Ang sabi ni Theo ay nagpunta siya sa unit ko para makapagpahinga. Pero malayo doon ang nangyari. Ilang beses pang naulit ang aming pagniniig at gabing gabi na pero hindi pa kami nakakakain ng hapunan. “Theo, nagugutom na ako!” reklamo ko sa kaniya habang nakayakap sa kaniya sa kama. Tumawa siya habang hinahaplos ang buhok ko. “Okay, ako na lang ang bibili ng dinner. Anong gusto mong kainin?” tanong niya sa akin. “Kahit ano tatanggapin na ng tiyan ko sa gutom ko,” sagot ko. Totoo naman. Kahit anong pagkain ang ma-imagine ko ay natatakam na ako. Kahit simpleng tinapay siguro ay magiging napakasarap para sa akin dahil sa gutom ko. “Ah, oo nga pala, wala ka nga palang pinipili,” biro niya. Bumangon na siya at isinuot ang mga damit. Ganoon din ang ginawa ko. Kinuha ko ang kumot at ibinalot

