Chapter 18: Doubts
Hindi mapakali ang aking damdamin noong mga sumunod na araw. May nais gawin ang aking damdamin. May nais punan napatlang sa aking kalooban subalit ginagawa ko ang lahat upang panindigan ang aking mga binitawang mga salita sa kanya.
Naglakbay ako sa gubat sakay ng isang kabayo upang ipastol sa malagong parang. Pero bago marating ang pastulan ay may mga inilagay akong training traps sa daraanan-this only required for me.
Mga dart board at kung anu-ano pang mga dummies na nilagay ko sa daraanan ko upang mas pahusayin pa ang aking kakayahan. I wanted ever since na matuto sa larangan ng archery. At iyon nga ang ginagawa ko sa sarili ko without the prior consent of Dylan.
Nahihirapan man akong puntiryahin ang mga target, hindi kailanman ako nawalan ng pag-asa. Hindi ko kailanman papatayin ang aking ningas ng pag-asa. Ika nga nila, 'mayroong silid ng pagbabago'.
There's a room for improvement.
Hinagupit ko ang kabayo at nang maramdaman ang latigong namilipit sa kanyang baywang ay kaagad itong rumagasa nang takbo.
"Heeyyyaaah!" yugyog ko sa aking mga binti, itinatama sa katawan nito upang mas bigyang intense ang pagbulusok namin sa unang dart board.
An arrow made up of flame appeared on hand, holding it tight and firm. Inihagis ko ito sa dart board na nakapako sa katawan ng isang puno. Ngumisi ako nang lumapat ang palaso sa pulang bilog ng dart board. Nasunog ito at nilamon sa abo. Hindi man lang naapektuhan ang punong kinabitan nito.
Of course, dahil kontrol ko ang kapasidad sa paligid nito. Hindi madaling tantsahin ang pagbunot ng enerhiya na sasakto lamang sa kalatagan ng dart board. At kung paano lapatan ng pananggalang ang oxygen sa paligid dahil kung hindi ko iyon gagawin, malamang ay liliyab ang buong gubat at tupukin ang buong nayon.
Huminga ako ng malalim, hinawakan ko ang tali ng kabayo at hinagupit, kumaripas ito sa takbo saka ko ito hinigit ng pumaliko ang daan at mamataan ang isang dummy sa hindi kalayuan.
Hinubad ko ang panang nakasabit sa aking balikat. Bininat ko ang tali nitong kasing tibay ng aking pasensya at kalulwa. Huminga ako ng malalim, kinontrol ang enerhiya sa katawan at inipon sa iisang lalagyan. Itinuon ko sa aking atensyon, kumunot ang aking noo at saka sinimulang pinalakbay palabas ang gintong liwanag sa aking braso. Gumapang ang dust-like na liwanag sa aking mga ugat.
Bumuo ang palasong gawa sa gintong liwanag. Napangisi ako habang sinisilayan ang aking kahusayan sa larangan na ito.
Binitawan ko ang palaso, pumunit ito sa hangin, inilapat sa hangin ang aking kamay at minanipula ang palasong pabulusok sa dummy na nasa dulo.
The arrow duplicated into five times. Lumiwanag ang bawat madaanan saka bumaon sa kalatagan ng dummy ang sampung palaso sa iisang parte nito.
Ngumiti ako matapos na masilayan ang paglusaw ng dummy. Muling dumilim ang paligid ng mawala ang kinang ng mga palaso.
Hinahabol ko ang aking hininga dahil hindi pa rin nasasanay ang aking katawan sa pagpapalabas ng aking kakayahan.
This is the hardest part ng aking ensayo, ang gamitin ang kakayahan ko out of my system. 'Yong nahihiwalay ito sa bote ng sisidlan nito. Nakakapanghina sa katawan.
Bumaba ako at ipinastol ang aking kabayo nang marating namin ang parang.
Paulit-ulit ang ensayo ko subalit hindi kailanman nagsawa ang katawan ko rito.
Lumanghap ako ng sariwang hangin bago kunin ang lalagyan ng tubig sa aking tagiliran at nilaklak ang laman nito.
Nakarating ako sa ika-tatlong bundok, malayo sa nayon at malayo sa posibilidad na malaman nilang ako ang hinahanap ng mga manlilinlang.
Siguro nagsisimula nang naghahanap ng paraan ang institusyon upang makuha ako, upang mapasa-ilalim sa kanila. Nagtaka ako nang may makapa sa aking bulsa. Inilabas ko ito at laking gulat nang makita ang pendant na binigay sa akin ni mama noong ika-pitong kaarawan ko.
Sapphire diamond ito na hindi ko tiyak kung totoo ba itong diamante. Nagkibit-balikat ako saka itinapat sa aking dibdib katapat ang puso ko. Sa paraang ito ay maramdaman ko man lang na malapit sa akin si mama. Ang pamilya ko.
"Ingatan mo ang pendant na ito, anak dahil ito ang yaman ng ating pamilya..." payo ni mama.
May ipinatago pa siya sa aking kahon na gawa sa kakaibang metal, hindi mabuksan ng kung anumang bagay kahit na ang kapangyarihan ko. Dala-dala ko iyon palagi, sa tuwing aalis ako. Parang kahon lang iyon ng posporo na may butas sa gitna, indicating na may bagay na kulang doon, siguro iyon 'yong susi upang mabuksan ito.
"Lagi mo 'tong dalhin sa'yo, saan ka man magpunta ha?" paalala pa ni mama noon at isinuot sa leeg ko ang pendant.
Pero ngayon ay hindi ko na ito isinusuot kasi naaalala ko lamang ang nangyari sa kanila. 'Yong pait sa likod ng hiyas na ito. Kung bakit ba natawag itong yaman ng aming pamilya kung hindi naman nito kayang protektahan ang aking pamilya.
"Huwag na huwag mong ilahad sa iba ito anak, babantayan ka nito at magagamit mo ito sa iyong paglaki." wala man akong maintindihan noon at hanggang ngayon ay pinilit kong itago at iningatan ang bagay na ito. Gaya ng sabi ni mama, iingatan ko ito gaya ng buhay ko.
Huminga ako ng malalim.
Nang makabalik ako sa nayon ay nakita ko sa mama na nasa loob ng silid niya. Nipa Hut lamang ang pinamamalagian naming lahat na nandito dahil wala naman kaming mga materyales upang magtayo ng mga inprastraktura.
Nakaupo siya sa kanyang kama at may larawang hawak sa kamay. Nasaksihan ko ang pagtulo ng kanyang mga luha sa kalatagan ng salamin nito. Pinunas niya ito gamit ang kanyang nanginginig na palad. Ano kayang nasa larawan na iyon?
"Ma nandito na po ako." nagulat ko siya dahil nabitawan niya ang hawak niyang frame at nabasag ito sa sahig.
Pinunas niya ang kanyang mga luha.
"Pasensya ka na, kanina ka pa nariyan anak?" tanong niya while pinupulot ang frame at ang basag nitong salaman. Itinatago sa akin ang larawan doon.
I winced, "Kararating ko lamang po ma." I replied. Tumango siya matapos niyon ay inilagay sa kabinet niya ang larawan na hindi ko man lang nasusulyapan kung sino iyon.
"Bakit po kayo umiiyak?" I asked.
She smiled, "Ako, umiiyak? Napuwing lang ako anak.." ngumitu siya na kitang kita na ang hudyat ng kanyang pagod at katandaan. The wrinkles.
"Wag na po kayong malungkot mama, pupunan ko po ang lahat ng patlang sa buhay ninyo hangga't kaya ko po." at doon ko nasaksihan ang sariwang agos ng kanyang mga luhang hindi na kayang itago sa kanyang mga talukap.
Niyakap ako ni mama, sharing her deepest gratitude. Nagagalak din akong makilala siya.
"Salamat, anak." usal niya.
Nang sumapit ang gabi ay nagbantay sa paligid sina Dylan kasama ako. May kakaiba kasing nararamdaman ang mga radar na gawa sa mga gait sa paligid, hindi ko alam kung saan nila ito napag-aralan. Nakakamangha lamang na malaman na may ganitong lebel ang kanilang isipan.
"Magbantay kayo sa kabilang bahagi ng nayon, dito kami ni Tria." saad ni Dylan sa mga alagad niya na nagsipag-alis na pagkatapos niyon.
"Namataan ang mga kalaban sa hangganan ng ating lugar, kailangan nating maghanda sa kanilang paglusob sakali mang malaman na mayroong nayon dito." seryosong usal niya.
Tumango ako. I gripped. Umilaw ang aking mga kamay, yumanig ang paligid at gumawa ito ng ingay na hindi aabot sa isang kilometro.
"What the! Anong nangyayari?" naghuhuramintadong tanong ni Dylan.
Umangat pa lalo ang lupa at pumalibot ito sa nayon, gumawa ng harang upang protektahan ang mga tao sa loob.
"Woah!" narinig kong komento niyong isang kasama naming nagbabantay.
"Salamat kung sinuman ang gumagawa nito, sobrang napakalaking tulong nito sa ating lahat." konti na lamang ay maiiyak na ito dahil sa seguridad na naitulong ko sa kanila.
Buti na lamang at hindi nila nakikita ang pag-ilaw ng aking mga kamay dahil sa pagmamanipula ko. Kung naisin ko mang ikubli sa paningin nila ito, kayang kaya ko dahil iyon ang nais ko.
Nakakamangha kung iisipin na kaya ko ang lahat ng ito, na kaya kong lumipad tulad ng ibon, kaya kong magpalipad ng bagay tulad ni Mara, kaya kong manipulahin ang apoy, tubig, hangin at lupa at ang ilan pang nga elemento. Nakakapagpagaling ang aking mga palad, nagbibigay buhay ang aking haplos at panalangin.
Nakakamangha, maski ang sarili ko ay namamangha sa kayang gawin.
Maliban sa mga nabanggit, ano pa bang kakayahan ang hindi ko pa nagagawa? Ano pang misteryo ang nababalot sa akin? Ano pang mga bagay ang nakakubli sa pangalan ko? Ano pa ang mga kaya kong gawin?
Is this the power that possesses inside the body of a redeemer? Ganito ba noon ang dakilang tagapagligtas? Kaso kung makapangyarihan siya, bakit siya namatay? Bakit kailangang ako pa ang piliin niyang maging bagong tagapagligtas?
Bakit ako pa na marupok at walang alam kundi ang magduda lamang at umiyak?
Bakit ako pa?