“Alam mo ba iyong ka-date ko kagabi, grabe ang tindi! Lakas manuklaw kahit umiinom pa lang kami. Lalo na no'ng nasa hotel na kami, ang galawan niya, s**t! Pinagod ako nang husto pero sulit!” pagmamalaki pa ni Jeffry sa kan'ya habang kausap niya ito ngayon sa kanyang condo unit. Day off niya at wala rin itong pasok kaya binisita siya nito gaya ng lagi na nitong ginagawa. Ganito talaga ito tuwing nagkikita silang muli lalo na kung umabot ng isa o ilang linggo silang hindi nagkasama. Ikinukwento nito sa kan’ya ang mga pangyayari sa gabing kasama nito ang mga babaeng ikinama nito na malugod naman niyang pinakikinggan maliban na lamang ngayon kung saan wala sa koordinaryon ang kanyang sarili. Kung anu-ano pa ang mga sinabi nito sa kan’ya ngunit sa kamalasan nito’y iilan lamang sa mga iyon ang

