Chapter 02

1610 Words
Pupunta kami ngayon sa San Agustin Church sa Intramuros, bigla kasing nagyaya si Criza, first time nga eh kadalasan kasing nagyayaya magsimba ay si Naomi and me. Hihingi daw kasi siya ng sign kay Papa God ewan ko ba dun may sakit ata joke. Ako nga sana yung magyayaya eh naunahan niya lang ako, kaylangan ko rin kasing magdasal, pagdadasal ko na sana maging maayos yung internet namin sa Wednesday, para makausap ko ng maayos si Daewon. Di ko pa nga alam kung paano ko siya kakausapin eh, baka kasi matulala na lang ako bigla pag nag pop up siya sa screen ng phone ko AHHHH ano ng gagawin ko? Yung kay Aiden naisip ko na eh, bat pag dating kay Won wala akong maisip, nakakahiya naman kung siya pa yung magbubuhat ng conversation namin for 2 minutes... pero kung gusto niya why not. . . . "Ano nga palang sign hihingiin mo Crizz? sign kung babalikan mo pa yung ex mo?" natatawang tanong ni Addie, kaya tinitigan siya ng masama ni Criza na para bang kinakain na siya nito ng buhay. Natawa na lang kami ni Naomi sakanila, madalas talaga silang ganyan paano ba naman yung isa pikon tapos yung isa mapang-asar. "Pero di nga Crizz anong sign yung hihihingiin mo?" tanong ni Naomi, naglalakad na kami ngayon papunta sa sakayan ng jeep. Sandaling natahimik si Criza bago niya sagutin yung tanong ni Naomi. "Feeling ko kasi parang ayaw ko ng mag flight attendant" napahinto kaming tatlo sa paglalakad dahil sa sinabi niya. "What do you mean Crizz? simula bata palang tayo gustong-gusto mo ng mag flight attendant, I know you have your reasons..." I said nabigla kasi ako, why so sudden? she loves the skies, she really do. "Yun kasi yung nafefeel ko parang gusto ko ng bitawan yung pag-fflight attendant ko, that's why I need a sign... kung bibitawan ko na ba or hahawakan ko pa." paliwanag niya, alam kong may mas malalim pang rason dun pero kung di pa siya handang sabihin ngayon okay lang, I'll just wait for the right time. "Fine... basta lagi mong tandaan nandito lang kami susuportahan namin kung ano talaga yung gusto mo." sabi ni Naomi habang tinatapik yung balikat ni Crizz. Napatango na lang kami ni Addie sa sinabi niya. . . . . . We're here na in Church, tapos na yung misa kaya dumeretso na lang kami sa loob then lumuhod kami para mag-pray. Naunang tumayo sa amin si Naomi and Addie, tapos sunod ako. Sinenyasan ko yung dalawa na mauna na, gusto ko kasing makausap si Crizz, nandito ako naghihintay sa may pintuan ng simbahan. . The view here is really nice, kaya gustong-gusto ko dito, masarap din yung hangin dito lalo na sa gabi, dito kami lagi nagsisimbang gabi kasi dito ako nagyayaya well I really like this place a lot, I don't know parang attached lang ako sa lugar na to... pero mas gusto ko talaga sa San Diego Gardens. Ang ganda dun sobra, kung ikakasal ako doon ko gustong magpakasal, mahilig kasi talaga ako sa mga halaman pero never ko pa natry mag-tanim... Sunflower yung favourite kong flower, they're cute kasi may mga maliliit tapos may mga sobrang laki mas malaki pa sa mukha ko. . . . "You're here pa pala, akala ko iniwan niyo--- where's Naomi and Addie???" "Pinauna ko na sila, but i think nasa starbucks pa sila... alam mo naman yung dalawang yun." napatango naman siya sa sinabi ko. "Uwi na tayo." yaya ni Crizz pero pinigilan ko siya. "Let's talk." magsasalita pa sana siya kaso hinila ko na siya sa may sakayan ng tricycle. . . . . Bumaba kami sa may Jollibee, syempre kahit 21 years old na ako di ko parin ipagpapalit si Jabee nuh. Kami lang ni Criza yung nagkakasundo sa Jollibee yung dalawa kasi Mcdo gusto nun. Umorder ako ng dalawang burger steak, isang soup, at dalawang coke float. Yun lang muna ang kaya ko sa ngayon, marami pa kasi akong order ehehehe. Alam niyo na baka mag sabay sabay sila ng dating , you know some of my order kasi is Cash on delivery. Pagkatapos kong unorder sa counter naghanap na kami ng seats, since niluluto pa lang naman yung foods namin I'll talk to her na. . . . . "So... why? why did you decided to let go of your dream? why do you want to give up on being flight attendant? training na lang yung kulang sayo Crizz magiging flight attendant ka na." sabi ko, nakita ko naman sa mga mata niya na nag aalangan pa siyang sumagot, di ko na kasi mapigilan eh, my curiosity is killing me. Kasi di naman niya ilelet-go yan ng ganun ganun na lang. . "I guess, I want to be an Idol... I want to be a solo artist." sabi niya, tapos bigla siyang yumuko, yung para bang hinahantay niya na yung sermon ng nanay niya, HAHAHA cute. . "Sure ka ba dyan? It takes many years for you to be came an Idol... Alam mo naman na mahirap maging trainee diba. Wala kang kasiguraduhan... di mo alam kung magiging idol ka ba or hanggang trainee ka na lang talaga..." sabi ko at tumango-tango naman siya. . "I know I just want to try..." sabi niya pero nakayuko parin siya. . "Nasabi mo na ba to kila Tita? kasi kami wala naman kaming problema dyan basta di ka magsisi sa huli, you know kahit ano pang gusto mo susuportahan ka lang namin... kahit gusto mo pang maging kriminal susuportahan ka parin namin, that's what friends are right? supporting each other even at your worst... kaya wag kang mag aalangan mag sabi samin Crizz we're always by your side..." ngumiti ako sakanya kasi this time di na siya naka yuko nakatingin na siya sakin, ngumiti naman siya pabalik. . "I'll tell Mom and Dad sooner." ngumiti uli siya sakin, this time di na siya nag aalangan. . "Ay dzaiii, may mga alam akong company na pwede mong pag-auditionan." nakita kong lalong lumaki ang ngiti niya ng sinabi ko yun. . "Sa BLT Entertainment maganda dun, mababait yung mga trainors di katulad sa ibang company... pero dito ka lang sa pinas ah... may company yung BLT dito sa pinas." nag-pout ako baka gumana cute effect ko, natawa naman siya. Sa ganda kong to pagtatawanan lang ako ng isang Criza Jeong. . "Let's see. Di natin alam ang mangyayari in the future Elle." sabi niya, kasabay nun ang pagdating ng pagkain namin... Hay salamat kanina pa kaya ako gutom na gutom ehehhehe. . . . . . Pagkatapos naming kumain chinat ko agad si Naomi kasi mabilis mag reply yun saka maganda kausap di tulad ni Addie, katulad nalang pag tinanong ko kung asan siya sasabihin nun 'Ewan' o dba panget kausap... tinanong ko si Naomi kung nasaan sila, sagot naman niya nasa starbucks near San Agustin Church which is yung Starbucks sa may General Luna st. sabi ko sakanya pupunta kami doon ni Crizz para sabay sabay na kaming uuwi. . . . . Pagkadating namin dun ni Crizz nakita namin yung dalawa may kausap na dalawang lalaki, hinihingi ata number nila kasi inaabot nung isang lalaki yung phone niya kay Naomi tas yung isa naman kay Addie. Agad kaming lumapit ni Crizz sakanila. Ay shuta may itsura silang dalawa kaya pala di matanggihan nitong dalawa. . . "Bat nandito na kayo? nako mag baback-out samin yang dalawa kasi nakita kayo." sabi ni Addie napatingin naman samin ni Crizz yung dalawang lalaki, jusko ka naman Addie alam ko namang maganda ako pero kahit gwapo yan loyal parin ako kay Won nuh, kaya no thanks. "Baliw to, di naman siguro magbaback-out mga yan saka taken na naman ako kaya sayang lang oras nila sakin." sabi ko, kaya lumihis na ng tingin yung dalawa. "Taken din ako pero ayaw nila maniwala." sabi naman ni Naomi, hays eto talagang babaeng to satingin ko tatandang mag-isa iwas na iwas sa lalaki jusko, dati ang dahilan niyan study first eh ngayon di niya na madahilan naka graduate na kasi HAHAHA. "Number ko nalang ibibigay ko." bago pa maibigay ni Addie yung number niya hinila ko na siya papaalis sa starbucks sumunod lang yung dalawa samin, kahit kaylan talaga tong babaeng to napaka harot, pero hanggang harot lang naman kasi takot sa commitment... "Bat mo ko hinila sayang naman yung bago kong pangarap dun." nakasimangot niyang sabi. . . . "Pangarap... jusko dami mo ng pangarap wag mo ng dagdagan." taas kilay kong sabi. "Tss dati kasundo kita sa pogi eh ano ng nangyare teh?" sabi niya sabay irap, cute talaga nito sapakin. "Dati may line ka pa pag nakakakita ng pogi tas ngayon wala na..." di parin siya tapos shuta. "Oo nga nuh anong line nga uli yun?" sabat naman ni Crizz, nakisali pa nga. . . "Uyyy another dream to reach!!!" sabay-sabay nilang sabi sabay tawa, ano ba tong mga to di maka move on dun, lahat ng tao nagbabago. "Miss na namin yung line na yun Elle." siniko ako ni Naomi. . . . "You know magaganda kasi taste mo sa mens, kaya pag sinabi mo yung line na yun alam na namin na ideal man talaga yung nakita mo." sabi uli na Naomi, bakit nga ba di ko na sinasabi yun? Before kasi once na may dumaang gwapo or may makasalubong kami, sinasabi ko talaga yung line na yun. Pero ngayon, isa na lang yung pangarap ko. The man that i always call my dream, the man na pangalan niya yung isasagot ko kapag tinanong ako kung anong pangarap ko, the dream that I'll never reach, Lee Daewon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD