Agatha Morgan

1137 Words
Siraulo talaga ang babaitang pinsan kong iyon. Siguro nakahithit ng tsongki ang walang modong pinsan. Ang sarap talaga ipatokhang ng loka-loka kong pinsan. Aka abnormal siya ang pinsan kong, akala yayamanin sa dinadala na dibdib. Kung hindi ko lang alam eh ipinagawa niya lamang sa ibang bansa. Ang akala mo naman gandang-ganda sa sarili. Kung hindi ko pa nalaman sa mga pinsan kong adik eh maiinsecure na ako sa kanya. Pwes, hindi ako kagaya niya. Kulang magpapansin sa harap ng madlang pipol para masulyapan ang mga retokada niyang pangangatawan. Ibahin niya ako. Kahit may pagka-lokresya minsan ako. At least umaamin sa mga ginagawa. Hindi katulad diyan sa mga tao na akala mo eh nakaka-angat na sila. Huwag kayong mataas minsan ha. Masakit ang bumagsak sa lupa. Dahil ako mas gusto ko pa din ang katawan na ito. Kung ano ibinigay ni Lord, eh tanggapin ng ayon sa bukal ng konsensiya mo. Huwag kayo bastos sa nagbigay sa inyo. (Bato-bato sa langit. Ang tamaan sapul.) Ewan ko ba sa pinsang kong adik na "yon kung bakit nagpadagdag pa siya eh alam ko mas malaki na nga ang dala-dala niyang monay eh mas gusto pang palakihan. Para ano maging papaya, papaya talaga na umaalog-alog. Tse! Panget talaga tingnan kapag ganun kalaki si papaya niya. Hm... Bus*t, gusto lang niya mapansin ng aking bff na may nabago na sa kanya. At sa mga lalaking rarampa ng panahon na nagkaroon ng fashion show. At isa dun na rarampa sa nasabing fashion show ng mga bikini at brief ang dating kasintahan sa katauhan ng aking bff. "hmm" sabay smirked ng dalaga. Kung alam ng aking pinsan na bobita na hindi siya mapapansin ng aking bff. Dahil abala ito sa kanyang bagong love life. Kung nasusundan niyo po sa una, malamang kilala niyo na po. Kung sino ang lalaking nagpapatibok sa aking bff na pasaway. Iyan po ang code name ko sa bff ko. Ang hilig po nun na dyowa ay iyong malalaking hinaharap. Hindi po si ex niya. Ibig ko pong sabihin eto po iyong may mga pandesal sa umaga na masarap isawsaw sa kape. Iyon po ang kanyang gusto. Ar isa pa pala. Iyong may dalahing sandatahang lakas. Tiyak ako dun, sa mga sinasabi ko. Dahil kilala ko na ang ligaw ng bituka ng aking bff. Sure na sure ako sa mga gusto at katangian na hinahanap niya. Sa dinami-dami ng kamag-anak ko, eto pa ang pinsan kong babae na bobita pagdating sa pag-ibig. Marami dyan na nagkalat na mas hamak na magandang lalaki. Eh dun pa siya sa bff ko na lalaki sa umaga at babae sa gabi. Ibig sabihin po eh Darna. Ano ba ang nakita niya sa bff kong pasaway? Siguro iyong mala pandesal din nitong katawan. Kung iyon ang gusto niya. Ay pot*k 'wag niya ng asamin na mapapa sa kamay niya ito. Dahil inilalaan niya ito sa kanyang minamahal at iyon ay si_____. Putulin ko muna ang name sung ng future hubby niya baka magalit pa sa akin iyon. Malaking worl war namin pag nagkataon na malaman niya. Alam niyo naman po, ang bff kong iyon. May pagka maria clara ang peg nun. Mahinhin kung kumilos sa umaga. Pagsapit ng gabi isang Eba na nagahanap ng mansanas na pwedeng kumain sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang prutas na nagmula sa isang ahas, na inutusan kagatin. At sa pagkakataong iyon, walang sawa na nag-uutos sa bff ko. Kung hindi ang isip lamang ang nagdidikta na magladlad pagsapit ng ika pito ng gabi. Magbabalik lamang pagsapit ng ika 3 ng madaling araw. Yes, mga besh may cut off time ang paglaladlad ng aking bff. Kaya ginagawa niya ito, para hanapin ang lalaking magpapaligaya sa kanyang buhay. Makamit ang minimithi ng mga tunay na eba. Iyan ang aking bff na si Marko Montreal Chi aka Andromeda sa gabi. Pero kapag kami lang dalawa, malamang marie ang name sung niya. Ang dami arte talaga ng bff ko. Siyempre ako lang naman ang nakakaunawa sa kanyang totoong buhay. Pagbigyan na lamang natin at suportahan ang kagagah*n ng ating bida sa kwentong ito. At ako na inyong lingkod si Agatha Morgan, isang simpleng nilalang ng poong lumikha at kung minsan nag-asam na maging si Superman. Ngunit hindi pinalad na pagkalooban ng nasa itaas na ipagkaloob ang gusto. Kahit binubuo pa.lang ng mga magulang, na nanalangin na maging isang tunay na superhero sa mga naapi. Sa hindi maiiwasan eto ang naipagkaloob ng lumikha na maging isang kasapi ng mga babaing matatapang sa katauhan ni Gabriela Silang. Ang inyong lingkod si Agatha Morgan na nagpapakilala pong muli sa story ni Marko Chi at taga pagsalaysay ng kwentong ito na give me, my kiss. Masasabi ko lamang po, suportahan na lamang natin ang kagag*h*n ng aking bff, at anuman ang kanyang gagawin ay huwag po natin siyang huhusgahan sa kanyang mga gagawin pa lamang, hahaha dahil tao lang din siya na may pusong mamon na nasasaktan at lumuluha kapag sobra na ang pang-iinsulto na kanyang natatanggap. Ay! Madami na pala ang naibigay ko na kuda sa inyo. Hanggang dito na muna mga besh. Baka magalit na si otori baka inaantok na siya, kasi bawal magpuyat iyon. Kaya next tym na lang ulit. So, bye muna. Sabay wave ng hand sa mga nagbabasa ng kwento?. Next time again. So long...... This is Aga nag-iiwan sa inyo ng paalala sa lahat. "Kapag umuulan, palaging magdala ng kapote kapag may kasama. Para hindi magbunga ang ginawa ninyong magdyowa sa bahay ng mani. Kung hindi po niyo nauunawaan,ibig sabihin po nun. Malinis pa ang iyong kaisipan at hindi pa nababahiran ng malansang hangin sa kapaligiran." Babye mga ka beshy. [♡♡♡Manang: Isang magandang gabi o umaga man sa inyo. Sumainyo nawa ang pagpapala ng panginoong lumikha. At sa oras na ito, muli po akong magpapa-alala sa inyo. Sa bawat pahina na inyong sinusubaybayan sa kwento ng give me, my kiss. Eto po ay puro imahinasyon ng inyong abang lingkod. Pagpasensyahan niyo na po ang mga ginagamit ko pong way na pananalita dito ay makaluma o mga sinaunang panahon ni kupong2x. Ibig sabihin po neto isa lamang ako na nag-aasam na maging isang manunulat. Kayat ipagpaumanhin po nawa ninyo ang iilang mga wrong typos sa mga salita dito. Dahil sa celphone lamang ako tumitipa ng aking mga kwento, maging sa kabilang Flatform na W......d ay may mga isinulat din ako na mga kwento. Sa mga may magbabalak na magbasa ng kwento na ito, maari ba ako, makahingi ng pabor sa inyo. Isama po nawa ninyo sa inyong Silid aklatan ang kwento ko. At huwag po kayong mag-alala narito lang ako naghihintay sa mga komento ninyo na ibabahagi. Muli maraming salamat po sa inyo.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD