Naging emosyonal ang pamamaalam ni Sava sa kaniyang pamilya bago siya umalis ng kanilang bahay. Kailangan niyang lumuwas ng siudad upang makapagtapos ng pag-aaral.
Tiyahin niyang si Asuncion ang kasama niyang lumuwas sa siudad.“ Ate, mag-iingat ka don ah? Tumawag ka sa amin palagi ah?“ inosenteng bilin ng nakakabata niyang kapatid at sabay siyang niyakap nito.
“ Oo naman, Andeng pangako iyan ni Ate. Alagaan mo sina inay at itay ah? Wag matigas ang ulo. Sana pag-uwi ko dito ay marami ng medalya ang nakasabit sa bubong natin ah?"
Labag man sa kalooban ni Sava ang lumayo sa piling ng mga magulang niya ay wala siyang magawa dahil kailangan niyang makatungtong ng kolehiyo para matulungan ang kaniyang pamilya. Ang kaniyang ama ay isang bulag samantalang ang kaniyang ina ay isang labandera.
Tatlo silang magkapatid at siya ang panganay. Hindi kasya ang kita ng inay niya sa paglalabada upang mapaaral siya sa kolehiyo mabuti na lamang at naghanap ng working student ang amo ng tiyahin niya sa siudad.
“ Inay, mag-iingat po kayo dito ah? Alagaan niyo po ng mabuti si itay, inay. Pangako sa pagbalik ko dito ay nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Iyong maintenance na gamot ni Itay wag niyong kalimutang ipainom sa kaniya," parang sasabog na sa sakit ang pus0 niya.
“ Oo anak, mag-iingat ka rin doon at ako na ang bahala sa itay at kapatid mo basta mag-aral ka ng mabuti dun."
Niyakap niya ito ng mahigpit. “ Mahal na mahal ko kayo inay," humihikbing sambit nito sa kaniyang ina. Niyakap rin nito ang kaniyang itay. “ Babalik ako papa, pangako iyan!”mariing sambit nito.
“ O sige na tama na ang iyakan na iyan, umalis na tayo baka maiwanan tayo ng bus." Singit ng tiyahin niya. Agad na kumalas sa pagkakayakap si Sava at sabay na pinahiran ang luha sa mga mata niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at sabay na dinampot ang kaniyang bag kung saan naroon ang mga damit niya.
Dahan-dahang inihakbang nito ang kaniyang mga paa habang panay ang paglingon nito sa kaniyang pamilya. May naghihintay na tricycle sa kanila sa unahan. “ Sa ginawa mong iyan, Sava ay mas lalo mong sinasaktan ang sarili mo.“
“ Sorry po tita,“ matipid na sagot nito sa tiyahin niya. Kumaway-kaway sa kaniya ang mga ito.
Taas noo'ng naglakad si Sava papunta sa kinaroroonan ng tricycle. Medyo hindi na niya makita ang kanilang bahay. Dahan-dahang pumasok si Sava sa loob ng tricycle at agad namang sumunod ang tiyahin niya sa kaniya.
Mga ilang sandali ay umandar na ang sinasakyan nilang tricycle. “ Kaya ko ito, para sa kanila,“sambit nito sa kaniyang isipan. May hawak-hawak itong rossary. Ipinikit ni Sava ang kaniyang mga mata, at taas kilay siyang pinagmasdan ng kaniyang tiyahin.
“ Wag na wag mong sisirain ang tiwala ko sayo, Sava. Wag ka munang pumasok sa isang relasyon dahil sa huli ay masasaktan kalang. Pag-aaral muna ang atupagin mo, okay?"
Marahang idinilat ni Sava ang kanan niyang mata. Hindi siya umimik sa tiyahin niya at patuloy siyang nagdarasal. “ Ano ba iyong dinasal mo, Sav?" Seryosong tanong nito sa kaniya.
“ Secret po, tita,"maikling sagot niya dito kaya't bakas sa mukha ng tiyahin niya ang inis sa kaniya ngunit hindi lamang niya ito tinapon ng tingin.
Nakadalawang sakay sila bago makarating sa mansyon ng mga Villares, ang amo ng tiyahin niya. At agad silang huminto sa tapat ng malaking gate kung nasaan. Namangha si Sava nang makita niya ang nagtataasang mga gusali. Kaagad na lumabas ng traysikel sina Sava at ang tiyahin niya. Dali-dali niya ang malaking backpack niya.
Agad silang nagdoorbell at mga ilang sandali ay pinagbuksan sila ng gate nito.“ Nakabalik kana pala, Manang Asunsion," gulat na bungad nito sa kaniya.
“ Ang amo natin nandiyan ba?" Seryosong tanong nito sa kasama niya.
“ They are on vacations, Asun. Eh bukas pa ang iyo ng mga iyon?"
“ Oo nga pala, siya ang pamangkin kong si Sav. Naghahanap kasi si maam ng working student kaya inireto ko ang pamangkin ko.“ pakilala ng tiyahin nito sa kasamahan.
Ngumiti si Sav. “ Nice to meet you po, Manang.“ nakangiting bati ni Sav dito. Ngumiti din sa kaniya pabalik.
“ Ang ganda-ganda mo, Sav. Oh siya pumasok na kayo. Ipaghahanda ko kayo ng makakain," aya nito sa kanila. At agad na pumasok ang magtiyahin sa loob ng mansyon.
“ Oo nga pala, si Sir Cabel po sumama sa mommy't daddy niya sa pagbabakasyon?“seryosong tanong ng tiyahin niya sa kasamahan.
“ Ayaw ni Young Master na makihalubilo sa ibang tao kaya't nagkukulong siya sa loob ng kwarto niya.“ sagot nito sa kaniya. Lingid sa kaalam ng tiyahin na ang anak ng kanilang amo ay minsan lang nila ito nakakasalamuha.
Hindi nila alam kung bakit ayaw nitong makihalubilo sa mga tao tila isa itong bampira kasi sa gabi lang ito lumalabas. Di nila alam kung problema ba ito.
Sabay na umupo sina Sav at ang tiyahin niya sa magara at mamahaling sopa. “ Ang lambot,“bulong ni Sav sa kaniyang isipan at sabay na nagdekwatrong upo habang nakapatong ang mga paa.
Sinamaan siya ng tingin ng tiyahin niya kaya't umayos siya ng upo kaya agad siyang umayos sa pagkakaupo. “ Umayos ka, Sav kasi ako ang mapapagalitan sa mga ikinikilos mo." pabulong na singhal ng tiyahin niya sa kaniya.
Naiihi si Sav kaya dali-dali itong tumayo. “ A-anong nangyayari sayo?“taas kilay na tanong ng tiyahin niya.
“ Naiihi po ako, tita. Saan po ang comfort room nila dito?“
“ Kumaliwa ka diyan, tapos makikita mo kaagad 'yung comfort room.“ sambit nito sa kaniya habang nakaturo ang hinlalaki nito sa gawi ng comfort room. Agad na kumaripas ng takbo si Sav papunta sa comfort room.
Ilang minuto din bago niya nahanap ang comfort room. Ngunit papasok na sana nang biglang may humila sa kaniya.
Isinandal siya nito sa pader. Hindi siya masyadong maaninag ang mukha nito dahil nakasuot ito ng mask at nakasuot ng hoodie jacket na kulay itim.
“ S-sino ka?“nauutal na tanong ni Sav dito ngunit tinitigan lamang siya nito kaya't nanginginig siya sa takot.
“ Trespassing!“mahinang bulong nito sa tenga niya.
“ Alam mo ba kung ano kahihinatnan ng mga taong trespassing sa bahay na ito?“ malamig na sambit nito sa kaniya kaya mas lalong nanginig sa takot si Sav. Natatakot siya sa mga possibleng mangyari sa kaniya.
Iihi lang naman sana siya halos sumabog na ang pantog niya ngunit sa takot ay hindi niya ito maramdaman. “ W-wag mo akong sasaktan,“maluha-luhang pagmamakaawa ni Sav dito ngunit ngumisi lamang ito sa kaniya at sabay siyang binitawan.
“ Young master, Wag niyo pong sasaktan ang pamangkin ko.” biglang sumulpot sa likod nila ang tiyahin ni Sav.
Walang ekspresyon ang mukha nito. At nilampasan lamang nito ang tiyahin niya. Agad itong umakyat sa kwarto niya.
“ Okay kalang, Sav?“nag-alalang tanong ng tiyahin nito sa kaniya, tumango-tango si Sav dahil ume-echo ang bawat salita na binitawan nito sa kaniya.
“ Sige, umihi kana dun baka magkasakit kapa,“
“ Wag kang mag-alala hindi ka nun sasaktan. Ganyan lang talaga si Young Master sa mga bagong salta sa mansyon nila.“
Agad na pumasok si Sav sa loob ng comfort room. Habang nasa loob siya ng kubeta ay hindi niya maiwasang mag-over think sa anak ng amo niya. Saglit siyang napaisip. Nag-alala siya sa kahihinatnan niya sa loob ng mansyon.
Paano kung isa siya sa mga pagtri-tripan nito? Iniisip palang niya ay pinagpawisan na siya sa takot.