CHAPTER 8

1705 Words
“Bye, Theo! Oh Trish, kitakits nalang this weekend ha?” paalala pa sa akin ni Anne bago tuloyang tumalikod. Tapos narin sa wakas ang lunch ko kasama ang mga ito. Magkahawak-kamay na naglakad sina Anne at Jace. Pagkaalis na pagkaalis ng dalawa ay agad kong binalingan si Theo. “Theo, please. Sumama ka naman sa amin!” pakiusap ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay. “Ayoko nga, busy ako. Sayang ang ilang araw na mawawala ako sa site.” “Grabe ka! Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit nakilala ako ni Anne eh!” naiinis na sagot ko. “Ipinakilala kita kay Anne, pero hindi ko sinabing sumama ka sa mga trip nya.” Akmang hahakbang na ito paalis pero iniharang ko ang katawan ko. “Saan ka na pupunta?” tanong ko. “Saan pa? Ehdi sa project ko. May project pa ako na kailangan i-inspection.” Hahakbang ulit si Theo pero mabilis ulit akong humarang. “Please Theo, sumama ka na, please! Hindi ko kaya. Hindi ko kaya talaga. Hindi ko kayang mag-isa doon!” Natawa si Theo sa akin. “Ang OA mo!” “Hindi ako OA! Promise, hindi ko talaga kaya,” sagot ko habang sumasabay sa paglakad niya. “Subukan mo namang lumagay sa sitwasyon ko. Diba masakit ‘yon?” “Madaming beses na akong nalagay sa ganiyang sitwasyon.” “Talaga? Iyon naman pala, kaya ikaw, higit sa lahat ang makakaunawa sa akin,” pagpapaawa ko parin. Hinawakan ko na ang braso niya dahil sa bilis niyang maglakad. “Bakit ako damay diyan, eh ikaw naman ang naglagay sa sarili mo sa ganiyang sitwasyon?! Pwede ka namang tumanggi, alam naman ni Anne na pareho tayong may project.” “Alam ko mali ako. Please, gagawin ko ang lahat sumama ka lang! Libre na iyong fee doon sa designs ko!” Desperada na talaga ako! Biglang nahinto si Theo sa paglakad. “Talaga? Gagawin mo ang lahat?” hamon nito. Mabilis akong tumango kahit parang kinakabahan ako sa tingin niya. Ano kaya ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito? “Y-Yes,” nag-aalangang sagot ko. “Totoo?” ulit ni Theo. “Oo nga!” sigaw ko. “Okay,” sagot niya saka nagpatuloy na ulit sa paglakad. Sumunod naman ako ulit. “Anong okay? Pumapayag ka na ba?” “Tara, sumama ka sakin,” aya niya. “Huh?! Saan?” nagugulohang tanong ko pero sumunod ako sa kaniya hanggang sa makasakay na kami ng sasakyan niya. “Saan tayo pupunta?” “Saan pa? Ehdi sa hotel,” walang anuman na sagot niya. Nanlaki ang mata ko. Anong sinasabi ng lalaking ito! Ang kapal ng mukha niya ha! Nakita kong seryosong nakatingin sa akin si Theo, at unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin. Awtomatiko akong napasiksik sa pinto ng sasakyan pero hindi ko magawang gumalaw. Hahagkan ba niya ako? Malapit na malapit na siya sa akin kaya napapikit ako ng madiin. Bigla ay narinig ko ang malakas na tawa ni Theo kaya nagmulat ako ng mata. Ang mga kamay niya ay hinila ang seatbelt ko at inayos iyon. “Hay Trish! Ewan ko sayo. I wonder kung paano kang naka-survive ng 26 years? Mabilis kang mapapahamak eh.” Inis na hinampas ko siya sa braso. Ang walanghiya! Napapahiya ako dahil kung tinuloy niya ay hahayaan kong halikan niya ako. Nakakainis ka Trish! Hindi ka naman ganiyan dati! Sigaw ng utak ko. Tumingin nalang ako sa labas ng sasakyan at hindi na nagsalita ulit. Tumigil si Theo sa isang building saka bumaba ng sasakyan. Napipilitang sumunod ako sa kaniya. Pumasok kami sa isang commercial building. Nagdiretso kami sa isang malawak na unit doon at ng buksan iyon ni Theo ay nakita kong walang laman iyon. “Sabi mo gagawin mo lahat, diba?” tanong ni Theo ng makapasok kami sa opisina. “Well, tulongan mo akong mag-ayos nitong magiging bagong office ko.” Nakahinga ako ng maluwag. “Iyon lang ba? Sure!” Akala ko kung ano na. Nagsimula na kaming magplano. Kumuha kami ng metro at nagsimula ng pag-aralan ang magiging interior ng kaniyang opisina. Mula sa kulay, ilaw, pwesto ng mga desk ng empleyado niya at office niya pati narin ng mga furnitures. Madami akong suggestions sa kaniya at maging siya din ay madaming idea. Hindi ko alam pero namalayan ko nalang na nag-e-enjoy akong magplano ng interior ng office niya. Madami din akong natutunan sa kaniya. Kinabukasan ay kasama din ako ni Theo na namili ng mga gamit sa isang hardware. Simpleng shirt at maong pants lang ang suot niya pero napaka-pogi niyang tingnan. “Kasama pa ba ito sa libre? Baka mamaya singilin mo na ako,” biro niya sa akin. “Depende sayo. Kung hindi ka nahihiya sa akin,” biro ko din. “Whooaa! Iiwan ko ang project ko sa weekend para pumunta sa beach! Imagine that!” “Oo na! Libre na ito, libre!!” mabilis na sagot ko. Mabilis aasenso ang lalaking ito sa galing niya mang-blackmail. Naaliw akong maningin ng mga gamit sa hardware. Busy si Theo sa pamimili ng mga nakalista naming gagamitin at hinayaan ko na siya. Tutal alam na naman niya ang dapat bilihin. Nakatingin ako sa isang magandang kitchen countertop nang lumapit siya sa akin. “Tingnan mo ito oh! Ang ganda nito!” sabi ko sa kaniya sabay turo sa kitchen countertop. “Iyon din, tipid sa space,” sabi ko ulit habang itinuturo ang isang bathroom sink. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Theo. “Trish, office ang ide-design natin hindi bahay. Bakit nariyan ka na sa mga kitchen countertop?” Napasimangot ako. “Sinasabi ko lang naman kasi ang ganda! May pantry ka naman ah!” “Oo na. Let’s go at madami pa akong gagawin,” aya niya sa akin. “Teka, hindi tayo kakain? Nagugutom na ako!” reklamo ko. Sa totoo lang ay kanina pa ako nakakaramdam ng gutom. Napamaang sa akin si Theo sabay tingin sa suot na relo. “Oo nga pala, lunch na. Tara kumain muna tayo.” Naglakad kami papunta sa isang fastfood chain. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami sa aming mga buhay-buhay. Syempre, ikinwento ko narin ang love story namin ni Jace. Kung paano ko ito nakilala. Lahat ng heartbreaks ko at matiyaga naman siyang nakinig kaya mas natagalan na kaming makabalik sa opisina niya. Pagdating sa opisina ay inayos na namin ang mga gamit niya. Hindi namin alintana na medyo mainit doon dahil wala pang aircon. “Sorry Trish, mainit dito,” hinging paumanhin ni Theo. “Okay lang, basta sasama ka sa beach ha!” paalala ko. Nagtingin pa ako online ng mga furniture na pwedeng ilagay sa office niya. Nakaupo ako sa nag-iisang table at upuan na naroroon habang si Theo ay busy sa pagsusukat at pagaayos ng mga gamit niya. “Trish, it’s late. Uwi na tayo,” aya sa akin ni Theo matapos ang ilang oras. Noon ko lang namalayan na gabi na pala. “Gabi na pala. Hindi ko namalayan ang oras,” sagot ko at tumayo na. Pagtingin ko sa kaniya ay nakatitig siya sa akin. Naasiwa ako sa paraan ng pagkakatingin niya. “B-Bakit?” tanong ko. “Now I felt guilty for asking you to help me,” sabi niya. “Huh? Naku nag-enjoy naman ako. Ano ka ba! Siguraduhin mo lang na sasama ka sa weekend!” sagot ko. “Yeah, sasama na ako,” sagot niya at napangiti ako. Sa wakas ay napapayag ko din ang lalaking ito! Nagdesisyon akong umuwi muna sa bahay namin para bisitahin sina Mommy at Daddy. Hindi na ako dumaan sa condo dahil may mga gamit parin naman ako sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ang saya ko sa naging maghapon ko. Pakiramdam ko ang dami kong accomplishments ngayong araw. Kumakanta-kanta pa ako pagpasok sa sala namin. Napatigil ako sa paglakad dahil pagtingin ko sa sofa ay naroon si Jace at si Daddy na nakatingin sa akin! Anong ginagawa dito ni Jace? “Oh anak? Hindi ka nagpasabi na dito ka uuwi,” bati sa akin ni Daddy. Hindi ako makasagot dahil ang mga mata ko ay nakatuon kay Jace na matamang nakamasid din sa akin. Ano kaya ang iniisip niya? “Ahh, biglaan lang Dad,” sagot ko sabay halik sa pisngi ng Dad ko. “Abay saan ka ba galing at ganiyan ang amoy mo?” sagot naman ni Daddy. Narinig kong mahinang tumawa si Jace sa tabi nito at pinanlakihan ko siya ng mata. “Grabe ka naman Daddy. Ayan si Jace oh, naririnig ka! Kainis ka!” “Sus! Ngayon ka pa nahiya, eh matagal na naman kayong magkakilala. At saka bakit nga ang baho mo?” tumatawang sagot niya. Close ako kay Dad. Mapagbiro siya pero noong kabataan pa niya ay strikto talaga siya sa aming magkapatid. Napatingin ako kay Jace na nakangiti lang din sa akin. Mukhang masaya na siya ulit, hindi katulad noong isang araw na parang ang seryoso niya. As usual, nagtatalon na naman ang puso ko pagkakita ko sa kaniya. “Galing ako sa project Dad! Nagre-renovate ako ng office,” sagot ko. “Ano namang ginagawa mo dito?” baling ko kay Jace. Pinilit kong maging casual lang sa harapan niya. “Ahh, Tito called me. May gusto daw siyang itanong sa akin eh.” “Daddy! Alam mo namang busy si Jace, pwede mo naman siyang tawagan nalang or email,” puna ko kay Dad. “Mas madali kaming magkakaintindihan kung magkaharap kami,” depensa naman nito. “Sandali lang hijo ha, kukunin ko lang iyong mga documents na ipapatingin ko sayo.” Dali-dali ng nagtungo si Daddy sa second floor sa office niya. “Ahm. Pasensya ka na kay Daddy, makulit kasi talaga,” nahihiyang baling ko kay Jace ng kami nalang sa sala. “Okay lang Trish. Alam mong hindi ka dapat humingi ng pasensya. You are like a family to me,” sagot niya. Kay bilis ng t***k ng puso ko. Para na akong pamilya niya? Ano kaya kung tutuhanin na niya at gawin na niya akong asawa? Hay Jace, ano kaya ang pakiramdam na maging girlfriend mo naman? Sawang-sawa na akong maging kaibigan eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD