Chapter 29

1129 Words
Agad kinabig ni Theo ang manibela at itinabi ang sasakyan ng mamataan naming ang isang pulang sasakyan. Sumama ako sa kaniya na puntahan si Anne kung saan ito nasiraan ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman sa babae pero hindi ko gusto ang ideya na mag-isa siyang puntahan ni Theo. Magkasama kaming lumapit sa sasakyan at namataan ko siya sa driver’s seat. Bumaba siya sa sasakyan pagkakita sa amin at nabasa ko din naman ang pagkagulat niya ng makilala ako pero hindi niya ako pinansin.               “What happened?” concern na tanong ni Theo sa pinsan.               Napansin ko ang nagkalat na eye shadow ni Anne, tanda na galing siya sa pag-iyak.               “Jace hates me,” umiiyak na sagot niya sabay yakap kay Theo at doon patuloy na umiyak. Nagulat ako sa narinig pero hindi ako nagkomento. Napansin ko naman ang mga tingin ni Theo sa akin.               “N-Nagkita sila ni Alvin,” patuloy ni Anne.               Gusto ko sanang tanungin kung sino si Alvin kaya lang ay alam kong wala akong karapatang panghimasukan ang buhay niya. Biglang bumaling sa akin si Anne.               “It’s your fault! Kung hindi ka sana nanggulo, maaayos ko pa ang relasyon namin! Pero pinangunahan mo ako!”               “Anne stop! Huwag mong sisihin si Trish, dahil ikaw naman ang unang nagkamali!”               “Why are you still friends with her Theo? Ginagamit ka lang niya!”               “Do you want me to help you or not? Kapag hindi ka tumigil ay iiwan ka namin dito,” banta ni Theo.               Noon ako nagsisisi na sumama pa ako. Alam ko naman na matindi ang galit sa akin ni Anne. Kung wala ako ay hindi siguro magtatalo ang dalawang ito. Hindi na nagsalita muli si Anne at sumunod na lang kay Theo habang tinitingnan ang makina ng sasakyan.               “Kung gusto mo ay ihahatid ka namin sa inyo para makapagpahinga ka na.”               “H-Hindi ko kayang mapag-isa ngayon,” sagot ni Anne.               Tiningnan ni Theo ang pinsan. Nakita kong naaawa siya sa babae at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung maramdaman. Maiinis ba ako? Alam ko namang pinsan niya si Anne kaya nanahimik na lang ako.               “Saan mo gustong mag-stay?” narinig kong tanong ni Theo dito.               “Hindi ko alam,” mahinang sagot ni Anne. Pinagmasdan ko siya at noon ko napagtanto kung gaano siya kalungkot. Wala ang Anne na masayahin noong una ko siyang nakilala. Tila ba durog na durog siya ngayon. Nag-angat ako ng tingin at napansin ko si Theo na nakatitig din sa akin habang pinagmamasdan ko si Anne.               “Gusto mo sa bahay namin mag-stay? Andoon si Mom at Dad,” pahayag ni Theo.               “Ano na lang ang sasabihin nila kapag bigla akong mag-stay sa inyo? Magtataka sila,” walang-buhay na sagot ni Anne.               “Then tell them the truth. Anne, hindi mo maiitago ‘yan ng matagal. Soon mahahalata ka din nila.”               Napakunot ang noo ko at napansin kong tumingin sa akin si Anne. Sinalubong niya ang tingin ko.               “If you are wondering, I am pregnant,” diretsang pahayag niya.               Hindi ako nakasagot. Buntis si Anne? Naalala ko ang sinabi ni Jace noon, may iba pang dahilan kung bakit niya hiniwalayan ang babae.               “S-Sinong ama ng ipinagbubuntis mo? Si Jace ba?” tanong ko. “Of course he is! Anong klaseng tanong yan? Porket nakita mo akong kasama si Alvin ganiyan mo na ako husgahan?”               Hindi ako nakaimik. Kaya pala mukhang stressed si Anne. I felt so guilty. Buntis siya at tinalikuran siya ni Jace dahil sa akin. Si Alvin pala ang lalaking nakita kong kasama niya sa bar.               “Hindi ko alam..I..I’m sorry Anne.” Umiwas lang ng tingin sa akin si Anne. Nilapitan ko siya pero nang tingnan niya ako ay hindi ko naman malaman kung anong sasabihin ko. Mabilis ding lumapit sa amin si Theo.               “Hindi ko sinasadyang gulohin kayo ni Jace. M-Maniwala ka sana. I’m sorry. I’m so sorry,” hinging tawad ko kay Anne.               Pumikit si Anne at nagbuntong-hininga. “Ang hirap para sa akin na patawarin ka Trish. I am planning to tell him everything about Alvin, pero inunahan mo ako.”               “Naiintindihan ko,” sambit ko.               Natahimik kami pareho. Akala ko ay hindi na ako ni Anne kakausapin kaya nagulat ako nang magsalita siyang mulo.               “You don’t have to say sorry. Pasensya na kung sa iyo ko isinisi ang lahat. Kasalanan ko din, dahil totoo namang may nangyari sa amin ni Alvin. Pero ang batang ito ay kay Jace. Sadly, Jace doesn’t like to talk to me anymore.”               Napatungo ako. Napaka-selfish ko ba? Akala ko ay ako lang ang nasasaktan. Paano na ang batang dinadala ni Anne? Ang anak ni Jace?               “Don’t worry about me,” pahabol pa ni Anne. Tiningnan ko siya at seryoso lang siyang nakamasid sa akin. “Pinagsisihan kong inentertain ko si Alvin ng gabing ‘yon. Worst, sumama pa ako sa kaniya.”               “Tama na. Anne, ihahatid ka na namin ni Trish. Baka lalo kang ma-stress.”               Tumango si Anne at nauna nang naglakad patungo sa sasakyan ni Theo. Tiningnan ko si Theo, inabot niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon. Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Nawala lahat ng galit at inis na naipon ko para kay Anne at napalitan ng guilt.               “Hindi ka ba galit sa akin?” tanong ko kay Theo pagkahatid namin kay Anne.               “Bakit naman ako magagalit sayo?”               “Dahil sa akin, nasira ang relasyon ni Anne at Jace. Kung hindi sana—”               “Kung hindi sana si Anne nagloko, wala sana silang problema,” naunahan ako ni Theo.               “Bias,” bulong ko at mahina siyang tumawa.               “Syempre nalulungkot ako para kay Anne. Kaya nga tinutulongan ko siya. I hope na sana magkausap sila ni Jace ng maayos.”               Noon ko lang naalala ang ginawang pagtatapat sa akin ni Jace. Parang gusto kong magduda kung totoo ba na minahal niya ako sa mga panahon na hindi kami nagkakausap.               “Hey, anong nasa isip mo?” untag sa akin ni Theo. “Natutulala ka.”               “Ah, w-wala. Iniisip ko kung sasabihin ko ba kay Jace,” pagsisinungaling ko. Minabuti kong huwag na lang sabihin kay Theo ang ginawang pagtatapat sa akin ni Jace. Baka lalong gumulo ang sitwasyon. Hindi pa ako ni Anne napapatawad at baka lalo siyang magalit.               “Sigurado akong maaayos din ni Anne at Jace ang lahat,” sagot ni Theo habang nagda-drive.               Pinagmasdan ko siya. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayong kasama ko siya. Pero lahat ng iyon ay nawawala kapag naiisip ko si Anne at si Jace. Para bang wala akong karapatang magsaya gayong alam kong may nasasaktan dahil sa mga kagagahan ko noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD