3

3443 Words
POV- Iza Oh my Gesh!. Im soo excited na!!.. Nandito ang Class A tommorow up to the next day!.. Grabe lang talaga!, sana ako yung piliin ni Pres. Van or ni Dwyne as their partner!.. Hindi! ako yung pipiliin nila!.. Kyaaah~ ang gwapo-gwapo ng dalawang yun! Naiirita na ako sa aking mga naririnig!, Eh ano naman ngayon kung nandito bukas ang Class A up to the next day! What's the big deal on it! Tsk ang lalandi lang talaga! Ano ba ang meron don sa Mr. Sungit na Xander na yon at don sa Dwyne na sinasabi nila?. 'Tsk Gwapo daw! Hoy! Iza eh sa totoo naman talagang gwapo si Xander! aminin! Pati ba naman tong utak ko kinokontra tong sarili ko! Hay! *sigh* Oo ito ngayon ang latest na balita sa Class namin. Sinabi kanina ng Advicer namin ang planong tutoring sa amin ng Class A, well hindi raw naman talaga tutoring lang ito sa amin but its also an activity for the Class A students titignan daw ng Adviser ng Class A kung ano daw ang outcome nito sa amin at sa mga stidents nito. Sinabi nga ng Advicer namin na pipili raw ang bawat students ng Class A ng magiging partner dito sa Class namin for 2 days. Kaya ito parang palengke lang ang room namin sa sobrang ingay! ang lalandi ng mga girls! mukhang bibig na lang lagi si Xander at Dwyne na kesyo dapat sila raw ang piliin nitong maging partner! At ito pa akala ko lang na mga babae lang ang mga malalandi eh pati yung mga boys rin pala kesyo si Demmy raw ang ganda-ganda tapos ang talitalino na gusto nilang sila raw ang piliin nito at dun sa iba pang mga students na mga babae sa Class A. *sigh* 'Tsk ano ba akala nila na artista ang nandito bukas! wagas lang ang reaksyon nila ah!. Di ko na lang sila pinansin at lumingon na lang ako sa bintana. Maya-maya lang may lumapit sa akin at alam ko na agad kong sino yun. Grabe lang ang radar ko!.. whahhaha "Bessie grabe lang! andito bukas ang students ng Class A! so kung andito sila syempre present si fafa Van mo! bwhahahaha! Im soo excited na!", sabay yugyog sa balikat ko na akala ata nito na stufftoy lang. Sabi ko na nga ba!, sino pa ba ang lalapit sa akin kundi ang bestprend kong bruha. "Aray ko naman! makayugyog sa balikat ko wagas lang eh no! anong akala mo saken stufftoy lang! stufftoy!" pinilosopo ko lang naman siya, eh sa ang sakit kaya nong ginawa niya saken. "Ay sorry na bessie!, akala ko hindi yun masakit", pasmile effect pa nito. "Gusto mo try ko sa balikat mo!, tignan natin kong hindi nga ba masakit!".Pinolosopo ko ulit sa kanya. "Whew! ang highblood ng Lola ko!, teka nagmemenopause ka ba?". Pang-inis pa nito saken. "Tsk anong nagmemenopause ka dyan?" "Eh! bat ba ang high blood mo? hindi ka ba masaya na nandito ang Class A bukas? na nandito si Fafa Van?' panunukso pa nito sa akin. "Eh ano naman ngayon kung nandito yung Mr. Sungit na yon!" sabay iwas tingin sa kanya. "Diba pipili sila ng partner nila satin!, so malaki yung chance na ikaw yung piliin ni Fafa Van as his partner for 2 days!" panunukso ulit nito sa akin.  "Anong chance ka dyan!" "Bessie alam mo anlaki talaga ng chance mo na ikaw yung mapili niya!. Kasi una palang nakasama mo na siya diba! pangalawang pagkakataon na nga diba! Nakasama mo na si Fafa Van ng matagal-tagal kaya anlaki talaga ng chance mo gurl!. Paliwanag pa nito sa akin.. At dahil sa malakas ang pagkakasabi nito ang tendency ay lumingon ang mga classmates namin sa amin at mainly ay mga babae. "Ah ehh.. hahahaha grabe lang yong joke mo bessie! hahaha ako?! nakasama ko siya?! hindi pa no!", taas kilay effect ko naman sa kanya. Parang nagets naman nito yung sinabi ko kaya nakiayon narin ito kung hindi lagot talag to saken!. "Ah ehhehe akala ko lang naman yun!" sabay tawa. Pagkasabi na pagsabi nito ay biglang nawala sa amin ang atensyon ng lahat. Oo sinabi ko sa napakabait kong bestprend na nakasama ko si Xander sa rooftop. Ay dapat di ko na lang sinabi sa kanya. Nakahinga na ako ng mabuti. Hindi naman sa ayaw kong ipaalam sa iba pero ayoko lang makakuha ng atensyon sa ibang mga classmates ko dahil dito. Napag-alaman ko kasi na wala pa talagang nakakalapit ng sobra kay Xander maliban kay Demmy at kay Dwyne na mga Kaklase niya. "Kainis ka! ano ba yang mga sinasabi mo ha!" "Eh diba totoo naman talaga bessie pero sorry nakalimutan ko ayaw mo nga palang ipasabi sa iba!" tugon nito. "Heh! basta wag lang madulas yang bibig mo! pag yan nagsalita pa! lagot ka saken!"  "Opo Nay!" tatawa-tawa pa nito." Pero alam mo bessie sana ikaw na lang mapartner ni Fafa Van pag hindi ako. Kasi don magsisimula ang pagiging close ninyo tapos magiging prends na kayo tapos may iba na siyang mararamdaman para sayo tapos manliligaw siya sayo. Habang wala namang tutol sa inyo kasi botong-boto naman ako sa kanya so wala na talagang problem. Kaya magiging kayo na." paliwanag nito. "Wow palakpakan ang napakapanget na speech ni Samantha! *smirk* , ano yang sinasabi mo na magiging kami! asa naman siya no! at tsaka wagas ka lang maka-daydream no!" sarkastiko kong sabi sa kanya. Aminin mo na rin Iza, gusto mo rin na si Xander yung mapartner mo kesa yung iba niyang classmates. Ang epal lang ko lang eh! pati sarili ko kinokontra ko!. Anobeyen! "Wow rin naman! talagang asa naman siya ha! ang taas lang ng hair ni Lola ah!" "Wow naman! wagas lang kong mag-imagine eh! ano to binubugaw mo na ako sa kanya? ha!" sabi ko naman sa kanya. Nagdadrama effect naman ako."Ay, tsk lubay-lubayan mo nga ako bessie!" inis kong tuon sa kanya. "Hay! sige na nga! ang highblood naman kasi ni Lola! pero pHramis in my beautiful face na bagay talaga kayo ni Fafa Van! bwhahaha" tawa-tawa nito at umalis na rin naman ito agad. Buti naman umalis na rin! ang kulet lang eh! kahit ano na lang yung pinagsasabi! kring * kring * kring* [Lunch break ] Ah ang busog ko na!, Makaalis na nga! Naglalakad na ako ng makita ko si Xander na sobrang lalim ang iniisip. 'Tsk ang gwapo nga niya! ang cute ng mata niya! ng ilong niya! at ang kissable lips niya!.. Erase! earse! ano tong iniisip ko! nagbibigay na ko ng compliment sa kanya ah!.. Erase erase! Makaalis na nga dito. POV- Van [Next Day] "Ano kaya ang mangyayari sa 2 days natin don no?", tanong ni Demmy saming dalawa ni Dwyne. Ito kami ngayon naglalakad patungo sa Class C kasama ko si Demmy at Dwyne.  "Ewan!, di ko rin alam,pwedeng mabore lang tayo dun. Kasi diba wala naman tayo gagawin dun kundi tulungan sila sa iba't-ibang subjects na nahihirapan sila." sagot naman ni Dwyne  " Bahala na nga" , sagot naman ni Demmy rito."Oh Van ba tang tahitahimik mo naman dyan!, baka mapanis yang laway mo! sige ka!", napalingon sakin si Demmy sabay tawa.  "Di ka nasanay dyan kay Van, Demmy!" sagot ulit ni Dwyne na tumatawa na rin. "Nakikinig lang naman ako sa inyo", sagot ko naman sa kanila. Oo nga di na sila nasanay sakin. Sinasabi ng mga classmates ko pati na rin sila Demmy at Dwyne na ang tahitahimik ko daw pati ang sungit-sungit ko raw, tahimik lang naman ako kasi wala naman akong sasabihin tsaka sa tingin ko naman di naman ako ganon kasungit. "Hay! sige na nga!, pero magsalita ka nga minsan! sobra mong tahimik eh!" sabay smile pa ni Demmy. Ngumiti na lang ako sa sinabi niya. "May napili na ba kayong partner sa mga students don sa Class C?", tanong naman samin ni Dwyne. "Ako meron na!" sagot naman agad ni Demmy. "Eh ikaw Van may napili ka na bang partner mo sa Class C?", tanong nito sakin. "Meron na", maikli kong sagot. "Ah mabuti naman at may napili na kayo, ako rin may napili na ako yung class president nila yung kapartner ko eh!", patuloy na pagsasalita ni Dwyne. Nauna na kong naglakad sa kanila. Patuloy parin sa pag-uusap yung dalawa. _______________________________________________ [A/N: Kilala nyo ba kung sino partner niya?] Otor wag ka ng makisali sa POV ko!, tsaka sasabihin ko din naman eh!. _______________________________________________ Oo may napili na akong kapartner for 2 days. FLASHBACK: Tapos na yung klase namin sa hapong ito, sinabi ng Teacher namin na pwede kaming pumunta sa Class C upang tingnan kung sino ang gugustuhin naming maging partner for 2 days. Para sa akin okay lang naman kahit na sino yung maprtner ko kasi wala naman ako kilala don sa Class C. Hindi naman talaga sa wala talagang kilala pero familiar na ako sa mga mukha nila kaya lang di ko alam yung mga names nila. Hindi na sana ako pupunta kung hindi lang ako kinaladkad nitong si Demmy at Dwyne papunta sa Class C. Gusto raw kasi ni Demmy na pumunta roon para makahanap na raw siya ng partner niya tsaka gusto niya raw ay girl. At ito namang si Dwyne ay wala na ring nagawa dahil kinaladkad na rin siya ni Demmy kaya isinama na ako. Wala na akong nagawa kasi naisama na nila akong dalawa. Kasama ang iba pa ko pang mga kaklase ay nagpunta na kami sa Class C. [At Class C] Pagpasok na pagpasok ni Demmy sa room ay bigla itong tumakbo sa isang girl. Habang kami ni Dwyne ay nakatayo lamang sa front door . Grabe wala akong kilala rito ah! Tumingin ako sa paligid, hindi na nakapagtataka ng tumingin ako sa naguumpukang girls na bigla bigla nalang nagtilian. OMG!, tumingin dito si Pres. Van !!!.. Teka he's looking at me kanina!, ako ata yung pipiliin niyang maging partner niya! Hindi!, ako yung tinignan niya!, means ako yung pipiliin niya! Kyaaaahh~ ang gwapo niya talaga Sobrang ingay lang dito sa room. Surely wala sa isa don sa mga girls ang pipiliin kong maging partner ko. I appreciate them for giving me their attention at sa pag-aadmire nila sakin kaya lang minsan sumosobra na ata sila. Kaya nga ayokong maging SSG President kasi nalalantad na pati private life ko. Gusto ko lang naman yung simpleng buhay sa high school. Tumingin ulit ako sa paligid at nakita ko si Demmy na kausap yung dalawang girl,kitang-kita sa kanya na parang naging kaibigan niya yung dalawa , yung isa nyang nilapitan kanina at ang isa namang babae ay ... teka! Parang kilala ko to ah!.. Napalingon ito sa kanya, siguro naramdaman nitong may nakatingin rito kaya napalingon ito sa gawi ko. Kaya ayun nagkatitigan kami, siniko ito nong isang girl na kani-kanina lang ay kausap ni Demmy, abo't-abot ang ngiti nito sa tenga ng tingnan ako. Napansin kong namula siya at umiwas ng tingin sakin, ang cute niyang tingnan. Yung buhok niyang kulot, yung mga mata niya, at higit sa lahat ay yung mukha niya na pagtinitigan mo ay di ka magsasawang titigan. Ano ba yan, sandali ko lang naman siyang natitigan pero grabe lang ako makacompliment. Una ata tong nakapagkomplimento sa isang babae, alam kong maraming magaganda dito sa School kaya lang parang may kakaiba talaga sa kanya na di ko makita sa iba.  