Point of view Agatha Morgan

1620 Words
Dahil sa ginawa ng mabuti kong pinsang adik. Hindi na ata alam ang respeto sa sarili nito. Kaya ayun sa ayaw ko talagang patulan siya, tanging nagawa ko na lamang ang puntahan at bisitahin ang kanyang mga magulang, which means na kapag ako ay sobra na iritable sa pinsan kong adik, bumibisita ako ng walang ni "hi at eow". Ibig sabihin nito kabisado na ako ng mga kamag-anak ko. Hindi ako bibisita sa kanilang tahanan, kung wala akong sadya sa kanila. At ngayon narito na ako sa harap ng malaking bahay. Tanging nakikita ko lamang ang security guard na nakabantay sa labas. Habang ako ay sakay ng aking sasakyan na Ferrari F40 kulay nito ay gray. Gusto kasi ganito ang sasakyan ko para maaliwalas ang dating ko at tsaka mas astig sa paningin ng mga kakilala at ibang tao. Ibang klase ang taste ko, kumpara sa aking pinsang adik na ang akala gandang ganda na siya sa sarili. Eh mas hamak naman mas maganda iyong secretary ng ex niya at may breeding mix. Keysa sa pinsan kong adik, kulang na lang eh, mukhang espasol sa dami ba naman na kulorete sa mukha. Malamang mapagkamalan na sabuyan ng gatas na powder. Bwahahahaha. Ang harsh ko, ba! Tama lang iyon sa kanya. Ang arte-arte niya gandang-ganda sa sarili. Pwe hindi ko lang alam. Kung ang mga tao na nakakilala sa kanya na pinagsabihan ng tingin-tingin din pag may taym. Kasi sa pananamit niya na suot-suot eh parang kinulang ng tela. Pag umupo na kita na ang kanyang korona na pinaka tago-tago. Hay naku! Bakit may lintek na adik akong pinsan siya pa? {malamang parehas lang kayo may something na dalwa. hihihi, jokes lang ah} Isa ka pa, ms. Otori hilig mong sumingit sa point of view ko. Ano ba kayo ms. Otori saw-sawan ba kayo? {Anong pinagsasabi mong saw-sawan? Ano ako si toyo mansi?} Kayo na po, ang nagsabi niyan. Hindi ako! Hahahahaha Tsaka hwag na kayo kasi sumali sa point of view namin. Nakaka umay kayo, eh dapat pinatatapos niyo ako sa sinasabi at makausap ko na din ang mga parent ng pinsan kong adik. Para maipatokhang sa mga lespu. Para matahimik ang buhay ng bff ko. At matuloy na ang paglago ng ekonomiya sa pag-sasama na dalawang businessman na parehong inlababo sa isat-isa. Kaya nga! Gusto ko magkaroon sila ng happy na lab lafy kahit wala ako. Basta masaya ang bff ko at matahimik din ang buhay ko. Kapag andyan ang disaster niyang ex girlfriend na adik. Malamang magulo din ang buhay ko. Damay sa mga ginagawang kabaliwan ng pinsan kong adik sa aking bff. Kaya nga eto ako, nasa harapan ng bahay nang pinsan kong adik si Julienne So. Opo. Isang asyano at may lahi kaming tsekwa. Alam ko magtatanung kayo sa akin. Dahil hindi naman kamukha ko ang pinsan na adik. Sa totoo lang din po. Nagtatanung din ako sa aking sarili. Paano ko naging pinsan na adik. Sa itsura malayong-malayo na sa isat-isa. Dahil isa akong isang dyosa. Samantala siya ay dyosa ng mga syokoy. Dahil sa laki ng mga mata na bilugan animoy isang huwad na kalahi namin at hindi mukhang singkit at hindi katulad kulang sa tulog ang mga mata, ika nga ng mga nakaka kilala tantalizing eyes daw po ang mata ko. Samantalang sa pinsan kong adik ay bilugan at malalaking mata nito, animoy parang bola ng jackstone lang. Hahahaha Sayang lang ang effort ng babaitang pinsan na adik magkolerete at lagyan ng eye liner para maging isang tsekwa na kagaya ko. Kaya lang ang panget ng hitsura nito, kapag pinagtabi kami. Bumabaliktad ang sikmura ko. Kapag nagkakasama kami dalawa. Ewan ko, mainit talaga ang dugo ko dyan. Dati na siguro. Habang ginagawa pa lang siguro siya ng mga Aunties ko at Uncle sa kanilang honeymoon ayun. Ako ayoko na parang may something na hindi pwede magkasama sa isang lugar. Pareho kasi kaming sasabog sa loob kapag pinagtabi mo kami. Kaya ayan, iwas na ako nuon pa man bata pa lang kami dalawa. So balik, tayo sa parent niya. Andito na ko sa loob ng bahay ng pinsan ko. Nakita ko ang iilang mga maids na abala sila sa mga gawain. Mukhang may magaganap na kasiyahan sa loob ng mansyon ng mga So. Habang papalapit ako sa sala ng mga So, nakikita ko ang matandang si Yaya Rosita na may dalang tray, at may dalang juice na mango. Nagmula sa ikalawang palapag ng bahay. Pababa at kasunod nito ang mga binata na sina Janus at Jazz sa mga oras na iyon. Batid kong nagpadala ng maiinom ang nakakatandang kapatid sa yaya nito na palaging naroon sa loob ng kwarto bihira lamang lumabas at makisalamuha sa ibang tao. "iha na padalaw ka." wika ng matanda kay Agatha. "Napadaan ka ba, dahil may ginawa na naman ang aming kapatid sa iyo?" Tanong ni Janus na kasing edad lamang nito ng dalaga. "oh, baka naman namiss mo lang ang bahay at gusto mo, dito ka na lang ulit tumira, mas okay iyon. Makakasama mo kami at lalo na iyong kaaway mong mortal, hahaha" sabat ng isang binata na nagmula sa ikalawang palapag. Habang nagka-kanya ng salita ang mga tao sa sala. Nakita ni Aga ang isang hindi pamilyar sa kanyang paningin na bumababa galing sa ikalawang palapag. Animoy may isang anghel na nakikisawsaw sa usapan ng magpipinsan na mga oras na iyon. Batid nitong bisita lamang ang kaharap ni Aga sa mga oras na iyon. Nais niyang bigwasan ang lalaking kaharap niya at umagaw ng eksena na mga tao naroon sa sala. Sa isip ng dalaga, ang "sarap ingudngud sa mapulang semento ng sahig ang lalaking kaharap ko, animoy close sa pakikipag-usap sa aming naroon at hindi niya ugali ang magpasintabi man lang. hmp". Dahil sa nakabusangot na ang dalaga sa mga oras na iyon. Tumigil na ang binata sa kapaparinig nito sa dalaga si Agatha. Batid nito ang ugali nito nun panahon na sila ay mga nasa high school pa lamang na bukod sa pagiging masungit nito, pikon din ito sa mga pang-aalaska ng iilang mga kaibigan malapit sa dalaga. Alam niyang makakatikim siya sa oras na ito ay pikunin ng todo. "Yaya Rosita ang amo po ninyong tunay asan po?" Tanong ng dalaga sa dating yaya nito. "Parating na iyon, galing sa business trip. Maya-maya andito na ang mga auntie at uncle mo. May kailangan ka ba." Yaya Rosita. "Opo. Tsaka nga pala may itatanung po ako sa inyo. Sino po ba ang ulupong na nasa harap ko?" Agatha. Biglang natawa ang matanda sa sinabi ng dating alaga nito. Bilang sa pagiging taklesa at pikon ng dalaga sa mga tinuran ng binata kanina, Habang inaalala ng matanda ang mga pinagsasabi nito. Alam kasi ng matanda na hindi na naalala ang dating kababata. Kaya natawa ito sa itinawag ng dating alaga. "Yaya naman, mukhang natawa ka pa sa sinabi ko. Ang tanong ko lamang naman sa iyo, kung nakikilala po ninyo ang ulupong na feeling close sa usapan dito." Agatha. "Bakit hindi mo na lang itanung sa kanya, para naman magkakilala kayo. At tsaka hwag kang mag-alala hindi yan manglilingkis sa tulad mo, alam niya ang gagawin sa oras na hindi mo magustuhan ang sagot niya. Oh, siya maiwan ko na kayo. Marami pa akong gagawin sa loob ng kusina, malapit ng dumating ang Amo kong tunay na hinihintay mo." Yaya Rosita nag paalam ito sa dalaga habang naiwan sa sala ang magkapatid na sina Janus at Jazz kasama ang binatang kababata nito. Tila nagpapakiramdaman ang mga tao sa sala ng mga oras na iniwan sila ng Yaya Rosita nila. Alam ng tatlong lalaki na kaiba ang kanilang bisita ng mga sandaling iyon. Batid nilang barado sila kapag nagsalita isa man sa pagbubukas ng usapan. Kaya tanging nagkanya-kanya na lamang kalikot ng kani-kanilang celphone upang mabaling nito ang atensyon. Ayaw nilang mabara ng dalaga sa mga oras habang nasa sala silang apat. Mga 45 minutes na ang nakalipas at dumating na ang hinihintay ng dalaga si Aga ang mga Auntie at Uncle nito mga magulang ng kanyang mga pinsan. "Kaya pala aligaga ang lahat ng mga maids dito sa bahay ay galing pala ng business trip at ngayon ang dating nito. Alam ko kasi bakit ganito ang mga ikinikilos ng iilang katulong sa loob ng mansyon. Dahil sa kanilang chief of staff ay mala hitler ang pag-uugali nito at mahigpit pagdating sa kalinisan ng loob ng kabahayan. Ibig sabihin isang strikto sa mga tauhan nito." Hindi nakakapagtaka na ang iilang mga maids dito ay parang mga sundalo lahat ay parang nasa loob ka lamang ng campo ng mga sundalo. Lahat ay di numero ang bawat kilos nito ng iilang kasambahay ng mga So. [♡♡♡Manang: sa lahat ng mga mambabasa ng story na ito. Sana'y inyo pong isama sa library ninyo at kung may makita na wrong typos. Ipagpaumanhin po nawa ninyo sa cellphone lamang gumagawa ng kwento sa buhay ni Marko Chi. At maraming thank you po sa lahat ng nagbabasa. God bless us...]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD