*** JEFFRY *** Pangalawang araw na niya ngayon sa Surigao. Tahimik pa ang paligid nang siya'y nagising dahil sa malakas na pagtilaok ng manok ni Kuya Teodoro na nakatali sa paanan ng puno nh Kalachuchi na nakatayo malapit lamang sa kanyang silid. Nang silipin niya ang bintana ay malapit nang magliwanag saktong-sakto para sa mga nais mag-jogging ng ganitong oras. Tumayo siya at isinuot ang kanyang puting sando na kanyang isinabit sa likod ng pinto. Nakagawian na kasi niyang matulog nang nakahubad-baro tuwing nasa probinsya dahil walang aircon ang mga silid sa bahay. Maliit na electric fan lamang din ang nakatayo sa mesang nasa tabi ng kanyang higaan na sakto lamang na pambugaw ng lamok. Gayun pa man, ang malamig at preskong simoy hangin sa gabi hanggang madaling araw ang pinakapaborito ni

