Nagkaroon ng usapan ang dalawang magka business partner na magkaroon ng sikreto na hindi sila makikita ng kanilang mga kaibigan o ninuman na sila lamang ang nakaka alam.
Habang ang iilan mga nakaka kilala sa dalawa ay patuloy sa kani-kanilang buhay lalo na ang mga kaibigan nito. Walang alam ang mga kaibigan na nagkaroon ng level up ang pagtitinginan ng dalawang parehas inlababo sa isat-isa.
Batid ng dalawa mas mainam ang tahimik na relasyon at walang masyado na marami nakaka alam. Dahil sa kanilang relasyon na sinasabi ng iilan na bawal sa paningin ng nakakarami.
Kaya't minabuti na magkaroon ng masinsinan na pag-uusap ang dalawa at upang maka-iwas sa mga matang mapang husga sa kapwa.
Kaya ang dalawa na parehas inlababo sa pag-ibig ay nagkaroon ng usapan na sila lamang ang nakaka alam.
Sa pamamagitan ng pakikipag palitan ng mensahe thru text message ang dalawa na pagkasunduan na magkaroon sila ng secret Meeting place na sila lamang ang tanging nakaka alam.
AC
"Kamusta ang araw mo?"
MC
"Ayos lang naman, medyo nakaka stress ang mga ka businessman na nakausap ko, medyo ang daming demand na pinapagawa. Ikaw, kamusta ka na?"
AC
"Ako, medyo malungkot kasi hindi kita nakita at nakasama."
MC
"Gusto mo magkita tayo?"
AC
"Kelan, ngayon na ba?"
MC
*Hahaha*
Nakakatuwa ka talaga, next time na lang may ka date kasi ako bukas."
AC
"May nakakatawa ba! Sino ang ka date mo?"
MC
"Ikaw. Kasi parang nakikinita ko sa'yo na umuusok ang nguso mo ngayon. Dahil sa sinabi ko na may ka date ako bukas. Relax hon. Kilala mo iyon at huwag ka magselos bff ko lang naman ang ka date kong 'yon. Isa pa, Ikaw lang ang hubby ko, wala ng iba. Okay ba?"
AC
"Ayusin mo kapag may iba ka na ka date talagang makakatikim ka sa akin ng parusa na nagmumula sa akin."
MC
"Ano kaya ang parusa kung sakali na ibibigay mo sa akin. Kung ako ay may ka date na iba, Hmm interesting siguro. Masubukan nga!"
AC
"MARKO MONTREAL CHI.KApag nalaman kong may iba ka na dinadate bukod sa akin, talagang lalaspagin kita sa hirap at sakit. Kaya umayos ka kung ayaw mong makatikim sa akin."
MC
[ "Tsss galit na ang hubby ko, naka caps lock na ang buong pangalan ko. For sure kung kasama ko ito, ngayon ang mga mata nito ay kulang balatan ako ng buhay. But in fairness gwapo at yummy ang hubby ko. Hihihi. ] Ito ang nasa isip ng binata si Marko sa kanyang kausap na si Aiden Carson.
Habang hindi pa sumasagot ang binata sa kanyang kausap na muling tumawag ang kanyang bff na si Aga.
*Kring, kring, kring, kring*
Aga
"Hello bakla, asan ka ngayon?"
MC
"Dito Haws, Na saan ka bang baklita ka?"
Aga
"Bukas punta ako sa condo mo, usap tayo and make bonding na din. Alam mo miss na kita bakla ka."
MC
"Aray naman, maka bakla ka naman. Parang ikaw naman si Tiburcio ba o si BB as in Babaeng Baklita. Hahaha." Sabay peace sign ng kausap. Kahit nasa kabilang linya ang kausap ng binata.
Aga
"P*tek kang baklita na miss ko yang madaldal mong bibig. Siguro nakahithit ka na ba ng yosi ng papa mo?"
MC
"Yak! Ang bibig mo bakla, ang brutal mo. Aakalain ng mga mambabasa na isa akong adik niyan. Ikaw ano ang nakain mo at San ka nagliwaliw ng walang paalam sa amin ni Tita at baka hinanap mo na naman yong pinsan ni Dora the explorer. 'Day minsan din eh makinig ka sa payo ko na, huwag ng balikan ang nakaraan. Kung wala naman dapat hanapin pa kasi, walang kayo nuon pa. Gets mo 'day?"
Aga
"Ang sakit naman nun, p*tek kang bakla ka, parang sinabi mo na tigilan ko ng hanapin siya."
MC
"Korak day natumbok mo din. Kaya ako sagutin mo na lang si papa stalker mo si Xeres at least may future ka dun. Huwag na yong nakalipas na."
Aga
"Ewan ko sa'yo. Bye na muna, bukas na lang ah. labyu bakla."
MC
"Bye din bff kong baklita. labyu too."
At hindi nalalaman ng binata si MC na maraming text message na nagmula sa kanyang asawa si AC.
AC
"Hindi ka na sumagot sa tanong ko. Subukan mo lang na mang lalaki makakatikim ka talaga sa akin."
"Are u still there, hey wifey."
"Wife your not answering my calls."
"Are you ignoring my text and call. Tomorrow. I'll fetch you at your condo. Don't go anywhere, because we have lunch date with your bff. And I don't want to wait you, until you finish to chitchat of your bff. And I want to see you and miss you.
"Good night my wife. I love you."
Ito ang mga nabasa ni MC habang iniisa ang mga message na nagmula sa kanyang hubby.
Kaya agad niya sinagot, thru text sa kanyang Hubby si AC
To my Hubby.
"Kausap ko ngayon lang ang bff ko, sorry kung busy ako kanina, at yong sinabi ko kanina. Sorry talaga, inaasar lang talaga kita, Hindi ako makikipag date sa iba kundi. Ikaw lang ang gusto ko ma-kasama hangang sa pag tanda natin. At isa pa, pwede bang huwag ka muna pumunta sa condo ko, Pupunta kasi bukas si Bff ko para mag bonding kami dalawa. At isa pa kapag tapos na kami mag-usap.Tatawagan kita para mag-usap tayo at gusto ko magkaroon tayo ng meeting place na hindi tayo makikilala ng mga tao. Nais ko muna ilihim ang ating relasyon sa ating mga kaibigan at magulang. Ayaw kong magkaroon ng isyu hinggil dito sa ating relasyon. Para safe tayo sa ating relasyon na magkaroon tayo ng lihim na tagpuan na tayo lamang ang nakaka alam. At alam ko maunawaan mo ang nais ko. Hindi sa ayaw kong ipaalam sa mga kaibigan natin. Ikaw lang ang iniisip ko sa pamilya mo. Baka hindi matanggap nila ang relasyon nating dalawa. At ayaw kong masaktan ka dahil sa mga panghuhusga ng mga nasa paligid natin. Okay see you. And I labyu my hubby.
___----____
Aga
Na miss ko talaga ang bakla na kaibigan ko, mukhang masaya ang baklita. Siguro naka score na kaya Kay papa Aiden or may level na ba ang relasyon nila, bukas malalaman ko, kung anong kasagutan sa tanong ko.
Ang aking problema ko na muna ang aayusin, lalo na mukhang nanahimik ang aking pinsan na si Jules, mukhang may binabalak na naman. Kaya aalamin ko sino ang pasimuno sa pagpapalabas ng mga balita hinggil sa akin at sa kapatid nito.
Hindi puwede na manahimik lamang sa isang tabi. Dahil babanat na naman ito ng ka sinungalingan at iyan ang gusto kong malaman, Sino ang may gawa ng balita na ibinabato nito sa akin, para mabigyan ko ng reward na tumataginting ng mag-asawa sampal. Hehehe joke lang po.
Sampahan ng kaso na paninirang puri, upang matutu sa kanilang ginawa na kasiraan sa isang tao.
