Chapter 1

1200 Words
Belle's POV. "Bili na kayong petchay, talong at iba pang gulay. Fresh na fresh pa like me!" At the age of 20, napagtanto ko na mas masayang mabuhay lalo na kung galing mismo sa sariling pagsusumikap ang perang ginagamit para mabuhay sa mundo. "Miss, sobra po ang pera na binigay n'yo," nakangiti kong wika sa babae na bumili sa akin ng isang dosenang talong. Ilang tiyan kaya ang papakainin niya para bumili ng ganito karami? Well, napakasuwerte ko naman ngayong araw dahil dumami ang buyer ko. Hihi. Iba talaga ang nagagawa ng ganda ko. "Ahem! Belle, aalisan ka ng buyer sa harapan mo kung ngingiti ka lang d'yan lalo na kung walang dahilan." Napatingin ako sa katabi ko nang marinig ko ang sinabi niya at nang maunawaan ko ang kanyang binigkas ay agad akong napatakip sa aking bibig. Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko ang lalake na kunot-noong nakatingin sa akin. "P-Pasensiya na po. Ano po bang bibilhin ninyo?" Nagawa ko pa rin ngumiti sa kanya kahit na mukhang may dalaw ang kaharap ko ngayon. "Dalawang balot ng kamatis lang. Magkano?" "Bente pesos po." Masigla kong kinuha ang plastic labo na nasa tabi ko lang upang ibalot ang kamatis na binili ng lalake. Pagkatapos ay iniabot ko ito dito. Pagkaalis ng buyer ko ay agad akong humarap sa tindera na nasa tabi ko. "Kylie Santiago, bakit naman hindi mo sinabi sa akin agad na may buyer pala tayo?" Pinagkrus ko ang aking dalawang braso at kunot-noong tiningnan siya sa kanyang mga mata. Sa kabila ng kanyang kulot na buhok na abot hanggang balikat at kayumangging balat ay umaagaw atensyon pa rin ang bilog niyang mata na may mahabang pilikmata. Bumuntong hininga siya at tinalikuran ako upang buksan ang maliit na radyo na nasa gilid niya. Kahit na nakatalikod siya sa akin ay dama ko pa rin na naka-poker face siya ngayon. Ugali na kasi niya 'yon. Hahaha. "Clarabelle De Guzman, ewan ko kung talagang bagay talaga ang kutis mayaman na katulad mo sa lugar na 'to. Lagi kang wala sa sarili kaya madalas ay lumilipat tuloy ang ibang buyer na 'tin." Kahit matagal ko ng kaibigan ang babaeng 'to ay hindi ko pa rin mapigilan malungkot at ma-guilty sa sinabi niya. Totoo. Nagtatrabaho ako rito, pero parang hindi naman ako nagtatrabaho ng maayos. Well, nagtatrabaho ako kasi. . . "And our special guest for today is no other than Psyche!" Marinig ko lang ang pangalan niya ay bumibilis na agad ang t***k ng puso ko. "Magandang hapon mga ka-LSM. Kumusta? Narito ako upang handugan kayo ng isang kanta." "Habang tumatagal ay mas lalo kang gumaguwapo, Psyche at habang tumatagal ay mas lalong nagiging manly ang boses mo. Anyway, ka-LSM! Lakasan n'yo na ang inyong radyo upang mas marinig n'yo ng malinaw ang kantang handog sa atin ni Psyche!" Habang naririnig ko ang boses niya ay hindi ko mapigilan ang sayang nararamdaman ko. Pati ang ngiti ko ay lumilitaw ng wala akong alam. Now playing: by Justin Bieber "Wow. Hindi lang guwapo si Psyche, talented pa. Ang ganda ng boses niya. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong prinsesa na inaawitan ng isang prinsipe. Alam kong imposible, pero sana ay makapunta ako sa concert niya balang araw." Napangiti ako lalo ng malawak nang marinig ang sinabi ng dalawang dalaga na dumaan sa aming tindahan. Zack Nathan Aguillar, mabuti naman at naaabot mo na unti-onti ang pangarap mo. Sa ngayon ay sikat kanang tao. "Tss. Mas'yado naman silang exaggerated. Sa pagkakaalala ko ay mas sikat pa rin si L ko kaysa sa Psyche nila." Muli akong napalingon sa katabi ko nang marinig ko ang sinabi niya. "Tss. Malapit ng malaos ang L na 'yan at kapag nangyari 'yon ay mas sisikat na si Zaick!" Nanliit ang mata ng kaibigan ko dahil sa pagsigaw ko. "Si Psyche at L ang pinag-uusapan na 'tin. Sino naman 'yang Zaick na sinasabi mo?" Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maunawaan ko ang aking nasabi kani-kanina lang. "Ah. . . ano. . . Psyche kasi ang binanggit ko. Nagkamali ka lang ng dinig." Nang makita kong naging normal na ang tingin sa akin ng kaibigan ko ay nakahinga na ko ng malalim. Mabuti naman. Bakit kasi hindi maintindihan ng bibig ko na iba ang gamit ni Zaick na pangalan sa entertainment industry? Nang makakita ako ng dalawang customer na papalapit sa direksyon namin ay umayos na ko ng pagkakatayo ko. Nang makalapit na ang dalawa sa amin ay saka naman biglang tumunog ang cellphone ko. Sandali ko itong kinuha sa aking bulsa at binasa ang laman ng mensahe. Hindi na naman maiwasang mapangiti ng labi ko nang makita kung sino ang mensahero. Uuwi ako mamaya. Maghanda ka ng makakain. -Zaick "So, bakit mo pala siya sinama dito sa manila kung wala ka naman pa lang balak sa kanya?" "Tss. Bro, hindi ba obvious? Sinama ko siya dito para pagkuhanan ko lang ng pera nang nagsisimula pa lang ako. Dahil sikat na naman ako ngayon, hindi ko na siya kailangan." "At kaya ka magpapakita sa kanya ngayon?" "S'yempre, para sabihin sa kanyang hindi ko na siya kailangan." Ang boses na 'yon. . . Parang kumilos ng kusa ang katawan ko at nanginginig akong tumingin sa dalawang taong nakatayo ngayon sa harapan namin. May suot man silang sumbrero at glasses ay hindi pa rin ako nahirapan alamin kung sino sa kanila ang taong hinahanap ko. Pinigilan ko ang aking luha nang tumingin ako sa isa sa kanila at napansin kong natigilan siya ng makita ako. "Clarabelle. . . A-anong ginagawa mo sa maduming lugar na 'to?" "Totoo ba ang lahat ng narinig ko?" Hindi ko pinansin ang tanong niya at diretso ko lamang siyang tinitigan sa kanyang mata. Umatras siya sa akin ng isang hakbang at umiwas siya ng tingin sa akin. Pagkatapos ay binigyan niya ko ng isang tango, sapat na para tuluyang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Lumuluha man ay hindi ko pa rin inalis ang paningin ko sa kanya. "Bakit?" Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko ay tila tinutusok din ng maraming karayom ang puso ko. Nagagalit at nasasaktan ako habang nakatingin sa kanya. Hindi ko na nga rin maramdaman ang paghawak ng kaibigan ko sa aking kamay na kanina pala nakayukom. "Tss. Is it not obvious? You're too plain and boring. A simple girl like you is not even deserve to be my partner." At dahil sa naging sagot niya ay nangibabaw na ang galit at sakit na kanina lang ay pantay pa. Bahagya akong napatawa dahil sa naging sagot niya kahit na may luha pa rin sa mga mata ko. "Hindi ko lubos akalain na ang 'Psyche' na iniidolo ng lahat ay isa pa lang lalake na kayang manloko, magsinungaling, at manakit ng isang babae." Madiin kong pinunasan ang luha sa aking mga mata at muli siyang tinitigan ng diretso. "Tandaan mo 'to. Babalik ako. . . at sa oras ng pagbabalik ko ay sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang lahat ng ginawa mo sa 'kin." Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang 'yon sa kanya ay tumalikod ako at tumakbo palayo. Sisiguraduhin kong sa susunod, siya naman ang tatakbo. Tatakbo papalapit sa akin at magmamakaawa ng pagbabalik ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD