HINDI KO alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan kanina sa sinabi ni James. Of course, I will be nervous because James is talking about marriage thingy. Hindi biro ang usaping iyon lalo at mukhang mayroon na akong phobia sa kasal. “I’m sorry for that, nabigla yata kita. What I mean is that, I will accompany Manong Justine to ask your mother’s hand for marriage.” Explain nito sa akin. “Mabuti na ‘yung klaro.” I murmured. “Alam mo naman sigurong kami na ang pamilya ni Manong Justine. So, as the head of our family, mamamanhikan na kami tonight sa nanay mo. Is that okay with you?” “Oo naman. Ako pa ba ang pipigil sa kasalang Banal-Henson? Wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya si nanay. At kung si Manong Justine iyon hinding-hindi ako magiging problema. Kesa naman magtanan