Balak ko lamang sana tanungin, kung anong motibo nito na gumawa ng mga maling balita, at ano ang kanilang makukuha sakali na mailathala ang balita na kanilang ginawa.
Nais ko lamang maka siguro sa aking hinala at kausapin ng masinsinan ang may gawa na kumakalat sa social media.
Alam ko na tahimik lamang ang aking ina sa mga naglalabasan na balita, tungkol sa akin pagkatao at sa pinsan ko.
Kailangan ko pa ba, magkaroon ng press conference para ibigay ang aking paliwanag o sa loobin sa mga tao, Kung sa akin lang ang balita okay lang palampasin ko. Kaya lang sangkot ang pinsan ko at kami ang involve sa isyu na kumakalat sa social media.
Hindi ko na alam, kaya bukas na bukas din pupunta ako sa aking kaibigan si Marko para humingi ng advice, kung dapat ba ako magreklamo or magsampa ng kaso sa mga nagkalat ng balita tungkol sa amin ng pinsan ko.
Nakaka stress kasi pakinggan, Ikaw ang laman ng balita, nakaka umay kasi. At inaalala ko siyempre yong ang aking mama at papa, ano ang sasabihin nila sa aming pamilya, lalo na ang mga kaibigan at mga nagtitiwala na mga consumer sa aming produkto na iniindorso sa market.
Kailangan ko gumawa ng paraan, at kailangan harapin ko ang problema ng aming pamilya.
Sana matapos naman ng maayos ang usapin ng aming problema, nalaman ko sa aking source na medyo humina ang sale ng aming produkto sa merkado. Base sa naglabasan na balita tungkol sa amin ng aking pinsan. Iyan ang pinangangambahan ko na mawala ang tiwala ng tao sa aming produkto.
Batid ni Aga na marami ang mga kalaban sa negosyo ang nais sila pa bagsakin. At nais niyang maka siguro sa mga balita na may iilan negosyante ang sina sa mantala ang isyu ng mag pinsan. Lalo na kilala ang kanilang produkto na de kalidad na maayos at maganda ang mga gawang damit. Nais niyang gawan ng paraan na maging maayos muli ang kanilang produkto sa lalong madaling panahon na magawan ng paraan.
Tanging nasa isip ng dalaga ay ang humingi ng advice mula sa kaibigan na expert pagdating sa negosyo na kinahaharap ng kanilang pamilya. Lalo na ito'y negosyo ng kanyang ina na kasama ang kanyang Auntie si Heleyna. Hindi maari na mag sa walang kibo siya, dahil apektado ang lahat. Lalo na ang mga taong umaasa sa kanilang negosyo, ang mga mananahi ng kanilang pabrika na maaring ma apekruhan sa mga naglalabasan balita. Dahil batid nila na ang kanilang mga tinatahing damit ay maayos at kalidad sa merkado.
Marami na mga kumakalat na balita, ayon sa mga source nila, na ipinapakalat ng kalaban sa negosyo na mababang klase ng tela ang ginagamit sa paggawa ng mga damit lalo na sa pag gawa ng mga kasuotan pormal.
At iyan ang nais ni Aga na matunton ang taong nagpapakalat ng maling balita sa negosyo ng mga damit. Nais niya tuklasin ang taong may gawa ng maling balita lalo na sa negosyo ng kanyang pamilya.
Hanggang sa...
________
Heleyna So
Hindi ko alam, kung ano ang pumasok sa isipan ng aking anak na si Jules sa mga ginawa niyang mga hakbang na paratangan ng maling balita ang kanyang nakaka tandang kapatid at ang pinsan nitong si Aga. Wala akong nakikitang dahilan, para gawan ng masamang imahe ang kanyang kadugo.
Siguro na mis interpret nito ang mga ginagawa ng pinsan niya, sa katunayan alam ko ay, nag magandang loob lamang ang pinsan nito na hindi makagawa ng anuman na ikasisira ng buhay nito.
Pag mamalasakit lamang ang nais ipunto ng aking pamangkin sa akin anak na si Jules. At ang hindi ko maunawaan ay kung bakit masama sa kanyang paningin ang pinsan nito.
Hindi ko na alam, kung paano supilin ang pagiging spoiled brat ng aking anak, sa totoo lang naman hindi ko ugali na kampihan ang aking mga anak, kapag sila ay nag-kakamali. Bagkus ako ay istrikto sa kanila pagdating sa mga asal na kanilang ipinapakita.
Siguro nakita ng anak ko na mas malapit ako sa kanyang pinsan na minsan, na mis interpret niya paborito ko ang pinsan kaysa sa kanya. Hindi lang alam ng aking anak na si Jules na mahal na mahal ko siya, at ayaw ko na maari siya mapahamak sa mga maling ginagawa niya sa buhay. Lalo na sa ginagawang paninira na ginawa niya sa kanyang kapatid at pinsan.
Batid ko ito din ang nagtulak sa aking anak na gawan niya ng maling balita. Dahil sa lalaking minahal nito. At sa katauhan ng bff ni Aga, dahilan na siraan niya ito.
Hindi ko alam, kung anong mukha ang ihaharap sa kapatid si Aileen dahil sa ginawa ng aking anak sa kanyang nag-iisang anak na si Aga. Alam kong may nalalaman na ang aking kapatid, ngunit tahimik lang ito at hindi ko alam, kung paano magawan ng solusyon ang ginawang gulo ng aking anak.
Sa totoo lang nakaka stress na din, gusto ko ng patigilin sa pagpapatakbo ng kompanya ang anak ko si Jules, nais kong turuan ng leksyon at iparehab ko muna ito. Alam kong nag-iisip na kayo. Kung bakit ko nasabi ang ipa rehab. Dahil sa kanyang mga ginagawa na mali. Hindi na maayos ang kanyang ginagawa nakaka sakit na siya ng damdamin sa kanyang kapwa. At lalo ako na ngangamba kung sakali na may gawin pa siya na hindi ko nalalaman. Dahil parating umaalis ang aking anak. Kung minsan ay hindi na umuuwi sa amin.
Kaya kung ganun pa din ang ginagawa niya patuloy sa mga maling gawa. Ako na mismo ang magpapasok sa rehab para maipa-gamot siya at hindi matuluyan na masira ang buhay nito.
Nais ko lang sagipin siya sa maling hakbang na kanyang ginagawa ang maka panakit ng damdamin sa kanyang kapamilya. Hangga't maaga pa ay masolusyunan ang problema sa akin anak na si Jules.
Ako na ang magpapaliwanag sa board director sa aming kompanya na pan samantalang tanggalin sa kanyang puwesto bilang president ng Clothing line ang aking anak. At kapag hindi ko nagawan ng solusyon ang problema sa aking anak, mas malala pa ang maaring maidulot nito. At iyon ay ayaw kong masira ang samahan ng aking kapatid si Aileen pati na sa kompanya na amin itinayo at pinalago.
Ika nga ng matatanda, "Habang maaga pa tanggalin ang sungay na tumutubo dito. At kung hindi maagapan, mas malala pa na maaring ikapahamak ng iba." Iyan ang tumatak sa aking isipan nang kami ay bata pa ng aking kapatid si Aileen, habang kami ay pinag sasabihan ng aming ama, kapag siya ay nangangaral. Ngayon may pamilya na kami, ito ang iaapply ko sa aking mga anak at hindi pamarisan ng mga kapatid niya.
Sana lang sa gagawin kong ito, ay hindi isipin ng aking anak na siya ay itinatakwil ko. Bagkus bilang magulang nais lamang namin na maging maayos ang kanilang anak habang sila ay lumalaki at nagkakaisip. Walang magulang na naghangad ng ikasasama kundi ang mapabuti sila kanilang buhay.
_______
Time check 11:19 pm
stay safe guys.....
gnsytn.......