“Congratulations, Mrs. Lourdes Banal!” Magiliw na bati ko sa ina ng matapos ang seremonya ng kasal. Nauna kasi kaming lumabas sa opisina ng mayor na nagkasal sa dalawa. Kanina hindi ko mapigilang mapaiyak ng iannounce ng mayor na husband and wife na silang dalawa ni Tatay Justine. Para bang nabigyan ako ng napakagandang regalo mula sa langit. Siyempre, pangarap ko talagang magkaroon ng isang buong pamilya. At ngayong araw, natupad na iyon. Yumakap ang inang si Lourdes kay Andrea. “Salamat, anak! Napakasaya ko. Hindi sumagi ni minsan ko na ikakasal rin ako. Pero heto nga kahit hindi ako lubos na makapaniwala ay natupad na ang piping hiling ng puso ko.” Napangiti ako sa sinabi ng ina. Alam kong walang pagsidlan ang kaligayahan nito. Nakikita ko iyon sa aura ng maganda niyang mukha. “You

