Belle's POV.
Maaga akong nagising upang maghanda ng almusal para sa aking mga amo. Nabanggit nila sa akin na ala-sais pa lang ng umaga ay kailangan na nilang umalis para sa early recording na gagawin nila.
Simpleng putahe lang ang niluto ko para mapanatili ang healthy body nila. Habang nagtitimpla ako ng kape ay bumalik sa aking isipan ang mga tagpong naganap kahapon.
It's hurt. It's really hurt. Kahit sino naman siguro ay masasaktan lalo na at ilang buwan pa lang ang nakakalipas.
"Good morning, Belle!"
Muntikan ko pang mabitawan ang hawak kong kubyertos nang bigla akong yakapin ni Denver mula sa likod. Itutulak ko na sana siya palayo sa 'kin, pero bigla naman akong hinila ni Leigh palapit sa kaniya.
"Don't do that, Denver. Belle will be scared."
Hindi ako makagalaw dahil hawak ni Leigh ang bewang ko habang nakaharap ako sa kaniya. Hindi rin ako makapagsalita dahil naunahan ako ng pagkailang.
"Leigh, you're doing the same thing to her." Bumuntong hininga si Keigh bago naupo sa kaniyang upuan.
Naramdaman kong tumingin muna sa 'kin si Leigh bago niya ko tuluyang binitiwan. Umirap na lang ako ng palihim sa kanila bago ko pinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Why are you still not in dress?"
Lumingon ako sa kakaupo lang na si Rex. Nilagyan ko ng fried rice ang plato niya at pagkatapos ay bumalik na ko agad sa likuran nina Leigh at Keigh.
"I'm asking you."
Lumingon ako sa direksiyon ni Rex. Ako ba ang kinakausap niya? Sa akin siya nakatingin, pero hindi ko sigurado kung ako ang kausap niya.
Tinuro ko ang sarili ko, pero kahit hindi siya nakatingin sa 'kin ay nagbigay siya ng isang tango.
"Sasama ako sa inyo?"
"Tss. You're so slow."
Sumimangot ako sa sinabi ni Rex. "Akala ko ba ay hindi na ko kailangan sumama sa inyo?"
Hindi naman sa ayaw kong sumama sa kanila ngayon. Sa totoo lang ay magkakaroon pa ko ng opportunity na malaman kung paano tumatakbo ang entertainment world kapag sumama ako sa kanila, pero malaki rin ang chance na makita ko ang lalakeng gusto kong iwasan makita ngayon. Ayaw ko pa siyang makita. Hindi ko pa kaya. . .
"Yes, Belle. This time, isasama ka na namin. Ayaw mo ba?"
Makikita sa mga mata ni Leigh ang karaniwang ginagamit ng karamihan para magpaawa sa isang tao. Tss.
"Ah-"
"If you don't want to come, then maybe you are the boss between us. Am I right?"
Huminga ako ng malalim para pigilan ang nararamdaman kong inis dahil sa sinabi ni Rex.
"Ah, sabi ko nga po ay mag-aayos na ko pagkatapos kong ihanda ang pagkain ninyo." Ngumiti ako ng peke sa kaniya.
"You can go now, Ms Belle. Kami na ang bahala dito para makapag-ayos ka na." Ngumiti sa akin si Denver na sinuklian ko rin ng isang ngiti.
"Sige. Salamat. Maiwan ko na po kayo." Yumuko ako sa kanila bago ko sila iniwan at nagtungo sa aking kuwarto.
Hindi ko alam ang dahilan kung bakit naisipan nila kong isama ngayon. Nagkasakit kaya ang isa sa mga stuff nila? Balewala kung aalamin ko pa ang dahilan nila. Magtatago na lang ako sa oras na magkrus ulit ang landas namin ni Zaick.
Bigla kong nakagat ang aking ibabang labi nang may maalala ako. Umupo pa ko sa aking kama habang sinasariwa ang aking alaala.
Nakakainis talaga ang Zaick na 'yon. Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa, pero paanong nangyari na hindi man lang niya ko nakilala?
Tumayo ako at tinaas ko ang kanang kamay habang nakakuyom pa ang aking kamao.
"Sa susunod na pagkikita na 'ting dalawa, sisiguraduhin kong makikilala mo ko. Tsk."
Pumasok na ko sa banyo para maligo at mag-aayos. Pantalon at t-shirt lang ang sinuot kong damit. Nagpulbo lang ako at naglagay ng liptint sa aking labi. Nilugay ko lang ang aking buhok at nagdala ng maliit na shoulder bag para doon ilagay ang cellphone at wallet ko. Pagkatapos ay lumabas na ko ng aking kuwarto at nagtungo sa sala kung saan naghihintay ang apat kong kasama.
"Finally, you're here. Let's go."
Naunang tumayo si Rex at lumabas ng apartment.
Sumunod kaming apat ss kaniya. Naghihintay sa labas ng isang van ang manager nila. Nang makita kami nito ay pumasok siya at naupo sa driver seat ng van. Sa tabi niya naman nakaupo si Rex, ang iba naman ay nakaupo sa backseat.
Gusto ko sanang umupo sa passenger seat, pero naunahan ako ni Rex kaya wala akong choice kundi maupo na lang din sa backseat kasama nina Leigh, Keigh at Denver. Naupo ako sa tabi ni Keigh at sa tabi ng pintuan ng Van.
"Good morning, Belle. Thank you for joining us today." Ngumiti sa 'kin si Leigh at saka itinuon ang kaniyang paningin sa harapan.
"You should seat beside me, Belle." Nakasimangot akong binalingan ng tingin ni Leigh.
Nag-aalinlangan akong ngumiti sa kaniya at napakamot na lang sa aking ulo. Ayaw ko ngang tumabi sa pagitan nina Leigh at Denver dahil baka ano pa ang gawin nila sa 'kin.
Tumingin din sa direksiyon ko si Denver, pero ngumiti lang siya sa 'kin at ibinalik na niya ang kaniyang paningin sa aming harapan.
Ilang oras lang ang lumipas ay dumating na kami sa music studio. Sinalubong kami ng mga stylist at nang kanilang music director and producer.
"Siya ba ang sinasabi ninyo sa amin?"
Tumingin sa akin 'yong babaeng naka-fitted dress. Nakatali ang kaniyang buhok sa gilid at mas lalo siyang naging attractive dahil sa make-up na mayroon siya ngayon.
Teka, anong ibig sabihin niya?
Lumingon ako sa mga kasama ko at sabay-sabay pa silang tumango sa babae kaya mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka.
"Hello. I am Chescka Regarda and Rica is the one who will going to style you today. Rica!"
Lumapit sa amin 'yong babaeng kulot at blonde ang buhok.
"Yes, Ma'am Chescka. Ako na ang bahala sa kaniya." Ngumiti ang tinatawag nilang Rica sa 'kin at saka hinawakan bigla ang aking braso.
"Teka, ano pong sinasabi ninyo? May kailangan ba kong iluto dito ngayon mismo?"
Nagtawanan sila bigla dahil sa tanong ko.
"You're not going to cook today. Ms Clarabelle, you're going to participate and stand as a sub singer together with the Bad Luck band. Ang dapat na kasama nilang babae ay hindi nakarating kaya ikaw ang pinalit ayon sa suggestion ng banda," nakangiting paliwanag sa akin ni Ms Chescka.
Natigilan ako sa narinig at hindi agad nakapagsalita. Totoo ba ang nangyayari ngayon?