The Label

293 Words
The Label __________ Kapag nasa last section ang isang estudyante, ang maiisip agad ay: bobo, walang alam, mahina ang utak o mangmang, masama ang ugali, pala-absent o nagcu-cutting classes, at laging laman ng guidance office. Yun ba'ng pumapasok sa school na amoy usok ng sigarilyo, lalaki na may hikaw sa tainga o sa dila, mahaba o magulo ang buhok, hindi naka-uniform, at nakatupi ang pants na parang tatawid sa ilog. Yung estudyanteng may dalang back pack pero iisa lang naman ang dalang notebook at ballpen na palaging nawawala, kaya nambuburaot sa klase. Yung palaging nagpapaalam umihi pero didiretso na pala sa canteen. Halos lahat na yata ng negatibong pag-uugali ng isang estudyante ay ibinabato na lahat sa mga nasa last section. Kaya naman marami ng umiiwas sa kanila, dahil naroon ang lahat ng ‘hindi matitinong’ estudyante. Ang sabi pa nga ng ilan ay mas mabuti pang tumigil sa paga-aral, huwag lang mapunta sa last section. Palaging mas mataas ang tingin sa mga nasa Pilot section, ang pinaka-ideal sa lahat, dahil narito raw ang mga matitino, mababait, maggaalang, masisipag, at higit sa lahat MATATALINO. Hindi na natin nabibigyang halaga ang iba, lalo na ‘sila’, kaya masisisi ba natin kung bakit mas pinili nilang mag-rebelde? Kung ipinamumukha natin na wala silang silbi? Sino nga ba ang may mali? __________ [Viraelle Academy’s Official f*******: Page] Good day, our dearest students! Our school's Vision is to be the leading institution that shapes leaders of excellence, character, and integrity. It is our Mission to provide holistic, quality education that nurture intellect, discipline, while upholding the values of respect, service, and truth. In Viraelle Academy, excellence is our STANDARD and character is our FOUNDATION. WELCOME TO VIRAELLE ACADEMY! __________ mrylnsii
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD