Chapter 3

1212 Words
Belle's POV. Nakahinga ako ng malalim nang bitiwan na rin ako sa wakas ng lalakeng humihila sa 'kin. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. "Pasensiya na. Mukhang nagkamali po yata ako ng lugar na napuntahan. Paa-" Nang huminto ang paningin ko sa aking harapan ay napahinto rin ako sa pagsasalita. Nakaupo sa magkabilang gilid ng sofa 'yong dalawang lalake na sumalubong sa akin kanina. Malawak ang ngiti sa akin ng isa na nasa kanan ko. Med'yo kulot ang buhok niya na nasa side. Hazel brown ang kulay ng kanyang mata, maliit at kissable ang labi niya. Malaki ang kanyang pangangatawan, maputi at makinis ang ang kanyang balat. Well, lahat naman sila ay maputi. 'Yong isa naman na nasa kaliwa ay nakangiti rin sa 'kin, pero hindi gaanong malawak ang ngiti niya. Napataas pa nga ang kilay ko dahil kahawig niya 'yong unang lalake na tiningnan ko. Ang pinagkaiba lang ay straight ang buhok ng isang 'to at nakasuot siya ng salamin. Sunod akong napatingin sa dalawang lalake na nakaupo naman sa mahabang sofa. 'Yong isang lalake ay mahaba ang buhok na hanggang bewang. Parang hindi niya ko napansin dahil abala siya sa pag-strum ng kanyang gitara. Straight ang kanyang blonde na buhok at nang mapasulyap siya sa direksyon ko ay binigyan niya lang ako ng isang ngiti at bumalik na ulit siya sa ginagawa niya. Kulay ang kanyang mga mata at med'yo malaki ang kanyang panga. Ang huling lalake na tiningnan ko ay printe na nakaupo habang ginawang unan ang sarili niyang mga braso. Wala mas'yadong expression ang mukha niya, pero mas nakaagaw ng aking atensyon ang chocolate brown niyang mata na mas lalong bumagay sa kanyang back slicked na buhok. Nakaramdam ako ng pagka-ilang nang malaman kong kanina pa pala siya nakatingin sa 'kin. "So, tapos mo na ba kami titigan isa-isa?" Sumama ang tingin ko nang marinig ko ang sinabi niya. Ano kayang problema ng lalakeng 'to? Huminga ako ng malalim para mapanatili ang pagiging kalmado ko. Relax, self. Kailangan mo ang mga tao na nasa harapan mo para sa 'yong plano na paghihiganti. "Ito ba ang room number na dapat kong puntahan?" Hindi ko maiwasan bumulong sa sarili ko. Nabanggit nga sa akin na apat ang magiging amo ko, pero tama ba ang napuntahan ko? Baka mali talaga. Sana nga mali na lang. Waah! "You are. . . Belle?" "Yes, I am!" Napatakip ako sa sarili kong bibig. Bakit kasi nambibigla sila ng tanong, napasigaw tuloy ako. "So, ikaw pala ang sinasabi ng manager namin. Hello. I am Leigh. Nice to meet you." Unang nagpakilala sa akin 'yong lalake na kulot ang buhok. Siya rin 'yong humila sa akin kanina at 'yong lalake na kanina pa pinakamalawak na ngiti sa apat. "Hi, Belle. Ako naman si Keigh. Kambal ko si Leigh. If you need to ask or say something, just tell us. We're not totally strict here as long as you do your job. Feel free to do anything after work." Bahagyang ngumiti sa akin 'yong lalakeng naka salamin. Kaya pala magkahawig sila ni Leigh. Kambal pala sila. "I am Denver, the guitarist in our band. Nice to meet you, Belle." Nakaramdam ako ng pagka-ilang sa paraan ng pananalita ng lalakeng mahaba ang buhok at may hawak na gitara. Pati ang uri ng pagtitig niya sa 'kin ay parang nang-aakit at may tinatagong kahulugan. Hindi rin ako nakatiis sa titig niya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. "I'm Rex. I'm sure you know that we are the Bad Luck band. We don't usually have a day off, so I think you only need to cook if we are here. I mean to say, you only need to cook every night and every morning. Got it?" Wala pa ring expression ang lalakeng huling nagsalita. Napatango na lang ako sa kanya. Wala naman pala kong gagawin sa araw. Magkakaroon ako ng oras para makapag-ensayo tungkol sa pag-acting at iba pa. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi. Teka, hindi ba mas maganda kung sumama ako sa kanila sa bawat shooting o gawain nila para makita ko at maintindihan ang entertainment industry? "Ah, paano pala sa araw? Mas mabuti siguro kung sasama ako sa inyo para makakain kayo ng tatlong beses sa isang araw. Promise, hindi ako manggugulo sa trabaho ninyo. Hehe." Lumipas ang sampung segundo bago sumagot ang isa sa kanila. "I really like you to come with us, but it's not good. Bukod sa bawal kami magsama ay gawain na ng manager namin ang ibang trabaho na labas ka." Nakaramdam ako ng lungkot sa narinig. "Gano'n ba? Sige. A-Ayos lang." Nauutal na naman ako magsalita dahil sa kakaibang titig sa akin ng nagsalitang si Denver. Parang nang-aakit talaga ang mata niya. Siguro ay marami nang na-fall sa lalakeng 'to. Nako, angkan pala siya ng Zaick na 'yon. Tss. "So, why not have a seat first?" Walang gana akong tinitigan ni Rex. Nabaling sa sofa ang paningin ko. Saan ako uupo kung lahat ng sofa ay occupied na nila? "Dito ka, Belle. Let's talk." Umiling ako agad kay Leigh. Bukod sa wala ng space, balak yata niyang pauupuin ako sa binti niya. Tss. "Ano ka ba, Leigh. Dito siya uupo sa tabi ko. Tuturuan ko siya mag-gitara." Denver strum his guitar while looking at my eyes. Huminga ako ng malalim. "As you can see, med'yo mabigat ang dala kong bag. P'wede ninyo na bang ituro sa akin ang magiging kuwarto ko?" Sabay-sabay silang tumayo na nagpasalubong ng dalawang kilay ko. Ang weird naman nila. "You three, she is our maid. I mean, our taga-luto. Treat her with respect. Ms Belle, come with me. I will lead the way to your room." Nakita ko ang pagkadismaya sa mga mukha nina Leigh at Denver. Samantala, si Keigh naman ay ngumiti ulit sa akin nang mahuli niya ang pagsulyap ko sa kanya. Naiwan sa sala ang tatlo habang kami ni Rex ay nagsimula nang maglakad patungo sa magiging kuwarto ko. Simula nang iwan ako ni Zaick, nakaramdam na ko ng pagkailang at inis sa tuwing may nakakasama o nakikita akong lalake. Feeling ko ay ay isa silang germs na dapat layuan. "Ms Belle? How can you you hear me with our long distance?" Napatakip ako sa bibig ko nang malaman na ang layo nga namin sa isa't-isa. Ilang metro yata ang layo namin eh. "S-sorry." Huminto kami sa tapat ng isang pintuan sa pinakadulo ng hallway. Nagsalubong ang dalawang kilay ko. Tumingin ako sa kaharap naming pintuan at pagkatapos ay tumingin ako sa pinakaunang kuwarto na nadaanan namin. Bale pitong kuwarto ang lahat na nadaanan namin. Napakalaki naman ng space ng apartment na 'to, pero. . . "Bakit nasa dulo ang kuwarto ko?" Mas lalong kumunot ang noo ko nang marinig ko ang mahinang pagtawa ng katabi ko. Pinagkrus niya ang kanyang braso bago humarap sa akin. "Isn't it obvious? Hindi ko alam ang gagawin mo tuwing matutulog na kami. Mahirap na at baka bigla kang maging doble kara. Kunwari painosente, pero may pagnanasa pala. Goodluck sa pag-stay. Sana tumagal ka." He tap my shoulder bago niya ko iniwang nakatulala. Wait. . . wait. Hindi ba siya ang doble kara ngayon? Nagpapanggap na mabait kana, pero asal-urggh. Damn him!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD