Nanginginig ang mga paa niya papalapit sa nakaburol na ama. Automatic na napunta sa kanya lahat ng atensyon ng mga tao na nakiramay pero hindi niya pinansin ang mga ito. Nakatutok ang kanyang atensyon palapit sa Daddy niya.
Nagpasalamat nalang siya at nagpaiwan din ang anak sa kotse kung hindi ay paniguradong nagbulungan na ang mga tao at nagsisipagtaka.
Napaluhod siyang umiiyak ng nakalapit at niyakap ang kabaong ng ama.
"Daddy, nandito na ako' Nandito na kami ng apo mo Dad" Mahinang sambit niya.
Hindi niya namalayan ang paglapit ng isang ginang at bigla siya niyakap. Humagulgol siya ng napagtanto niyang ang Mommy Andrea niya yun. Ang kanyang ina na buong akala niya'y hindi na siya mapapatawad.
"Mommy!!" Iyak niya dahil sa halo-halong emosyon. Masaya siya dahil alam niya sa sarili niya na okay na sila ng kanyang ina pero malungkot dahil hindi na nila makakapiling pa ang ama.
Sa isang sulok ay may nakatitig sa dalaga habang umiiyak na nakayakap sa Ina. Blanko ang kanyang expression sa mukha. Si Congressman Kyle Navarro. Ang dating kasintahan ni Shaina. Palihim na umalis kasama ng mga bodyguards upang hindi na sila magkita pa ng kasintahan, ahh ng dating kasintahan.
Pagkatapos maiburol ng ama ay sumama na si Shaina sa kanyang Mommy sa bahay nila. Ang Kotse naman na sinasakyan ng anak ay nakasunod sa kanila. Hindi pa niya alam kung ano ang magiging reaksyon ng Ina kapag nalaman na kasama niya ang anak na umuwe sa bansa.
Pagkababa niya ng kotse na sinasakyan nilang mag-ina ay siya ding baba ng anak niya sa sasakyan na dala ni Tatay Juancho niya.
"Mommy!" sigaw ng anak sabay yakap sakanya.
Ang kanyang ina naman ay napangiti pagkakita kay Kylie.
"Siya ba ang... siya ba ang apo ko!?" naluluhang tanong ng Ginang sa kanya.
"Opo Mommy, Siya po si Kylie ang apo niyo." Nakangiting sagot niya.
"Anak bakit naman ngayon mo lang naisipan na umuwe hindi na kayo nagkita ng daddy mo" Lumuluhang sabi ni kanyang Mommy Andrea.
"I'm sorry Mommy, akala ko hindi niyo ako mapapatawad sa ginawa ko, pero ginawa ko lang ang sa tingin ko ay tama at para maisalba nadin ang negosyo natin". sambit niya sa ina.
"Baby, hindi naman importante iyon ang mahalaga sa amin ng daddy mo ay ikaw, alam mo bang pagkaalis mo ng bansa ay ikwenento sa akin ng ama mo ang tungkol sa pagbubuntis mo, at lingid sa kaalaman mo nandun ako sa ospital nung nanganak ka, hinding hindi kita matitiis dahil nagiisa kang baby ko". Ang mahabang litanya ni Donya Andrea.
Sumapit ang gabi na puno ng iyakan ,yakapan at kwentuhan nilang mag-ina ang nangyari. Ang kanyang anak naman ay napatulog na ng Yaya niya dati na si Yaya Elsa. Pumasok si Shaina sa dati niyang kwarto ng makaramdam na ng antok.
Pagkaupong pagkaupo ko sa aking lumang kama ay nakaramdaman ako ng kahungkagan, tinitigan ko ang anak ko ng malungkot at may tumakas na luha sa mata.
"Ahh ang anak kong pinagkaitan ng ama ng sariling Lola". Nakakalungkot padin ang mga pangyayari limang taon na pero pinapalakas ng anak ko ang luob ko. Binibigyan niya ako ng dahilan para lumaban sa buhay". Bulong niya sa sarili.
Samantala sa bahay ng mga Navarro ay nag-ngingitngit padin si Donya Juana sa kaalamang nagpunta ang anak sa burol ng ama ng dati nitong kaaintahan.
Nagtalo silang mag-ina na siyang dahilan ng pag-alis ng kanyang anak sa sarili nitong bahay.
Alam niyang nagtungo ang anak sa kapitolyo at malamang ay sa opisina na naman ito matutulog gaya ng nakagawian niya ilang taon na.
Si Kyle ay nagtungo sa kanyang opisina matapos ang sagutan nilang mag-ina.
Hindi niya gusto ang sagutin ito ngunit ang tanging dahilan niya lang sa pagpunta sa namatay na ama ng dating kasintahan ay upang makasiguro na hindi na nga bumalik si.. ang kanyang dating nobya na ngayon ay nagbalik at hindi padin nawawala ang galit niya dito dahil sa biglaang pag-iwan at wala man lang dahilan.
Kung sana lang nagsabi ito nuon ay malamang hindi aabot sa ganito na napoot siya ng sobra at halos wala ng maramdaman para dito.
"Sana hindi ka nalang nagbalik". Aniya sa isip hanggang sa nakatulugan niya na ang pag-iisip.
Nagising ako ng may yumugyog sa balikat ko habang tumatawa. Pagkakita ko kung sino aya agad akong napangiti, ang baby ko. Ang napakaganda at napakabait kong anak.
"Mommy! Mommy sabi ni Mamita madami daw mapapasyalan na falls dito sa lugar ninyo, please Mommy pwede mo po ako itour?" Masayang tanong sa akin ng anak ko.
"Of course baby! Before mag-nine dadalhin kita sa napakagandang falls at matutuwa ka dun, Pero ngayon magbihis ka muna at mag breakfast na tayo okay". Sagot ko sa anak ko
"Yehey! Thankyou Mommy , I Love You!"
"I Love You too baby!" Sagot ko sakanya.
"Mom, pwede po ba kaming magpasama kay tatay Juancho? Dadalhin ko lang si Kylie sa Edralin falls sa kasibu" Tanong ko kay Mommy habang nag-aagahan kami.
"Syempre naman anak , gusto ko sanang samahan kayo pero alam mo naman mahina na ang tuhod ko, kaya kayo nalang nitong apo ko ang mag-enjoy" nakangiting turan ni Andrea sa anak habang hinihimas ang ulo ng apo na magana at masayang nag-aagahan.
Sinadya ni Shaina na sa malayong Falls dalhin ang anak para makaiwas sa tsismosa sa kanilang lugar. Alam niyang hindi matatapos ang linggo na hindi makakarating kay Kyle ang tungkol sa anak nila at siguradong hindi niya malulusutan ito ngayon.
Pagkatapos ng halos tatlong oras na byahe ay nakarating sila ng Edralin falls at manghang mangha ang kanyang anak. Palibhasa ito ang unang beses na makakakita ito ng dahil sa California ay wala namang ganitong lugar.
Paakyat palang sila ng may marinig siyang tumawag sa kanyang pangalan.
"Shaina? Is that you?" Pasigaw na tanong sakanya ng isang babae may kasa-kasama din itong bata na sa tingin niya ay tatlong taong gulang.
"A- Amethyst? Hi!"
"Oh my God Shaina ikaw nga"! Sabay yakap ng bestfriend niya sakanya.
Sa isip niya ay "Patay! Mapapaaga ang pagkakakilala ng mag-tita".
Pinsang buo ni Kyle si Amethyst sa Daddy nito at close ang dalawa.
"Mommy? Who is she?" Tanong ng biglang sulpot na anak niya.
Gulat na napatingin sa kanya ang kaibigan at tumitig sa kanyang anak. Napalunok siya sa paraan ng pagtitig nito sa bata , nang mag-angat ito ng tingin sa kanya ay may pinipigilan ito ngunit sumungaw ang mga luha nito.
Walang salitang iniwan sila at hindi na ito nagpaalam sakanya
Matapos mailibot ang anak ay nagpasya silang umuwe dahil napagod na rin ito at alam niyang hindi na niya kakayanin pang maglakad dahil mabigat ito.
Pagdating nila sa gate sa kanilang mansyon ay nagulat siya dahil maraming mga armadong lalaki. Nagmadali siyang tumakbo at agad na hinanap ang kanyang mama
"Mommy!" Tarantang sigaw niya pero nakaupo lang naman ito at nakikipagusap sa lalaking nakatalikod.
Agad na sumikip ang dibdib niya at nakaramdam ng konting kirot.
Likod palang pero kilalang kilala na niya. Ang likod ng lalaking mahal niya, ang likod ng taong hanggang ngayon ay hindi niya makalimutan at higit sa lahat ang likod na dati niyang sandalan.
Nang mag-angat ito ng tingin ay walang emosyon itong nakipagtitigan sa kanya.
" Anak , buti at nakauwe na kayo , nandito si congressman Kyle." Pang basag ng kanyang ina sa katahimikan pero patuloy padin ang tingin ng lalaki sa kanya ng tagusan.
"Welcome home miss Montes!" Umangat ang bibig nito pagkasabi ng apilido niya.
"Mommy, I want ube cheese cake please!" Singit ng anak niya.
"Diyos ko, Lamunin na sana ako ng lupa" bulong niya at ipinikit ang mata.
Pagmulat niya ay dalawang pares ng magkaparehong mata ang nakatitig sakanya. Ang isa ay sa anak at ang isa naman ay ang nang uusig na mata ng dati niyang kasintahan.
What a surprise miss Montes"! Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa anak ko?"
Galit na sambit niya.
"Nagkakamali ka--"
"Hindi mo kailangang magsinungaling" Alam kong anak ko ang batang yan, Anak ko na itinago mo ng matagal, Anak ko kaya kukunin ko sayo!" Matigas na tugon nito.
Napapikit siya , Sana pala pagkalibing palang ng Daddy niya ay umuwe agad silang mag-ina sa California. Sana hindi umabot sa ganito. Dumating na ang kinakatakutan niya.
Hinawakan niya ang kamay ng lalaki nang lumapit ito sa anak nila ,pero iwinasiwas lang nito ang kamay niya.
Nagtago naman sa likod niya ang anak marahil ay natakot sa sagutan nila.
Umayos ng tayo ang binata at malungkot na tumingin sa likod niya.
"Babalik ako Shaina, hinding hindi ka makakaalis ng bansa at hindi mo maitatakas sa akin ang anak ko". Banta nito sabay talikod at sinundan naman ito ng mga bodyguard
Napaiyak siya ng mawala ng ang sasakyan ni Kyle sa paningin niya.
"Mommy--,! Nanginginig ang mga tuhod na napasalampak siya sa sahig.
"Yaya pakiakyat muna si Kylie sa kwarto". Pakiusap ni Andrea sa kasambahay at dinaluhan siya nito.
"Anak , you need to be strong! Wag kang mag-alala maayos din ang lahat".
"Mom, ikakamatay ko kapag nawala sa akin ang anak ko". Iyak niya sabay yakap sa Ina.
"Anak ,makapangyarihan ang mga Navarro ,lalo na ngayon nakaupo na Congressman si Kyle, Pero makikiusap tayo anak ,Hindi niya makukuha sa atin si Kylie".