Pipay POV "Wag mo sanang mamasamain pero hindi ikaw ang pangarap ko para sa anak ko. Marami akong pangarap sa kanya. Nandito ka bilang katulong hindi bilang kaibigan ng anak ko kaya kung pwede lang dumistansya ka sa anak ko. Mabait akong tao pero masama ako pag kinakalaban." Nasaktan ako sa sinabi niya. Hindi ba talaga ako bagay kay Dark? Alam ko naman na mababa lang ang uri ko at hindi ako mataas kagaya nila pero kaya ko ding magmahal. Aba kung pagmamahal lang din naman ang pag-uusapan daig ko pa si Marian Rivera sa pagkembot at pagmamahal na ipaparamdam ko. Saka di lang kembot ang kaya kong ibuga, gigiling din ako! "Alam kong matapang ka Pepe Pipay dahil kita ko yun sa mga mata mo pero ilugar mo yang ugali mo. Pasalamat ka at naging kumpare ko ang ama mo dahil kung hindi. Hindi a

