Eksaktong alas sais ng umaga ay bumaba na ako. At nandoon na nga ang sasakyan ni James at nahihintay. Well, hindi na ito umakyat kanina sa bahay nila pero naririnig ko naman silang nag-uusap ni inay dito sa ibaba. Bumukas ang pinto ng driver’s seat at bumaba roon si James. “Let me carry that for you.” Tukoy nito sa sandamakmak na test papers na dala ko. Ibinigay ko naman agad dahil medyo mabigat nga talaga ito. Tatlong expandable envelope ang inabot ko rito. Inilagay naman iyon ni James sa loob ng sasakyan bago ako pinagbuksan ng pintuan. “Good morning, Ma’am Andrea!” Gulat akong napalingon sa back seat kung saan nanggaling ang pamilyar na bruskong boses na bumati sa akin. “My God! Bakit kayo nandito?” Bulalas ko sa pagkabigla ng makitang nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan sina