Her face is soo familiar to me. Ang siya na sinasabi ko ay walang iba kundi si  POV- Izabelle Bat siya yung pinili ni Pres. Van na maging partner! Bat hindi ako yung pinili niya! Ang swerte niya ano!, tignan niyo magkatabi sila ngayon! nakakainggit lang! whaaaaa~ Pres. Van ako na lang! Bwisit na bwisit na ako ngayon, sino ba naman ang hindi mabwibwisit. Kung makatingin at makapagsalita lang tong mga kaklase kong babae sa akin kulang na lang ay lalapain na ako na ako ng buhay. Ano ba kung ako ang pinili ng sungit na to para maging partner niya! Anong big deal don! Che Iza! aminin! kinikilig ka! Hay ito na naman po ako, sinasapian ng kung ano dahil sa Sungit na to. Nakikipaglaban ako sa sarili ko kung kinikilig ako o hindi! ang adik ko lang! Ang sabihin mo Iza ADIK ka sa kanya! Anong ADIK tong pinagasabi ko!, nakadrugs na ata talaga ako! *iling ng ulo* *iling ng ulo* Wala akong ginawa kundi umiling ng umiling. "What are doing?", biglang may nagsalita yung katabi ko. At syempre sino pa ba yung nagsasalita edi yung pinag-ugatan ng lahat ng ito! ang Mr. Sungit na yon! "H-ha, ah-h e-eh" putik nagsta-stammer pa ako. "I'm doing .. nothing!, wag mo na lang akong pansinin." Yun na lang yung sinabi ko sa kanya at kung sasabihin kko pa kung ano tong mga pinag-iisip ko aypagtawanan pa ako. Kaya Iza tigilan mo na yang pagiging adik mo! Hindi na ulit ito nagsalita pa at di na ako pinansin, ang ginawa lang nito ay nakinig na music using his ipod habang ako ay nakatingin lang sa kanya. Hay Mr. Suplado talaga! pasalamat ka gwapo ka! Nakakainis lang! nong una aaminin kong gusto kong ako yung piliin niyang maging partner kesa iba niyang mga classmates yung pumili sa akin. Pero kung alam ko lang na parang magrurumble dito sa room namin kung ako yung pipiliin niya sana di na lang.  Hohohoh! T.T kawawa naman talaga ako nito mamaya pag alisan na, sigurado akong katakot-takot na intirugasyon ang mangyayari kung bat ako yung pinili bilang partner ni Xander. Iisipin ko pa yung nangyari kanina lagot na ako!.  Napangiwi ako sa naisip. _____________________ FLASHBACK: Lima na lang ang estudyanteng wala pang partner. At ako yun, si Bessie, yung classroom President naming sa Annie at yung dalawa ko pang mga kaklase. Syempre kung lima ang natitira sa amin ganon din yung remaining students sa Class A. Ang natitirang lima ay ang top 5 ng Class A. Sakto ang lahat ng bilang ng mga students kung magpa-partner kasi may policy sa School na dapat lahat ng Classes ay pareho ang bilang ng students na dapat umaabot lang hanggang 36 students per Class. So iyon nga 31 na ang may partner at 5 na lang ang wala. "Pumili na kayong lima kung sino sa kanila ag gusto niyong maging partner?, tugon ng aming guro. "Opo", sabay-sabay silang nagsasalita. Si Demmy na ang naunang pumili sa kanilang lima, di na ako nagtataka kung sino ang napili niya syempre ang best prend ko na si Sam, tumabi na ito rito. Napansin kong naging close sila at napansin ko ding okay naman pala si Demmy, mali yung akala ko sa kanya. Sumunod naman si Dwyne at pinili yung class president namin. Biglang umingay ang mga kaklase kung babae ng mapansing sumunod na si Xander na pumili ng partner. "Van may napili ka na ba?", tanong ng guro namin. "Opo", yun lang ang sinagot nito. Tatlo na lang yung pagpipiliian ni Pres. Van Sino kaya? Grabe lang magsalita eh!, one word one sentence na!. Oo nga pala! wala pa akong partner. Baka ako yung piliin niya! ako na lang sana! Iza napaka mo! adik ka lang talaga! Kinakausap ko na naman ang sarili ko. Bigla akong napayuko. *sigh* Teka bat parang may tumabi sa akin, napalingon ako sa aking kaliwa at yun lang ang aking pagkabigla.. Isang gwapong lalaki ang nakatabi sa akin. "T-teka bat nandito ka?" nahirapan pa ako sa pagsasalita. Siya'y nakatingin lang sa akin na walang kaemo-emosyon ang mukha. "What do you think?", sagot naman nito. Pagkasabi na pagkasabi non at di na ko pinansin. "Tsk!, napakasplado talaga kahit kelan!". Pabulong kong sabi. Di pa rin matatawaran ang mga bulong-bulungan ng mga kaklase ko hanggang nagsimula yung klase kung bakit sa lahat ng studyante ay ako ang napili niya bilang partner. END OF THE FLASHBACK Izabelle .. Lumabas na ako sa room nila. Napangiti ako. May napili na akong magiging partner for tomorrow. POV- Iza Iza ano muxta si Prez Van? Prends na ba kayo? Or close na ba kayo? Tsaka Iza bat ikaw yung pinili ni Prez Van?.. Anong ginawa mo? Natuliling na ang tenga ko!, oh my! PHLEASE!!!!! PHLEASE!! somebody help me! Sabi ko na nga ba eh! ganito talaga ang mangyayari pag-lunch break na! dapat napaghandaan ko na ang ganito. Napaka-echosera lang kasi nitong aking mga kaklaseng babae, aba parang isa akong criminal na isa-isa nilang tinatanong ah!, papano kaya ako makakawala sa kanila nito. Bwisit talaga! gutom pa naman ako, kakainis pa yung ginawa nila kanina sa akin. FLASHBACK: LALALALALAL~ *lakad lakad* "Sam tara ng kumain! gutom na ako!" *pout* Ay wala si Sam at nauna na sa akin. *lakad lakad* Mag-isa na lang akong naglakad ng may humablot sa kamay ko pabalik sa room namin. At iyon nga ang simula ng intirugasyon sa akin. END of the FLASHBACK ___________________________________ "Tsk pinili lang ako ni Xander dahil tatlo na nga lang diba yung natitira. Tsaka wala namang dahilan eh!, paalisin niyo na ako! gutom na ako! Woi classmates!" *pout* "May tatanungin pa kami sayo, maya-maya ka magpunta sa Cafeteria." sagot ng isa kong classmate na babae. " I want sandwich! pakainin niyo ako ng Chicken Sandwich! huhuh! T.T" sigaw ko. Mauubusan na ako nun sa cafeteria eh di pa naman ako nakapagbaon non kasi nagmamadali akong umalis. Ako na walang kamuwang-muwang sa mundong ito ay inaapi lamang! isang gutom na bata! *sigh* Kahit ano na itong aking naiisip dahil sa ako'y gutom na talaga. My Knight in Shining Armor where are thou? iligtas mo na ako! Xander nasaan ka na?. Hay si Sungit ang Knight in Shining Armor ko! imposible! yung SUngit/ Suplado na yon maiisip akong iligtas rito! Wag nyo na lang pansinin ang term kong iligtas! dahil adik ako ngayon! gusto ko ng sandwich! im craving for sandwich! "Excuse me ladies", biglang may nagsalita sa likuran namin.  His voice looks familiar! parang si ---!  Biglang na punta ito sa harapan ko at hinablot ang kamay ko palayo sa kanila. Prez Van! sabay-sabay ang classmates kong girls na nagsalita. Nabigla ata sila dahil nandito si Xander at sa sumunod ginawa nito. Ng malayo na kami sa classroom ay kaladkad pa rin ako nitong si Xander. Hawak pa rin nito ang kamay ko so ang tendency magkaholding hands kami. "Aba makahawak sa kamay ko wagas! may bayad ang paghawak sa kamay ko!" pagkasabi na pagkasabi ko ay binitiwan na nito ang pagkakahawak at tumingin sa akin. "What did you say?" tanong nito. "May bayad ang paghawak sa kamay