INIHATID ni James si Seanna at ang nanny nito sa mansion. Hindi na ako sumama pa sa paghatid sa bata dahil gusto ko munang makita si Kate na nasa okay na sitwasyon bago umuwi. Eksakto alas-kwatro y media ng lumabas si Sean mula sa delivery room at butil-butil ang pawis sa mukha pero halatang masayang-masaya. “Kamusta?” Iyon lamang ang naisambit ko kay Sean nang lumapit ito sa akin. “Andrea, ang gwapo ng anak ko. Carbon copy na naman.” Kung titingnan ang reaksiyon nito ay hindi mababayaran. Because Sean is now a one proud daddy of two children. “Umayos ka nga! Hindi ko naman tinatanong kung sino ang kamukha. Sa trato palang sayo ni Kate, imposibleng hindi mo maging kamukha ‘yun bata.” Nakita ko kasi kung paanong alipinin ito ni Kate. Sa bawat pagkilos ni Kate ay lagi nalang itong nakasun

