "Tsk, wala po Mr. Sungit" Mr. Sungit yung tawag niya sa akin, bahala siya kung ano ang itawag niya sa akin. Wala akong pakialam, nakakapagod makipag-usap sa babaeng maingay. Ayoko pa naman sa lahat ang maiingay, masakit sa tenga. Bumalik na ako sa paglalakad pero tumugil din dahil may nakalimutan akong sabihin sa kanya. "Anyway Izabelle" lumingon akong muli kanya. "Kung may isisigaw ka siguraduhin mong walang nakakarinig sayo kasi ang sakit sa tenga ng boses mo" pagkatapos kong kong magsalita, naglakad na ako at umalis. Nasa room na ako ngayon. "Oh! Van nandito ka lang pala akala ko kung asan ka naman nagpunta." nagsalita yung classmate ko na si Dwyne, siya ang vice president ng SSG Club. Ito nga sana ngayon ang magiging President, kung hindi lang nagmakaawa ito sa akin ayoko ko talagang maging president ng SSG Club kasi sobrang rami ko ng Clubs. nakakapagod! *sigh* Ako nga pala si Van Xander Manzanar. A 4th year student of St. Peter School ang pinakamagandang private school sa Pilipinas, isang elite school na puro mayayaman lang na mga bata ang nakakapasok rito. I'm the president of SSG, English, Math, Music and Delegate Clubs. I'm also a member of swimming team at iba pa. I belong in Class A, kung saan ang mga studyante ay pambato sa ibat-ibang contests in academic and extra curriculars. I hate being the center of attention everytime pero wala akong magawa. Parati na lang akong nabubulabog ng mga babae sa school na ito. Walang araw na nakapagpahinga ako pagpumapasok ako. Parati na lang ako ang bulungan pagdumadaan ako sa hallway araw-araw, mga babaeng nagsisigawan at kung ano ano pa. "Van nakikinig ka ba sa akin?" nagsalita si Dwyne. Lumingon naman ako rito, kanina pa daw ito nagsasalita pero tamad akong makinig rito hanggang ngayon ay inaantok pa din ako. "Ha? anong sabi mo?" tanong ko ulit sa kanya. "Sabi ko, pinapatawag ka ng Principal, pumunta ka raw sa office pagkatapos ng first subject natin." Sagot ni Dwayne. Tumango naman ako. "Ah okay, bakit niya daw ako pinapatawag?" tanong ko kay rito. Nakakapagod talaga ang maging SSG President, nasa sayo lahat ng resposibilidad, napakaraming gawin at hindi ko na magawang makapagpahinga ng maayos. Nagkibit balikat lang Dwyne sa tanong ko. "Okay class, sit down" dumating na pala yung teacher namin. Naaala ko parin yung babae kanina, natatawa ako sa kanya ngayon. Hindi ko alam kanina naiinis ako pero ngayon natatawa naman ako. Izabelle. I like her name and its familiar to me. Bakit parang narinig ko na yung name niya? Izabelle Samara Ramirez. Hindi ko na lang inisip kung sino man siya at nagfocus na lang ako sa teacher naming nagsasalita. *kring kring kring* Tumunog ng bell, tapos na ang klase. Nagsitayuan na ang mga kaklase ko. Tumayo na rin ako at umalis papunta sa Principals Office. _________________________________ POV- Izabelle "Hoy Iza! Bruha ka talaga! hindi ka nanaman nakikinig sa sinasabi ko!" nagsalita ang bestfriend kong si Sam. Ito na ako ngayon sa classroom namin ang Class C. Oo Class C ako, may 6 classes ang Fourth year at ganon din ang first year to third year..... Class A and Class B nandon ang mga matatalino at pambato ng school sa diffirent activies in academic and extra curricular. Class C and D nandito ang mga middle students, means hindi masyadong matalino pero hindi naman bobo kasama na ako roon. Hindi naman talaga ako bobo eh, hindi ko lang talaga maintindihan masyado at hindi ko gusto ang subject na Physics at Math pero gusto ko naman ang ibang subjects tulad ng English at Filipino, doon sa mga subjects ako nag-eexcel. Anyway ang Class E and F nandon ang mga studyanteng pasaway at mahina ang utak. Ang St. Peter School ay isang private School kung saan ang may kayang mga studyante lamang ang nakakapasok means mayayaman lang. "Hoy" tawag sa akin ni Sam. Ipinapakilala ko ang bestfriend kong may tupak esti maganda si Samantha. Hindi ko alam pano kami naging magbestfriend eh opposite naman kami sa lahat, siya sobrang girly kung magdamit lahat nalang yata ay mini skirt at blouses habang ako ay minsan lang magmini skirt parang bestfriend ko na yung mga pants at tshirt ko eh. Hindi ako komportable sa mga seksing damit anyway bumalik tayo kay Sam. "Tignan mo talaga tong babaeng ito! hindi nanaman nakikinig sa akin" inis na saad ni Sam sa akin. Inikot nito ang mata nito 360 degrees dahil nakatunganga lang ang mukha ko rito. "Ha? ano bang sabi mo?" hindi talaga niya narinig yung sabi nito kasi marami siyang inaalala at isa na roon ang buwisit na lalakeng iyun na walang iba kundi ang si Xander the President/ Mr. Sungit. Inis pa rin ako hangang ngayon sa sungit na yun. Nakakabanas talaga, napahiya pa ako sa harapan ng lalaking iyon. Siguro para sa taong iyon ay napakabobo ko. "Hay" Napabuntong hininga siya. "May nangyari sayo nung umalis ka kanina ano?" nakataas ang kilay niya sa akin habang nagsasalita. "Galing talaga manghula ng babaeng ito" sabi ko sa kanya. Tsk! pagsasabihin ko sa kanya ang nangyari kanina eh pagtatawanan lang ako nito. "Soo may nangyari nga sayo! ano yun?" tanong nito na parang curious na curios. "Wala" sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa ibang direksyon. Ayoko ngang sabihin sa kanya. "Tignan mo tong babaeng to! sabi mo kanina may nangyari sayo tapos ngayon wala naman! hayyy! Ayaw mo lang yatang sabihin sa akin eh!" paiwas tingin pa nito. "Sos ito naman tampo agad!" ginulo ko yung buhok niya ng kunti "sige na nga sasabihin ko na " sabi niya kay Sam. "So ano yun?" nagliwanag yung mukha ni Sam hindi pinansin yung buhok na ginulo niya. "Yung mukha nito parang kay Puss in boots lang eh no!" inis na sabi ko sa kanya. Eh! pano ba naman nakamisty eyes ang bruha. "Sasabihin na iyan" Hindi nito pinansin yung sinabi ko. Ano ba yan pagtatawanan lang ako nito pagsinabi ko na. Nakakainis naman, papanig lang itong si Sam kay Van Xander eh! Crush na Crush kasi nito yung lalaking bwisit. Hindi lang crush actually, patay na patay ito kay Van Xander. "Ano ba kasi yun?" "Ito na nga oh! sasabihin na diba? "inis na rin ako ngayon. Bahala na talaga! Alam kong pagtatawanan lang ako ng babaeng ito. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari sa rooftop. As in lahat lahat ang sinabi ko. Nang matapos akong magsalita at sinabi sa kanya ang lahat ng nangyari. As I thought! Tumawa ng tumawa ang bruha. "Sabi ko na nga ba." Nakataas ang kilay ko, kakainis naman tong babaeng ito minsan kung di ko pa ito bestfriend binatukan ko na ito, matagal na. "Sorry na bessie, hindi ko talaga mapigilan eh" nakatawang saad nito sa kanya. Tawa ng tawa parin itong bruha. Whatever. "Eh kasi naman, hindi naman kasalanan ni fafa Van yun eh! natutulog lang yung tao tapos bigla ka na lang sumigaw. Sino ba naman ang hindi magagalit at magsusungit sayo diba? At tsaka sa lahat ng boys si Fafa Van pa talaga ha!"seryosong saad ni Sam sabay tatawa-tawang mukha. "So kasalanan ko pa ngayon? eh hindi ko nga siya nakita diba!" inis na talaga ako. "Easy lang bessie atleast ikaw nga nakausap mo si fafa Van ko! eh ako? Ni hi ni ho! Wala." So kailangan ko pang magpasalamat dahil nakausap ko ang bwiset na lalaking iyon?! Ang kapal niya ha. "Pero teka Bessie papaano mo siya nakilala kung hindi mo naman alam na siya pala si fafa Van?" Tanong naman ni Gaga na interasado na interasado pa din. "Anong gamit ng nameplate? Utak din minsan ha bestfriend." Sinamaan niya ako ng tingin habang tatawa tawa ako. Maya-maya ay tawa naman ito ng tawa. "Ano? " Tanong ko rito. "Naiisip ko si fafa Van at tsaka iyong nagawa mo kanina. Ahihi." Ako naman ngayon ang sumama ang tingin rito. "Sayo na lang yung lalaking yun. Bagay kayo! Mga krung-krung!" nakataas yung kilay ko sa kanya. "Bessie Pinamimigay mo na ako! huhuhuhu nakakaawa naman ako pero okay lang basta kay fafa Van" ay napangiti na lang ako sa pinagsasabi ng best friend kong krung-krung. "Heh! magsama kayong dalawa!" Bumalik na ang napakagandang bestfriend ko sa upuan niya. Ngiti ng ngti pa rin parang tanga lang. ....... "Class, Silence" Dumating na pala yung teacher namin sa Math. Nagsimula na yung klase. Hindi ako nakinig sa teacher, wala akong ganang makinig, tuningin lang ako sa labas ng bintana. Kring * Kring * Kring * Hindi ko napansin na tapos na pala yung klase sa Math. Gumagawa ako ngayon ng paper airplaine. Pinapalipad ko yung paper airplaine sa labas ng bintana. Fly high! Dahil sa malakas ang hangin sa labas ay mabilis na bumagsak ang paper plane. Bumagsak sa isang ulo? Ng isang lalaki? Sa ulo ng isang lalaki! O_o Sino kaya siya? Biglang napatingin sa akin sa itaas ang lalaking nahulugan ng paper plane na ginawa ko. Teka bakit pamilyar sa akin ang built ng lalaking ito. Nanalaki ang aking mga mata. Bakit siya pa?! Sa dinarami-rami ng guys dito siya pa! Ayoko na talaga, magbibigti na talaga ako. Hindi ako makagalaw tinignan niya yung paper ko. Wait?! Bakit parang kakaiba yung paper ko? PAPER KO SA PHYSICS!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD