Pipay POV
"Hoy bumangon kana nga dyan Pipay." nakaramdam ako ng may pumapalo sa pwet ko pero sinipa ko lang kung sino man ang istorbo sa pagtulog ko. Ang ayaw ko sa lahat naiistrobo ang tulog ko.
"Tita! ok lang po ba kayo?"napabalikwas ako ng gising ng makarinig ako ng isang pamilyar na boses.
"Nako oo maayos lang ako hehe,"bumaling sa akin ang nanay ko na nakataas ang kilay. "At ikaw bumangon kana dyan kung ayaw mong magkaroon ng alunit sa pwet!"
Hindi ko pinansin ang nanay ko na ngawa ng ngawa sa tabi dahil nakatuon lang ang pansin ko sa lalaking naka ripped jeans at simpleng white t-shirt na tinernohan niya ng nike na sapatos.
"Teka parang namumukhaan kita ah." tumayo ako mula sa pagkakaupo habang turo-turo ko siya. Nakangiti naman siya sa akin na parang nasisiyahan sa nakikita niya. Nangingkit ang mga mata ko at inikutan ko siya.
"Ikaw?!"tumigil ako sa pag-ikot sa harapan niya at inamoy ko ang leeg niya. "Kit?" anas ko sa mahinang boses. Hinding-hindi ko makakalimutan ang pabango ng matalik kong kaibigan! Dahil paborito ko ang amoy ng coconut oil ay nagpabili siya ng pabango na kasing amoy din ng niyog!
"Buti naman naalala mo pa ako." tumingala ako sa kanya at pinakatitigan ang mukha niya. Si Kit ngaa!
"Gunggong ka paano kita makakalimutan eh alam ko amoy mo! Hindi mo pa rin pala pinapalitan yung pabango mo." tumawa lang siya kaya nakita ko ang biloy niya sa magkabilang pisnge.
Ito guys ah sinasabi ko sa inyo napakafafa niya sa totoo lang yung tipong kape na lang ang kulang. Pero mas fafa yung Kit no. two kasi kahit walang kape solve na solve kana.
"Yup, hindi ko talaga pinalitan yung pabango ko kasi alam ko nagustong-gusto mo yung amoy ko." napabungisngis ako sa sinabi niya.
"Ikaw ahh siguro hanggang ngayong may crush ka pa rin sa akin no?" tukso ko sa kanya. Dati kasi sinasabi niyang gusto niya ako pero akala ko biro-biro lang hanggang sinabi niya sa nanay ko na gusto niya akong ligawan pero sa hindi inaasahang pangyayari namatay ang mommy niya kaya umalis muna sila dito sa baryo namin at nagpunta sa States.
Akala ko nga hindi na babalik ang tukmol na to eh dahil halos limang taon na din ang nakakaraan ng iwan niya ako dito.
"Ano maglalandian na lang ba kayo dyan? Ano ako audience niyo sa nakakakilig na pagkikita niyo? Ikaw Pepe tumigil-tigil ka sa kalandian mo kung ayaw mong makurot kita sa singit at para ipaalala ko sayo diba nag-eemo emo ka dahil sa pag-alis ni Kit number two." nanay ko talaga kahit kailan epal sa mga ganitong eksena sa buhay ko.
"Bakit ba ako binigyan ng nanay na baliw.
Baka baliw din si author kaya binigyan niya ako ng loka-lokang nanay"
"Wag ka ng maarte Pipay maganda naman nanay mo"author
"Oo na lang author tumahimik kana dyan ok? eksena ko to hindi mo to story."
"Ito na nga tatahimik na."
"Nay pwede namam po kayong umalis hindi naman po namin sinabi na manood ka sa kasweetan namin ni Kit."
"Teka bakit ka nag-eemo Pipay? Saka sinong Kit number two?" paktay ito na nga ba ang sinasabi ko. Napakadaldal kasi nitong matandang bruha na to eh.
"Matilda tapos na ang orasyon kailangan na nating isagawa ang susunod na ritual."napahawak ako sa dibdib ko ng biglang lumitaw ang alalay ng nanay kong bruha.
"Mang Kano wag naman po kayong sulpot ng sulpot sa kung saan! Ginugulat niyo naman ho ako eh lalo na dyan sa mukha niyong hindi ko maintindihan bakit ganyan."
"Pasensya na Pipay hindi ko sinasadya na magulat ka. Wag mo na din pansinin ang mukha ko alam kong masyado na akong gwapo para ikagulat mo." napairap naman ako ng dahil sa sinabi niya. Hindi kagwapuhan ang sinasabi ko iba talaga tong si Mang Kano kung ano-anong sinasabi na kasinungalingan.
"Kamusta ho Mang Kano tagal na nating hindi nag kita ah." bati naman ni Kit kay Mang Kano.
"Sino kaba? Sorry but I don't talk to stranger." Napalingon ako kay Mang Kano dahil sa sinabi niya. Wow ah ngayon ko lang nalaman na marunong palang mag english to magpatulong kaya ako sa kanya para matuto ako agad. Natameme naman si Kit dahil sa sinabi ni Mang Kano.
"Oh sige-sige maiwan na muna namin kayo at may aasikasuhin lang kami ni Kano. Halikana Kano hayaan mo silang mapag-isa." tawag ni nanay kay Mang Kano.
"Nay hindi po kami isa kita niyong dalawa kami eh. Mali-mali naman yung mga sinasabi niyo. Ang engot niyo talaga."
"Ayan maging mabait ka sa nanay mong maganda!"nag ok sign pa ito. Napailing na lang ako at hinayaan ko silang umalis.
"Engot pa rin kayong dalawa ni tita." bulong niya sa akin. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Ako... engot? Eh kung ihulog ulit kita sa imburnal nang madala ka ulit." banta ko sa kanya. Hindi naman natakot ang loko at inakbayan lang ako.
"Tara sa labas mainit dito sa loob eh. Saka kung ihuhulog mo ulit ako sa imburnal sisiguraduhin ko na kasama na kita sa pagbagsak para naman hindi lang ako ang nahulog." bakit feeling ko may iba pang kahulugan ang sinabi niya.
"Alam ko naman na crush mo ako Kit pero wag mo masyadong ipahalata ah." tinapik ko pa ang dibdib niya. Wala naman sigurong masama kung mangtyansing ako sa iba dahil wala na din naman si Kit number two dito. Isa pa may asawa na pala ang loko buti na lang hindi pa ganon kalalim ang nararamdaman ko sa kanya.
Tama na din ang isang buwan na pagmumukmok ko sa bahay dahil dumating na din naman ang matalik kong kabigan. Hindi din naman malabo na magkagusto ako sa kanya dahil hindi nalalayo ang damdamin namin sa isa't isa madami na din kaming napagdaanan.
"Kamusta ka nung nasa ibang bansa ka?" nakaakbay pa rin siya sa akin habang naglalakad kami papalabas ng bahay.
"Mahirap sa umpisa kasi kailangan kong mag-adjust ng ilang buwan pero nasanay na rin naman ako nung nagtagal."
"Buti umuwi na kayo si tito kamusta?" madami akong tanong sa kanya isa na din doon kung bakit hindi siya sumulat sa akin.
"Ok naman na si Dad actually siya yung nakaisip na umuwi na dito sa pinas dahil na mimiss na daw niya ang lugar dito. Pagkauwing-pakauwi namin kaninang madaling araw nagbyahe ako agad papunta dito si papa naman naiwan sa manila. Hindi ko na din naman siya pinilit na umuwi dito dahil uuwi din naman siya sa susunod na linggo. Dito agad ako dumiretsyo sa bahay niyo para makita ka." tumigil kami saglit sa bakuran namin. Humarap siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
"Miss na miss na kita Pipay kung alam mo lang."napangiti ako sa sinabi niya at niyakap ko siya pabalik.
"Loko-loko ka kasi bakit hindi mo ako sinulatan? Hindi ka tumutungon sa mga sulat ko sayo kaya tumigil na din ako sa pag-sulat pinaasa mo kaya ako."hinanain ko sa kanya.
"Tungkol doon lumipat kami ng bahay nun at nakalimutan ko na sabihin sayo ang address ko. Naging abala na din ako sa pag-aaral doon kaya nakaligtaan na kita."
Humiwalay ako sa pagkakayakap niya. "Aba ang lakas mo ding palang pumunta dito eh no? Edi sana kinalimutan mo na lang ako ng tuluyan may pa i miss you ka pang nalalaman dyan eh kinalimutan mo naman pala akong tukmol ka!"
Nakakabwesit siya! Ako lang pala ang hindi nakalimut sa aming dalawa pero kung makapagsabi na, na miss niya ako eh ito naman ang nakalimot. Para pa siyang tuwang-tuwa habang nakikita ang reaksyon ko.
"Ito naman hindi kana mabiro." hinila niya ako at hinalikan ang noo ko. "Simpre hindi kita makakalimutan ano kaba. Hindi na kasi uso ang sulat doon sa States kaya tinanggal na nila yung companya na nagbibigay ng sulat. Eh wala ka din namang cellphone kaya hindi talaga kita macocontact." paliwanag niya sa akin naningkit ang mata ko sinsusuri kong totoo ba ang sinasabi niya.
"Pag ako niloloko mo sinasabi ko sayo hindi lang kita sa imburnal ihuhulog." banta ko sa kanya.
"Kailan ba kita niloko?" natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Oo na nga hindi mo na ako niloloko. Tara ipapasyal kita dito."
"Mabuti pa nga."nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ko. HHWW tuloy kami pero kahit na naka holding hands kami wala akong maramdaman na kilig hindi kagaya ni Kit number two.
Mabilis kung ipinalis sa isip ko ang isang Kit. Andito ang totoong Kit at katabi ko siya habang magkahawak ang mga kamay namin.
"Tignan niyo girls ang landi talaga ng babaeng yan. Iba na naman ang kasamang lalaki. How I wonder kung virgin pa siya." tawanan ng ibang babae sa tindahan na nadaanan namin.
Alam ko na ako ang pinag-uusapan nila pero hindi ko na lang sila pinansin.
"Balita ko nga ilusyonada yan eh." anang ng isang babae.
"Ay true girl handa nga siyang maging kabit diba?" nanginginig ang kamay ko dahil sa galit. Napansin naman yun ni Kit at hinawakan ako sa balikat at iniharap sa kanya.
"Ok ka lang ba Pipay?" hinawakan pa niya ang pisnge ko pero agad ko yung tinanggal.
"Ok lang ako wag kang mag-alala."ayokong makipag-away ngayon kaya naman hinila ko siya papaalis sa mga taong walang magawa sa buhay kung hindi pagchismisan ang nakakatawa kong buhay.
"Sana mabilaukan sila ng sarili nilang laway"ani ko sa aking isip. "Bwesit sila eh sila naman ang mga p****k sa buong baryo namin!"
Nagtungo kami sa tambayan namin nung mga bata pa kami ni Kit.
"Wow akala ko wala na to." masaya niyang sambit habang tumitingin sa burol at sa pinakatuktok nito ay may puno ng narra at may duyan doon na pinagawa pa namin ni Kit sa tatay niya dahil gusto namin ng duyan doon. Lagi akong pumupunta dito lalo na pag may problema ako.
"Simpre naman saka hindi naman ako papayag na mawala to kasi dito nag umpisa pagkakaibigan natin." umakyat ako sa hindi kataasang burol. Sumunod naman siya sa akin hanggang sa maramdaman ko na inalalayan niya ako paakyat nakahawak ito sa bewang ko at ang isa naman nitong kamay ay nasa braso ko.
"Salamat, nga pala wala ka bang naging kasintahan nung nasa States kapa?" umupo ako sa duyan habang siya naman ay nag tungo sa likod ko upang iduyan ito.
"Wala ikaw lang naman ang gusto kong maging girlfriend eh." Kung ibang babae siguro ako ay malamang kinikilig na ako sa mga sinasabi niya pero hindi eh. Wala akong maramdaman.
"Girlfriend mo naman na ako diba?" naramdaman ko na natigilan siya sa sinabi ko. Ay nako napaka slow din talaga ng utak nitong lalaking to. "Hoy bakit ka natulala dyan?" nakalingon kong sabi sa kanya.
"Girlfriend na kita?" mahinang anas niya. Umirap naman ako slow nga ang mukong.
"Oo girlfriend... diba babaeng kaibigan eh babaeng kaibigan mo naman na ako eh." bumagsak naman ang balikat niya dahil sa sinabi ko.
May mali ba sa sinabi ko? Wala naman ata ah tama naman yung sinabi ko sa kanya. Tinuro yun sa amin nung elementary pa kami dahil nga mahaharot kami. Tinuruan pa ako ng maharot kong teacher kung paano maging kaaya-aya sa harapan ng taong gusto ko.
"Pipay hindi ganon yun." lumipat siya ng pwesto at nasa harapan ko na ito. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay habang nakaluhod sa harapan ko. "Ang ibig kong sabihin sa girlfriend ay ikaw ang gusto kong maging kasintahan. Ang engot mo talaga kahit kailan." kinamot pa nito ang batok niya.
"Hindi ako engot malay ko ba na ayun yung gusto mong sabihin. Pinapagulo mo pa eh sana sinabi mo agad para hindi ako maguluhan." ani ko.
"So papayag kaba na maging kasintahan ko?" agad na tanong niya.
"Oy ang bilis mo ah kahit na matagal na kitang kaibigan at matagal mo na akong crush hinding-hindi mo ako agad makukuha sa paganyan-ganyan mo manligaw ka muna."
"Biro lang sinubukan ko lang naman kung makakalusot eh."
"Eh kung sipain kita mula dito sigurado ako na magpapagulong-gulong ka pababa." hinalikan na naman nito ang noo ko.
"Panoorin na lang natin na lumubog ang araw." tumango naman ako sa kanya at inalalayan niya akong tumayo at nagtungo kami sa katawan ng puno at doon umupo.
Ilang oras pa kami nandoon at tahimik lang kami hanggang sa lumubog na ang araw. "Tara na baka hinahanap kana sa bahay niyo makulam pa ako ng nanay mo." ani ni Kit.
"Aba talagang makukulam ka kung hindi mo ako iuuwi."
Naglakad na kami papauwi malapit lang naman din dito sa tambayan namin ang bahay namin. Madadaanan ulit namin ang tindahan at andoon na naman ang mga haliparot na babae na kung makalait eh akala mo wala ng katapusan.
"Oh sabi sa inyo eh gagabihin sila." anang ni Kristel na akala mo tama ang hinala niya.
"Nakailang rounds kaya sila." Nakangising sabi ni Belen.
"Nasarapan siguro ng masyado kaya ginabi na sila." Tumawa naman ang kasama niyang si Gemma.
Kanina pa ako nagpipigil sa kanila pero sinasagad na nila ang pasensya ko. Lumabas yung may ari ng tindahan at buhat-buhat niya ang arinola niya.
"Aling Susan ako na ho ang magtatapon." nakangiti kong sabi napapantastikuhan naman siyang ibinigay sa akin ang arinola na may lamang ihi.
Lumapit ako sa kanilang tatlo na pinagchi-chimisan ko at ibunuhos ko sa kanila ang ihi na nasa arinola.
"Oh my ghad!" ani ni Gemma.
"Yuck it's so kadiri!" nandidiring sabi ni Belen.
"How dare you?!"sasabunutan sana ako ni Kristel pero iniharap ko sa kanya ang arinolang hawak ko.
"Subukang mong lumapit o ipapadila ko sayo tong arinola na to?! Kilala niyo ako at hindi ako nag papatalo sa mga kagaya niyong mukhang mga aso! Oo aso kayo... Alam niyo kung bakit? Kasi kung sino-sino na ang nakakatira sa inyong tatlo. Wala kayong pakialam sa buhay ko dahil hindi kayo ang nagpapakain sa akin!"
Dinuro ko sila isa-isa. "Humanap kayo ng mga kalevel niyo. Wag ako dahil maling-mali ang labanin ang isang Pepe Pipay ng Baryo Kapangitan." inilapag ko ang arinola sa lamesa doon. "Tandaan niyo yan!"
Nagmartsa ako papauwi hindi ko na din pinansin si Kit na tinatawag ang pangalan ko. Pero bago pa ako makapasok sa bakuran namin ay may humila sa braso ko papaharap.
"Kit." napako ang mga paa ko sa lupa ng makita ko si Kit number two. Shocks anong gagawin ko?!