ko!" taas kilay effect. "Tinulungan kita kanina so dapat ikaw ang magbayad sa akin!" tugon nito. "Aba sinabi ko bang tulungan mo ako ha?! diba hindi! tsaka alam mo napaka gentleman mo no! *smirk*" in sarcastic tone. Di na nito pinansin ang sinabi ko. Hindi na namin napansin na nakaabot na pala kami sa cafeteria. Pumasok na kami roon at nag-order ng pagkain. Nauna maglakad si Xander sa akin so nauna rin itong omorder ng pagkain sa akin. Tapos ang pagkain nito ay nakasupot at teka tatlong sandwich yung binli nito. "Wushoo~ ubos na ang chicken sandwich na gusto ko!kainis nama---" Oorder na sana ako ng ibang pagkain ng bigla na namang hinawakan nito ang kamay ko at hinatak ako palayo ng cafeteria. Mabuti na lang at wala masyadong estduyante sa Cafeteria at walang nakakita sa ginawa ni Xnader sa akin. "Hoy! Xander! san mo ko dadalhin" sigaw ko rito. Napansin kong daan patungong rooftop ang tinatahak namin.  Wala itong imik at hawak-hawak pa rin nito ang kamay ko na sobrang higpit. Teka pangalawang pagkakataon na ng magkaholding hands kami ni Xander! 'Tsk Iza pati yan iniisi mo! napaka mo talaga no!  Ayan kinakausap ko na naman ang sarili ko. Dahil to sa gutom, kainis tong Sungit na to! bibili na sana ako food ko tapos hinablot pa ako papuntang rooftop na napakalayo. Tapos bumili pa siya ng pagkain eh parang siya lang naman ang kakain. "Hoy Mr. Sungit wala ka bang planong tumigil muna sa paglalakad kahit sandali lang!" pasigaw kong sabi sa kanya pero di man lang ako pinansin ng mokong. "Okay fine! ayaw mong magsalita! pag ako di mo papakainin mamaya lagot ka sa akin!", di pa rin ako nito pinansin."Suplado!" Grabe ang suplado talaga kahit ano pang sabihin ko hindi ako pinapansin tapos makahawak kamay napakawagas! hmpf to lalaking to! AFTER 1,000,000,000 CENTURY NAKARATING DIN SA ROOFTOP!! PASENSYA NA KAYO KUNG UBER EXAGGERATED AKO! EH GUTOM ANG BATA EH! I NEED PUD! :/ "Wushoo~ buti at nakarating natayo rito! " napaupo ako sa semento habang siya ay nakatingin sa kalangitan. Ang ganda sa panahon. GEEEEEERRRRFFF~ Ano yung tumunog? Napatingin sa akin si Xander habang ako ay napatingin sa tiyan ko. Ang tiyan ko pala ang narinig naming pareho. Gutom na ako kahit nakakahiya na narinig yun nito eh mas mabuuti na lang isguro para bigyan ako nito ng pagkain!, aba hinatak-hatak pa ako tapos di ako pakakainin! swerte niya ha! "Belle!" bigla nito akong tinawag. Teka Belle ang tawag niya sa akin? pero magandang pakinggan pag siya ang tumatawag. *iling ng ulo* iling ng ulo* gutom lang to. "Ano yan?" bigla nitong hinagis sa akin yong supot na may sandwich. Napatingin lang ako sa supot at sa kanya."Sure ka?, ibibigay mo to sa akin to? tanong ko sa kanya. "Yeah" yon lang ang sinabi nito. Napaupo ito sa tabi ko, nakinig ito ng music habang kumain. "OMO it's my favorite chicken sandwich!"  "Mabait ka naman pala kahit minsan ang sungit mo at ang suplado, salamat" napangiti ako. Nagsalita nga ako ng ganito ah di naman niya naririnig kasi nakikinig siya ng music , natawa na ako dahil kung kaylan ako nagkomlimento sa kanya eh di naman niya naririnig. Adik talaga ako ngayong araw na to! anraming nangyaring kamalasan pero naging mganda rin naman kalaunan, nakasama ko siya at siya ang nagsilbing Knight in shinig armor ko ngayong araw na ito kahit sabihing ang sungit niya at suplado, kahit na wala siya dalang armor at espada. Si Van Xander Manzanar. END OF THE FLASHBACK
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD